KABANATA 3:

5 2 0
                                    

KABANATA 3:



"Oh Blair bat ganyan ang mga mukha niyo?" bungad sa amin ni Mama kauwi namin ni Blaze, eh pano ba naman halos pagsakluban na ng langit at lupa ang mukha ni Blaze ako naman ay nahawa sa pagmumukha niya.




"Natalo kasi kami sa sabong Mama." walang emosyon kong sagot sabay hilata sa sofa, ganoon din ang ginawa ni Blaze. Magkapatid nga kami.




Pinabayaan nalang kami ni Mama at nagtungo na siya sa kusina para magluto ng agahan, maya-maya lang kasi ay uuwi na si Kuya.



"Pasalamat ka talaga Blaze hay nako!" umakyat nalang ako sa kwarto ko at nagbihis na ng pambahay, napatingin naman ako sa salamin at mukha akong dugyot, ang dungis-dungis ko at amoy araw na.



***




Kinabukasan, dating-gawi ihahatid ko si Blaze sa building nila at ako naman ay maglalakad ng napaka layo.


Naglalakad na ako ngayon patungo sa building namin, wala ako sa mood kaya diretso lang ang tingin ko sa dinaraanan ko.



"Wala sa mood Blair?" napatingin naman ako sa umakbay sa akin. It was Gray.




"Stop calling me Blair pag nasa school tayo." sambit ko sa kanya, I hate it when they called me 'Blair' dahil hindi lang ako ay may ganoong pangalan dito, dalawa kami.



Ginulo lang niya ang buhok ko at sabay na kaming pumasok sa room, pagpasok namin ay wala pa ang prof namin kaya malaya ang lahat na magdaldalan dahil for sure pagdating nun ay kahit paghinga namin ay pigil din. That prof is evil! lahat kami ay takot sa kanya. Siya kasi yung tipo ng teacher na hindi ko matingnan ng deretso dahil sa mga mata niyang nag-aalab, I mean masyado siyang seryoso, hindi mabiro at higit sa lahat matandang dalaga.




"Hindi daw papasok si Ms. Castro!" announce na president namin, halos lahat naman kami ay nabunutan ng tinik dahil sa anunsiyong iyon.



"Thanks God!" banggit ng katabi ko.



Yeah Thanks God! at makakahinga muna kami ng maluwag kahit na ngayong araw lang.




Kinuha ko na ang mga gamit ko at nagtungo na sa Arts Club, ilang araw na rin ang nakalipas noong huli akong pumunta doon, ngayon nalang ulit ako nagkaroon ng vacant time kaya malaya akong bumisita rito.



I was about to get out of that room nang bigla akong tawagin ni Gray.



"Mag attendance ka muna bago ka umalis!" napa snap naman ako at mabilis na bumalik sa pwesto ko para mag attendance. Attendance is a must!



"Thank you Gray see you later!" nagwave lang siya at lumabas na ako ng tuluyan.



Pagpasok ko sa Arts Club ay agad akong binati ng mga nandoon, they were my second family here, pag nandito kasi ako lahat ng stress ko nawawala dahil sa punong-puno ng mga paintings at kung ano-ano pa ang buong silid.




Ni-ready ko na ang mga gamit ko dahil may panibagong idea nanaman ang lumalabas sa utak ko, ganito kasi ako, nagpipinta lang kapag may bagong idea akong naiisip. It was a rare hobby of mine, hindi ako magpipinta unless walang lalabas na idea sa utak ko.




"May bago pala tayong member Althea." gaya ng sinabi ko kay Gray, alam din nila na ayaw kong tinatawag nila akong Blair, itinigil ko naman ang ginagawa ko at hinarap si Denise, ang organizer nitong Club.



"Oh? good to hear that." sa tagal ko na kasi rito ay wala pa akong nakitang sumali, dahil nga halos nasa Calligraphy Club na silang lahat, walang may gustong sumali sa Arts Club dahil sabi nga nila 'napaglumaan na' laos na.



"Pasok" casual na sambit ni Denise, napalingon kaming lahat sa lalaking kararating lang bitbit ang kanyang bag sa balikat at isang bag pa na hawak hawak lang niya.




Blair Aiden Corson.



Arghhh! I really hate that guy! I don't know why, wala naman siyang ginawa sa akin bukod sa araw-araw na menopause nya, pero ayaw na ayaw ko sa kanya.

Blair (ON-GOING)Where stories live. Discover now