Puno... Puno ng pagmamahal (OneShot)

3.1K 66 37
                                    

May mahal ako... 

Kaso...

HIndi nya alam... 

Kasi...

Hindi nya ko kilala.

Paano nya ako makikilala? eh sikat sya sa school. Crush ng karamihan.. Tinitilian ng ilan.. 

Paano nya mapapansin ang isang gaya ko. Hindi naman sikat. 

Pero sabi nila....

Maganda ako..

Mabait...

Matalino..

Mayaman... 

Ano pa bang kulang?...

Pag nag papangit ba ako, mapapansin nya ko? ........ HINDI

Pag naging malandi ba ako, pagtutuunan nya ko ng atensyon?......... HINDI

Pag nag ingay ba ko, kakausapin nya ko? ........... HINDI

Aasa pa ba ko?? wala naman ibang nakakaalam ng nararamdaman ko.......

Ang tanging may alam lang ay.....

"Nakita ko nanaman siya, ngumingiti, tumatawa kasama ang mga kaibigan nya... lalo na pag si......... haysssssss -_- ... sana ako na lang ang dahilan ng pag tawa nya.. Sana ako na lang ang kasama nya.. Sana kami  na lang... Sana......." nakatitig nanaman ako at kinakausap ang......

Puno...

Punong walang malay...

Punong wala namang kasalanan.....

Puno sa may park ng subdivision namin.. Kung san ako madalas tumambay. Mag pahangin.. Mag labas ng saloobin... Gumawa ng assignments... 

Kasabay ng pag hinga ko, ang pag laglag ng mga dahon... 

Kasing asim ata ng sampaloc ang love life ko... 

Kalahating taon...

Kalahating taon na kausap ang puno na alam kung kahit limang daang beses mong balibaliktarin ang mundo, ay hindi mag sasalita.... 

"Mahal ko talaga siya......." 

"......mahal ko talaga si Ruan Anderson.."

*Boooogshhh*

"A-ah... aray!!" namamalikmata lang ako.... 

Kahit ilang beses akong pumikit.. pagmulat ko.. nasa harapan ko pa din sya.

"Akala ko ba mahal mo ako?? bakit di mo ako tulungan??" nung nagsalita siya... bumalik lahat ng senses ko... totoo nga.. hindi ako namamalikmata... Narinig kaya nya lahat ng sinabi ko?? omoo..

"Huyy!!" tumayo ako at tinulungan siya.. Medyo mababa lang naman ang pinagbagsakan nya, isa pa puro bermuda grass, kaya wala syang gasgas... 

"O-okay ka lang b-ba?" 

"Ako ba tinatanong mo?"

"O-oo."

"Eh kanino ka nakatingin?? o di kaya, saan ka nakatingin? hindi ba, dapat sakin?" sa sinabi nyang yun.. namula ako... sa totoo lang kanina pa... pero ngaun sobra na.. para kong ngumuya ng isang kilong sili...

"S-sige. Ok ka nanaman ata.. a-alis na ko...." tatalikod na ko, kaya lang, pinigilan nya ko..

"Alam mo ba kung bakit ako nahulog?....."

".....siguro sa saya? dahil..... dahil..... d-dahil narinig ko ang pangalan ko... namatagal ko ng pinapangarap na bigkasin mo.." then he smiled.... and me??? speechless......

"Five months ago... I saw this girl.... this pretty girl na masyadong vocal sa puno.... this cute girl.... nung narinig ko ang boses nya nung araw na un... ewan ko ba.... nawala ang antok ko... sorry ah, narinig ko lahat ng sinabi mo nung araw na un.... may gusto kang lalaki.. lagi mong nakakasalubong. laging mag kasalubong ang kilay.. nung narinig ko un, nanghinayang ako. ang swerte naman ng lalaking un. pero malas din, kasi di ka nya napapansin. simula noon. nagbakasali akong makita ka ulit, kaya lagi lang akong nasa taas ng puno. at lagi nga ktang nakikita . nagtatago ako sa mga dahon at sanga.. pero... nung narinig ko ang RUAN ANDERSON... nakalimutan kong nasa sanga ako ng puno....." 

".....totoo ba lahat ng narinig ko Rianne Sandoval??" by that, tumulo na ang luha kong kanina ko pang pinipihilan...  HOW???.................. HOW DID HE KNOW MY NAME???? napatingin lang ako sa kanya at... at.... 

at niyakap nya ko...

"Totoo nga. ako nga un.. ikaw kasi.. ang limang buwang nakikita at naririnig kang nakikipag usap sa puno, wala ka man lang binanggit na kahit anong pangalan...... kung matagal mo na sanang sinambit ang pangalan ko, eh di dapat matagal na kong nahulog.. at... hindi ka na mukhang bal--" humiwalay ako sa yakap nya..

"G-grabe ka naman... eh puno lang karamay ko eh... kabaliwan na ba un? sige na nga... basta ikaw ang dahilan... baliw na kung baliw....."

"MAHAL din kita Rianne.. kahit wala akong alam tungkol sau.... handa akong ligawan ka... kahit another 5 months......."

"hindi na kailangan... pwede naman maging tayo agad... at dun natin simulan ang pagpapakilala sa isa't isa." easy to get ba??? PAKE???  mahal ko eh.. PAPAKIPOT pa ba ko? di na uso un...

"Ako nga pala si Ruan Miguel Anderson.. 18 years old..." nakipag shakehands sya..

"Rianne Marie Sandoval.. 17 years old..." at niyakap nya ko...

Pansin ko, meant to be kami..

Bakit???

RM initial ng name nya..

RM din ung initial ng name ko..

Nang dahil sa punong ito narinig nya ko....

Nang dahil sa punong ito.. napansin nya ko....

Nang dahil sa punong ito...... nalaman kong..........

Mahal din pala ako ng taong mahal ko...

(c) Eilramisu 

Puno... Puno ng pagmamahal (OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon