01

18 0 0
                                    

5:30 am

Nagising ako sa alarm 'ko hudyat na kailangan ng kumilos para sa first day ng school.

Hay. New day. New school. New faces. Ito na simula ng, SHS life 'ko hindi na gaya ng JHS na chill lang sa tabi. Ito, kailangan na talaga magsunog ng kilay.

Tumayo na ako para kumilos ng tumunog ang cellphone 'ko.

Sam: Goodmorning bitches! Goodluck sa first day. Wag naman sana landi ang atupagin, aral muna. Mwaps!

Natawa ako at napailing ng mabasa ang message ng kaibigan 'ko. Kung alam nyo lang.

7:10 am sakto nang dumating ako sa school. Lahat ng senior high students nasa field. Hinanap 'ko agad ang kaibigan 'kong si Sam at Leila, same strand kasi kaming tatlo.

Naglakad ako sa lawak ng field at nahirapan hanapin ang pila ng HUMSS.

Me: girls where u at? dito ako sa field

Napapatingin ako sa building ng St. Joseph. Hindi 'ko pa gano memorize ang school na 'to pero yung nasa kaliwang bahagi ng building ayon ang sa senior high. Malaki din at maganda.

Nalibang ako sa pagtingin sa paligid di 'ko namalayan na nandito na sa harapan ang mga kaibigan 'ko.

"Sis! Ba't late ka? Come on, nag s-start na yung assembly kaloka 'to!" si Sam. Nakita 'ko naman si Leila na papalapit at hinatak ako sa pila ng HUMSS.

Nakapila kami sa dulo. Pinagmasdan 'ko mga estudyante dito at mukha namang matino. Halo halong strands ang nandito pero nakapila kami sa HUMSS.

Nag start na ang assembly at wala namang bago, nag sabi lang ng rules and regulations ng school. Lahat ng bawal. Lalong mahigpit since Catholic school ito. They seperated us, bali dalawang sections ang HUMSS.

HUMSS 1&2, nasa 1 kaming tatlo. Hindi talaga kami pinaghihiwalay ng tadhana.

Umakyat na kaming lahat sa building ng senior high. Nasa 4th floor yung room namin. Pagpasok namin sa loob, sa harapan umupo sila Sam. Bida bida kasi eh.

"Huy alam nyo ba, may nakita akong pogi sa Gr 12! STEM ata yon eh" daldal ni Sam sakin. Napailing ako.

"Akala 'ko ba aral muna bago landi? Eh, first day na first day pogi agad hinahanap mo!" sabay irap sakanya

"Di ka na nasanay te. Pero Sam turo mo 'sakin mamaya ah? Hihi" oh diba isa ding malandi 'tong si Leila, tandem talaga sila.

Napairap nalang ako at pinagmasdan mukha ng mga kaklase 'ko. Maayos naman mukha nila, mukhang matatalino at pwede kopyahan, charot.

After ilang minutes may pumasok na Prof namin na kamukha ni Mr. Bean. Sya ata ang tatayong adviser namin for the whole year. Nagpakilala lang sya. Then he discuss about his subject, Personal Development lang naman. Madali lang 'yon dahil tungkol lang sa sarili natin.

Maaga syang nag dismissed sa'amin. At nagulat ako ng tumayo dalawang kaibigan 'ko at pumunta sa harapan.

"Hi guys!" bati ni Leila.

"Sup, guys" pacute ni Sam. Malanding 'to talaga.

"Gusto 'ko lang sabihin na, sana ma-close namin kayong lahat. And pakopyahin nyo naman ako sa exam oh! Cheret! Pero seriously, maging kaibigan 'ko kayong lahat," sabi ni Sam at nag flying kiss pa.

Malalanding 'to. Kung alam nyo lang, gimik lang nila yan para magpapansin sa mga boys namin. Napansin 'ko kasi na madami ding gwapo. Kaya todo pacute yung dalawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 16, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Telle Me No LiesWhere stories live. Discover now