Pigil na pigil akong makipag usap sayo or kahit tingnan ka iniiwasan ko. Ang hirap kasi na deep inside alam ko sa puso ko na meron ka paring pwesto dito. Na deep inside meron pading part sakin na umaasang may pwesto din ako dyan sa buhay mo.
Kasi alam mo yung mga naganap satin? Yung mga pinakita mo? Yung kung pano mo hinahawakan yung kamay ko na parang sayong sayo ako. Kung paano mo ko hinahatid pauwi at hinahalikan sa noo bago ka umalis. Kitang kita ko sa mukha mo yung pagiging sincere.
Eto pa, naalala mo nung naglalaro ka ng dota? Katabi mo ko. Natatalo kana, tapos imbis na mainis ka niyakap moko. Ikaw na mismo nagsandal ng ulo ko sa balikat mo tapos, itiningala moko para magtama ang mga mata natin. Naalala mo yun? hahalikan mo pa nga dapat ako sa labi nun diba? pero umilag ako, kaya ang ginawa mo sa noo nalang. At again, kitang kita ko yung pagiging sincere sa mga mata mo.
Meron kapang "Siguro ako talaga soulmate mo". Biruin mo, ang angas angas ng datingan mo tapos, pag kasama moko pinapakita mo yung kacornyhan mo. Ano yon?
Fuck this feeling! Pinaramdam mo sakin ee. Pinaramdam mo na special ako sayo. Pinaramdam mo na kahit walang label, akin ka sayo ako.
Then ito tayo,
MAY GIRLFRIEND KANA.
Ang bilis ng pangyayari. Parang kahapon lang ang sweet natin sa isat isa. Tapos ngayon may pinakita kang picture ng babae. Ang sabi mo pa
"Maganda ba?"
Syempre dahil wala pa kong kaalam alam, at lagi naman tayong nagpapadamihan ng mahahanap na maganda, sabi ko
"Oo nga ang ganda nya"
Tanong tanong pa ko ng pangalan nya at sinabi mo naman.
"Jade Bautista"
Pangalan pa nga lang maganda na.
Akala ko hanggang dun nalang yun pero mali ako sobrang durog na durog ako sa mga sinabi mo.
"Ang ganda ng GIRLFRIEND KO no?"
Fuck! T@ng!n@ namanhid yung buong katawan ko. Girlfriend mo? Tooto na ba to? Nakatulala nalang ako sayo. Di ko alam kung napansin mo, pero tingin ko hindi nadin naman, kasi kinakain kana ng pagiging proud mo dyan sa GIRLFRIEND MO.
Kinwentuhan moko ng kung paano kayo nag simula, kesyo dancer sa school at mabait na, maganda pa. Pot@ anong laban ko? Ang simple simple ng datingan ko.
Ang kinis nya, Mapimples ako. Talented sya, Maging tanga nalang ata talent ko.
Gusto ko ng maiyak. Iyak na iyak na ko pero pinigilan ko. Bakit nga ba kase? Ano nga bang karapatan ko?
Ni minsan hindi mo naman talaga sinabing mahal moko
Kasi diba
Wala namang tayo??
Sooooo ano ?
Nag assume lang pala ako ?
Pinagmukha kong tanga yung sarili ko?
Naniwala ako sa mga pinakita mo?
POTA HAHAHAHA
Nagpahulog lang naman ako sayo kasi akala ko sasaluhin mo ako.
Ang sakit. Ang hirap tanggapin.
Kaya
Andrei Flores
Pipilitin ko ng kalimutan kung anong mang naramdaman ko sayo. Kakalimutan ko na yung kung ano mang akala kong meron tayo.
takte PANSAMATALANG JOWA lang pala datingan ko
-Chelsea Navarro
YOU ARE READING
Pansamantalang Jowa
Teen FictionPinakilig pero jojowain kaya? lam nyo yon? HAHA yung mag jowa kayo pag kayong dalawa lang shet.