"Klare, wake up. Mala late ka sa school." I heard my kuya's voice. Eh sa ayaw ko pa bumangon? Ang sarap kaya matulog. Hehehe. Hinayaan ko lang siya. "Klare don't test me. Kapag hindi ka bumangon diyan, tatawagan ko si Blake." I quickly opened my eyes when I heard his name. Bwisit ka talaga kuya.
"Oo na, babangon na! Epal talaga." I whispered.
Dumeretsyo na ako sa cr, ba't kasi hindi ako nagla lock. Nakakapasok tuloy si chuchu.Natawa ako sa naisip ko, ang bad ko kasi kay kuya.
Naligo na ako, damn it sobrang lamig. Argh!
"Miss Klare, bilisan niyo daw po sabi ng kuya mo!" Rinig kong sigaw ni manang linda mula sa labas ng kwarto ko. Si manang na ang lagi naming kasama ni kuya. Our parents? Ayun, nasa ibang bansa. Bakasyon daw muna sila. Tapos ako iniwan.
Eh may pasok pa daw kasi, I wish before christmas they're here. I miss mom and dad so much.
Pagkatapos kong maligo, nag-ayos na ako ng sarili ko at sumakay na ng kotse. Pagkabukas ko ng pinto ng passenger seat, Bumungad sa'kin ang kaibigan ni kuya, na crush ko.
Si Blake. "Hi, goodmorning. Ako muna dito ha?" He smiled at me. Mygad klare. Easy. Ngiti lang 'yan.
"A-ah, it's okay. K-kahit do'n na lang a-ako sa gulong" Feeling ko, nagniningning ang mata ko kapag kaharap ko siya. Nakita ko naman ang expression ng mukha niyang biglang nagseryoso.
Tinignan ko si kuya at ganoon din siya.
"S-sasakay na ako sa likod kuya ha? Hehe" Nakakahiya ka talaga klare. What the hell did you just say?! Err, corny.Naririnig ko silang nagkukwentuhan about do'n daw sa project nila, at sa bahay daw nila gagawin 'yon, para makapag-inuman sila.
Kasama ang iba pa nilang kaibigan. Nakarating kami sa school ng maayos at ligtas. Kasama ko kasi ang prinsipe ko. Ha? Ano? Hahahaha!
"Justin! Blake! Oh, hi Klare." Masiglang bati ni Kallix. Napakamasayahin nito eh. Silang tatlo ang laging magkakasama, pero may team pa sila. Basketball.
"Hello, Kallix!" masigla ding bati ko dito. Nakita kong, seryoso na naman si Blake. Lagi siyang ganiyan. But, hindi siya ganiyan dati. Masiyahin siya. Ayaw ikwento ni kuya eh kung ba't naging ganiyang ang awra niyan.
"Papasok na ako ha. Byebye!" kumaway ako sa kanila, hinalikan ko naman si kuya sa pisngi. "How about me?" Ani Kallix at itinuro pa ang pisngi niya. Natawa naman ako nung bigla siyang batukan ni kuya.
"Oh, late ka na naman Ms. Sarmiento." Nakangising bungad sa'kin ni Madam Leonora.
"Sorry madam, cute naman po ako eh." Sagot ko naman sabay pacute sa harap niya. Natawa naman siya sa inasal ko at pinaupo na din ako.
"Girl, pahingi akong liptint." Bulong sa'kin ni Ara. Gosh, ang aga aga. Wala man lang "goodmorning, napaka cute na klare. Can I borrow your liptint?" Ganoon dapat.
Ibinigay ko sa kaniya ang liptint ko. Napatingin ako sa mga babaeng nasa tabi ko, as usual masama na naman ang tingin sa'kin. Ano bang ginawa ko sa mga 'to?
Discuss
Discuss
Disscuss
Dismiss!
"Yey! Lunch na!" Masayang sigaw ng mga kaklase ko. "Klare, si Blake hinahanap ka." Nagulat naman ako dahil biglang naghiyawan ang mga kaklase ko. Except do'n sa mga girls na galit sa'kin. Dzuuuh.
Lumapit ako kay Blake. "B-bakit?" Damn it, klare. Umayos ka!
"Pinabibigay ng kuya mo." Tinignan ko 'yung hawak niya. Lunch box 'yon. Aww, nakalimutan ko pala kanina. Pero bakit siya lang, nasaan si Kallix?
BINABASA MO ANG
Innocent Heart
RandomSi klare ay isang babaeng hindi pa nararanasan ang magmahal. Malalagpasan niya kaya lahat ng darating na pagsubok sa kaniya?