Chapter 8

148 9 1
                                    

Her love came from deep within
a calm acceptance
of who she was in the world
a quiet request
for the face
she saw
in the mirror.

-The Dark Between Stars by Atticus

——————————-

Ilang linggo na ang nakalipas nag mumukmok parin si jimin dahil lang sa rejection ni seulgi.

Nakikitira muna si jimin saamin ayaw niya muna umuwi kasi kailangan niya raw ng kausap at ng comfort. Sabi niya uuwi raw pag nakamove on na siya pero hangang kelan? Paano kung nag pakamatay pa siya dito sa pamamahay ko ng walang oras? Sa itsura niya ngayon makakauwi pa ba siya ng buhay?

Nag luluto ako ngayon at si jimin naman nanonood lang siya sa TV ng pelikulang "five feet apart" kanina ko pa naririnig singot siya ng singot hindi ko alam kung nasisipon ba siya, iniiyakan niya ba ang pelikula o si seulgi ang iniiyakan niya?

Habang niluluto palang ang sinaing ko pumunta na ako sa sala at tumabi kay jimin.

"Ano? Kamusta ka naman diyaan?" Tanong ko sakaniya. Tahimik lang siya ng ilang minuto at nag salita na siya.

"Ayun hindi parin okay." Sabi niya.

Hindi ko naakalain na mabilis pala mahulog yan si jimin pero ang hirap niyang mag move on daig pa siya sa mga ibang babae.

"Gusto mo inom tayo?" Tanong ko sakaniya. Agad timingin saakin si jimin at nakakunot ang noo niya.

"Umiinom ka?" Tanong niya.

"Siyempre! baka nakalimutan mo nasa tamang edad na ko." Sabi ko at tumayo na ko.

"Sorry akala ko hindi ka umiinom hindi kasi halata sa muka mo eh." Sabi niya. Tumawa siya ng pilit at napakamot nalang siya sa batok niya.

"Diyaan ka lang ah! Bili lang ako ng soju sa convinient store." Sabi ko. Mag sasalita dapat siya kaso agad na kong lumabas sa bahay.

Nag lakad lang ako papunta sa convinient store. Pag dating ko sa 7 11 dumeretso na agad ako sa alcohol section at kunin ang limang bote ng soju. Dapat apat lang ang bibilhin ko kaso baka mabibitin pa si jimin o ako kaya kumuha pa ako ng isa.

"Chae?" Agad ako napalingon at napakunot nalang ang noo ko nung narinig ko ang pangalan ko. Agad naman napalaki ang mga mata ko at ngumiti ako.

"Oh jeongyeon! Nandito ka pala!" Sabi ko at agad ako lumapit sakaniya.

"Ano pala ang ginagawa mo dito? Gabing-gabi na ah." Tanong ko sakaniya.

"Ah galing lang ako kela mina bibili lang ako ng mga pagkain mag m-movie marathon kasi kami eh." Sabi niya.

"Ah okay!" Sabi ko at tumango nalang ako.

"Ikaw? Bakit bibili ka ng soju? Mag iinuman ba kayo ni lisa?" Tanong niya saakin.

"Ah oo kaso hindi ko kasama sila lisa ngayon. Actually para to kay jimin eh kasi alam mo na." Sabi ko at na pa "ah" nalang siya kasi alam naman ng lahat ng school na gustong-gusto ni jimin si seulgi at alam rin nila kung paano siya na busted.

"Nag mumukmok parin ba siya?" Tanong niya.

"Oo teh buong gabi na siya nanonood ng mga nakakaiyak na love story at jusko kanina ko pa naririnig ang singa ng sipon niya." Kuwento ko at tumawa nalang ng malakas si jeongyeon. Nag tataka ba kayo kung bakit? Kasi isang mortal na kaaway ni jimin yan si jeongyeon. Lagi sila nag aaway nang dahil lang sa grades parang naging isang competition na sakanilang dalawa kung sino magiging top 1 sa klase nila. Si jimin kunware tamad at sinasabi niya wala siyang pake sa grades niya pero sobrang conscious niya at lagi siyang kinakabahan kung anong ibibigay na grade sakaniya ang prof niya. Alam ko gustong-gusto niya rin makaabot ng top 1 at ipag muka yan kay jeongyeon at si jeongyeon naman nahahalataan ko may gusto siya kay jimin. Parang sila aso at pusa pero ang cute nilang tignan feel ko nga parang magiging sila sa huli.

SomedayWhere stories live. Discover now