Sorry for the long wait *le bows*
✧✧
CHAPTER 28
Napapikit ng mariin si Violet ng makaramdam sya ng pagkamanhid sa mukha nya
"hoy! Gumising ka Violet! I need you to fucking wake up! " isang pamilyar na boses ang naririnig nya at isang sampal ang iginawad nito sakanya, lupaypay parin sya at hindi maikilos ang katawan dahil sa pagkahilong nadarama.
" i said wake---" natigilan sa pagsasalita ang kaharap nyang babae ng iniangat nya ang mukha at pinakatitigan ito habang sinasanay ang mata sa kadiliman ng paligid.
"mabuti naman at gising ka na. Akala ko kailangan pa kitang ilublob sa drum ng tubig" umiigting ang panga nya itong pinasadahan ng tingin bago ilibot ang mata
"where am i?" kalmadong sabi nya sa kakambal na prenteng nakatayo at nakahalukipkip sa harapan nya
"in my place my dear twin," napataas ang kilay nya pero nanatili syang tahimik, naglakad ang kakambal nya paikot sakanya. Sinundan nya lang ito ng tingin hanggang sa tumigil ito sa likuran nya.
"like it? Sis?" napadaing sya ng hablutin nito ang buhok nya. She can't take it anymore. Kailangan nya ng makaalis dito sa lalong madaling panahon.
TINITIGAN nya ang kakambal nya habang hawak hawak pa din ang buhok nito.
"Sumagot ka!" umiigting ang pangang sigaw nya at mas hinila ang buhok.
"wala. Di ko nagustuhan. Ang pangit." masyadong malamig ang boses ng kakambal nyang si Violet, sapat lang para mapangiti sya.
"buti naman at hindi mo nagustuhan. Hindi ka din gusto ng lugar at ng mga tao ko. Your gang will not save you." bulong nito sa tainga ng kapatid nya, napabungisngis sya ng inilayo nito ang mukha sa kanya
"i don't need them, kaya kong makaalis dito ng wala sila" mayabang na sabi nito, parang may sumiklab sa kaibuturan ni Villia at walang awang itinulak ang upuan kung saan nakatali ang kapatid. Rinig ang ingay ng upuan at ni Violet ng tumama ang katawan nito sa malamig na semento.
"Fuck!" Violet groan in pain, wala sa sariling napangiti ang kakambal nitong si Villia at walang salitang lumabas ng kwarto kung nasaan sya.
"FUCK! fuck! fuck!" sunod sunod ang pagmumura ni Violet ng nahihirapan syang makaayos ng posisyon, mabigat masyado ang upuan kung saan sya nakatali at dahil dun nahihirapan syang umayos ng posisyon.
Agad inilibot ni Violet ang mata nya upang maghanap ng pwedeng magamit na bagay, at dahil ang Swerte ay sumasang ayon sa kanya ngayon, nakakita sya ng bubog mula sa basag na bintana. Agad syang gumapang, gamit ang paa nya, itinutulak nya ang sarili papunta sa direksyon ng bubog, naiwas sya ng tingin ng tamaan ang mukha nya ng sinag ng buwan. Agad nyang ipinagpatuloy ang pag gapang hanggang sa marating nya ito. Pwersahan nyang iniikot ang katawan papuntang kaliwa upang maitihaya sya, hirap man ay sinubukan nya, pagkatapos ng limang subok, ramdam nya na ang pagod. Dahil nga sa mabigat ang upuan, mataas din ang sandalan nito kaya nahihirapan sya. Agad nyang sinubukan ulit, pero sa kamalas malasan ay naipit ang braso nya. Napakagat sya ng labi sa sobrang sakit na nadarama. Agad syang natawa sa kaalamang sa bala hindi sya takot at nasasaktan, pero kaunting pinsala lang ay naiiyak na sya. Ininda nya ang sakit kahit mangiyak ngiyak na sya sa sobrang sakit, agad nyang ibinuhos muli ang lakas sa kaliwa, nagtagumpay naman sya at kinapa ang bubog, ng mawawakan ito, agad nyang kinalas ang lubid na sagabal sakanya upang makatakas.
Ilang minuto ang nagtagal bago nya natanggal ang pagkakatali nun sakanya, agad syang tumayo at nag inat. Nakarinig sya ng mga yabag ng paa, dali dali syang lumusot sa butas na bintana pero maling galaw iyon.Pota. "Shit!" mahinang mura ko at agad kumapit sa pwedeng makapitan ng makitang nasa tuktok pala ang kwartong kinaroroonan ko. Dammit! Eottoke?! Inis na nilamukos ko ang mukha ko at ini-sway ang katawan ko ng makitang may mataas na punong malapit saakin, agad kong ikinawit ang binti ko sa malaking sanga nito, rinig ko ang pagbukas ng pintuan sa kwarto na kaninang kinaroroonan ko.
Sorry sis. Masyado akong magaling para makulong lang dyan sa kwartong yan.
Napabungisngis ako ng mahina ng marinig ang mga mura ng kakambal ko. Para akong nag-aacrobatic sa lagay ko ngayon. Pinakatitigan ko ang tatlong nagbabantay malapit sa kinaroroonan ko. Agad akong tumalon mula sa sanga at walang ingay na pinalanding ang sarili ko sa lupa. Shit! Puro sila kalbo! Tangina. Pfft.
Maingat akong nagtungo sa isang kalbong halos ilang dipa lang ang layo sakin, agad kong iniikot ang ulo nito, sinalo ko ang katawan nito at tahimik na inilapag sa lupa. Pumuwesto ako sa gitna ng dalawa pang bantay at pwersahang ipinag-untog ang ulo nitong kalbo.
Agad kong kinapkapan ang dalawang bantay, nagbabakasakaling may baril.
And then wola! There's a gun. I can see hmm... Hindi kuripot ang kapatid ko pagdating sa uri at kalidad ng baril. Mabilis pa sa alas kwarto na inakyan ko ang bakod pero bago pa man ako tuluyang makalabas, kinuha ko ang baril na nakuha ko sa dalawang bantay kanina, maswerte ako at may silencer yung isa. Agad ko itong itinapat sa CCTV at tahimik na pinaputukan, inilibot ko pa ang paningin ko, napangisi ako ng makitang may kinakargang kahon yung mga tauhan nya. I wonder kung anong laman nung mga yun. Itinapat ko ang baril kung nasaan nakapwesto ang mga kumpol ng kahon at agad kinalabit ang gatilyo ng baril. Napaawang ang bibig ko ng puro bomba pala yun, lumikha ito ng matinding pagsabog pero bago pa ko maabutan ay agad kong tinalon ang madamong kabilang side nang bakod at ipinadausdos ang katawan sa damuhan, gulat na gulat ako ng hindi ko matansya kung saan ang lalim ng bangin na to.
NAGPAGULONG-GULONG ang katawan ni Violet sa bangin na tinalunan nya hanggang sa tumama ang katawan nya sa isang puno. Napadaing ang dalaga sa sakit na natamo nya at pilit na inalalayan ang sarili patayo, inilibot nya ang paningin at kung sa sinuswerte nga naman ay may bahay malapit sa kinaroroonan nya. Agad syang naglakad doon kahit na nahihirapan dahil sa mga sugat at pasang natamo dahil sa pagkakagulong nya mula sa tuktok ng bangin.
Agad syang nakahinga ng ayos ng marating nya ang bukana ng maliit na bahay na nakita nya. Inihilig nya ang ulo sa kahoy na nagsisilbing suporta nito sa bahay. Nanghihina syang kumatok dito at naghintay na mag bukas pero hindi na kaya ng katawan nya ang sakit na nadarama nya. Nanlabo ang paningin at dahan dahang bumagsak.
"oh diyos ko po!" gulat na ulos ng ginang pagkabukas nya ng pintuan. "Carlo! Hijo! Jusko! Halika riro!" hindi mapigilan ng ginang na kabahan lalo na't may gantong sitwasyon
"bakit ho---Hala! Nay ano ho'ng nangyari" agad na nilapitan ng lalaking nag ngangalang Carlos ang dalagang walang malay.
"dalhin mo sa kwarto bilis!" hindi magkanda ugaga ang ginang, agad naman nitong binuhat ang dalaga at sinunod ang ina nya. Luminga linga muna sa paligid ang ginang bago maingat na isinarado ang pintuan.
"nay, mukhang malubha ang kalagayan ng babae. Gagamutin ko lang ho sya nay." paalam ng anak at nagtungo upang kumuha ng ilang panggamot sa mga sugat. Ang ginang naman ay nagtungo sa kusina upang maghanda ng maligamgam na tubig at basang bimpo upang malinisan ang dalaga.
Hindi pa din maialis ang kaba sa dibdib ng ginang habang pinupunasan ang dalagang walang malay na nakahiga, hindi ito mapakali dahil nag aalala ito sa kalagayan ng dalaga.
"nay, sa tingin mo ano ang nangyari sakanya?" tanong ng binata sa ginang, hindi nya ito sinagot sa halip ay pinagkatitigan nya ang dalaga.
"mukha syang mayaman nay, maganda din sya." napalingon ang ginang sa anak nito na ngayon ay nakatitig sa dalaga at may masuyong ngiti sa labi, ibinalik nya ang tuon sa dalaga na ngayon ay mahimbing na natutulog.
BINABASA MO ANG
MERCILESS
ActionGenre: fan fiction, romance, action . . . . . . . . . . . . . . . . Sana po magustuhan nyu itong ginawa Kong story....