Chapter 4

130 5 0
                                    

~°~

NANDITO kami ngayon sa mansiyon ng mga Amfaro. Kaharap ko ang mommy niya at daddy niya. Wala ata kapatid niya? Si Raiver siya lang nandito. Oo siya lang!

"Kamusta naman ang buhay mo hija pagkatapos ng aksidente? Ayos naba ang pakiramdam mo?" Tumango ako.

"Grabe talaga ang nangyari sayo. Hindi mo talaga malalaman kung araw naba ng tao oh hindi." Tango ulit.

"Kaya sa susunod hija. Magiingat ka ha. 'Wag basta basta---"

"MOMMY! PINAPUNTA NIYO BA SI CAYE DITO PARA D'YAN?" pftt.. langyang Raiver na to.

"Ohmygosh! Hindi ko napansin. Kumain kalang ng kumain hija. Hindi na magtatanung ang tita ng gano'n."

"Hehehehe. Ayos lang po tita. Ang alergic niyo po talaga." Puna ko sa kanya.

Hindi ko maisip na may ganitong kaisip batang nanay si Rai. Ang daddy niya tahimik lang itong kumakain. Sobrang laki ng bahay na to. Hindi kaya naliligaw si Rai dito?

Pagkatapos ng dinner. Pumunta kami ng sala ni Rai para manuod ng movie kahit sandali lang. Sina tita at tito umalis. May aasikasuhin ata. Bukas ata ay back to out of town na namans sila. Maiiwan na naman si Raiver dito.

Kalungkot ng buhay niya.

"Gusto mona bang umuwi, Caye?" Tumango ako.  "Ihahatid na kita. Baka hinahanap kana ni Lux." Tango ulit.

"Nagbago ka Caye. Sobrang tahimik mo ngayon. Wala bang masakit sayo?" Napatulala ako sa kawalan.

"Nakakaaninag ako ng mga bagay na parang may kinalaman sa nakaraan ko Rai. Sa tuwing nakikita at nakakausap ko siya. Sumasakit bigla ang ulo ko at magbablurred ang paligid. Hindi ko alam bakit gano'n..." maraming tanung ang nasa utak ko. At hindi ko alam paano sila sasagutin.

"Sinong siya?"

"Ang alam ko kaibigan niyo nina kuya Lux. Kasi no'n oras na nagpawelcome party ako. Nando'n siya no'n sa loob ng bahay sa may Bar counter. Nakausap kopa nga siya do'n. Mas naguluhan ako ng sabihin niyang hindi ko siya kilala."

"Nagkita na kayo?"

"Anong sabi mo Rai? Hindi ko masyado narinig." Sagot ko.

"Hahahaha. Baka nga isa sa kaibigan namin sabi ko. Tara iuuwi na kita. Lumalalim na ang gabi." Hanggang sa makasakay ako ng sasakyan walang kumikibo. Parang may mali. Parang lahat ng taong nakapaligid sakin. Parang may tinatago. Simula kay kuya hanggang kay Raiver.

Pati ang kilos at pananalita ni tita kanina feeling ko konektado sakin. Pati ang pananahimik ng papa ni Raiver. Hindi ko maipaliwanag pero iyon ang nararamdaman ko. Pati si Rage na parang may connections sakin. Ang hirap. Sobrang hirap.

Pababa na ako ng magsalita si Raiver. "Tandaan mo Caye, lahat nang bagay may solusyon." Magsasalita na ako ng bigla itong umalis na. Ngayon ko lang napansin nakalabas na pala ako ng kotse niya.

Meron na sigurong limang minuto nakatayo ako sa harap ng gate namin. Napatingin ako sa langit.

'Sobrang naguguluhan na po talaga ako... hindi ko kilala ang pagkatao ko. At lalong hindi ko alam kung sino ako. Alam kong ako si Caye na kapatid nina kuya Lux and Wave. Pero hindi parin 'yon sapat para makilala ko ang buong pagkatao ko'

Habang nakatingin sa langit ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi ko pansin ang malalaking patak ng ulan tumatama sa mukha ko  at naramdaman kong may tumulong likido mula sa mga mata ko. 'Gustong gusto konang makaalala! Gustong gusto ko nang makilala ang lalaking nasa panaginip ko lagi. Ang lalaking nasa blurred. Ang lalaking lagi kong tinatawag na hubby! Pero nagdadalawang isip ako!' Baka kasi pag naalala kona ang lahat, maalala ko din ang sakit na dulot no'n sakin noon.

"Caye..."

Napamulagat ako ng marinig ko ang boses na yon. Tinig na parang kilalang kilala ko. Hinanap ko 'yon taong may ari ng boses na 'yon. Pagkakita ko si Rage. Nasa harapan ko siya, basa na din siya ng ulan. Nasa harapan ko siya pero malayo siya sakin.

"B-bakit ka nandito?" Takang tanung ko.

"Pumasok kana sa loob, magkakasakit ka. Hindi ka pwedeng maulanan." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Bakit bawal naman?" Takang tanung ko na naman.

"Agad kang nagkakasakit pag naulanan ka nang ulan. Kaya pumasok kana bago ka lagnatin." It seems he know me well...

"Paano mo naman nalaman 'yon?" Ulit na tanung ko.

"Basta. Pumasok kana at aalis na ako." Patalikod na siya nang sumigaw ako.

"WAIT!"

Tumingin siya sa daretso sa mga mata ko. Do'n ko nabasa ang mga mata niya. Sobrang lungkot ng mga to .

"Caye, pumasok kana sabi."

"Ayoko."

"Magkakasakit ka sa alam mong 'yan!"

"Ayokong umuwi!" Pamimilit ko.

"Ano?"

"Ayokong umuwi. Take me with you. Everywhere basta ayokong umuwi." Pamimilit ko.

"Are you crazy? Magagalit ang kuya Lux mo." I don't care.

Kailangan ko nang malaman ang lahat. "Please. Take me with you." Pagmamakaawa ko.

"Fine! Let's go."

Hinalalayan ako nito makapunta ng kotse niya. Nasa labas ito ng village namin. Malayo sa bahay. Bakit kaya?

"Magpalit ka. Baka magkalagnat ka. Lalabas mona ako." Lumabas ito. Nakita ko ang dalawang pares ng damit.

White tshirts at isang short niya. Sa kanya pala ito. Agad kong tinanggal ang basang damit ko at ipinalit itong mga damit ni Rage.

"TAPOS NA 'KO!" sigaw ko.

Nakita ko itong pumasok sa kotse pero iba na din ang suot niya. Nakasandong itim na ito at shaki shorts. Langya! Ang muscle pala nang lalaking to. Nagpadagdag ng kagwapuhan niya.

Kahit saan niya ako dadalhin ayos lang. Dahil alam kong safe ako sa kanya. Mabuting tao ang lahat nang mga kaibigan ni kuya. Kaya siguradong mabait din ang isang to..





SOBRANG pagpipigil ko para hindi lang siya yakapin. Kanina lang nasa ilalaim siya ng ulan. Gusto kona siya payungan at alisin do'n dahil nababasa na siya. Paano ko ba sasabihin sayo ari na bawal na bawal kang nababasa sa ulan.

Ngayon kasama ko siya sa kotse. Masaya ako dahil kahit ganitong lihim lang. Nakakasama ko siya. Ayos lang na hindi niya ako maalala basta ako maalala ko siya.

Hindi ito sapat sa lahat ng nagawa ko noon. Pero sana mapatawad mo 'ko sa susunod na araw.

I hope you can understand me someday, Caye.



The Lost Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon