meet RAPHAELLA MARIA GARCIA or raphy garcia -------> (see picture on your right)
Chapter 1 - First day
Nag hahanda na siya para sa kanyang first day of school as a freshmen college student sa isang prestigious university sa bansa. Sa unibersidad na ito, karamihan sa mga naka enroll ay ang mga anak, apo o pamangkin ng mga taong nasa politika o kaya naman ay ang pamilya nila ay makapangyarihan.
Si Raphaella Maria Garcia o kaya naman raphy ay ang panganay na anak ng pangulo na si Manuel Garcia. Si raphy ay lumabas at naging cover narin ng mga magazines, tulad ng meg, total girl, the buzz and candy magazine. And she also have philantrophies dahil gusto niya rin naman maka tulong sa mga nangangailangan at hindi lang dahil sa reputasyong iniingatan nito.
Habang sinusuklayan ang buhok nito ay bigla na lang pumasok ang yaya nito na dahilan ng pagka gulat nito. “yaya! Next time kung kakatok ka, lakasan mo, yang marinig ko. Nagulat ako dun”
“kala ko tapos ka na, inaantay ka na ng kapatid mo sa baba, bilisan mo na raw at mag aalas otso na.” sagot ng yaya nito. Kung mag usap sila ng yaya niya ay parang close na close na masyado sila, ang totoo kasi 10 years na itong naninilbihan sa pamilya nila.
“opo, bababa na.” kaya naman ay nililigpit na nito yung mga gamit niya at lumabas na ng kwarto.
Ng makababa na ito nag paalam na rin ito sa mga magulang niya at wala na siyang time na sumabay kumain sa mga magulang nito at napag desisyonan niyang sa school nalang kakain. Agad naman itong pumunta sa sasakyang nag aantay sa labas dahil kanina pang inip na inip ang kapatid nito dahil raw baka siyay malalate nanaman.
Nang makapasok ng sasakayan, her brother slap her on her shoulders at napa aray ito. “aray! Marco, sakit nun ah.”
“ang tagal mo kasi. first day na first day ang bagal mo at college ka na di ka parin nag babago.” Sagot ni marco, si marco ay ang bunsong anak ng president at ang kapatid ni raphy.
“alis na po tayo maam?” tanong ng driver/body guard nito.
“opo, kuya, una niyong ihatid ‘tong unggoy na ‘to.” At napatawa ng kaunti yung driver/body guard at yung isang body na nakaupo sa harap.
“opo maam.” At nag radio yung PSG sa ibang kasama niya na mag coconvoy samin. ‘unang ihatid ang bunso’ shhhhh. ‘roger that.’ Ang mga PSG kasi may mga code name para sa kanila, ang kay raphy naman ay Panganay at ang kay marco naman ay bunso dahil silang dalawa lang naman yung anak ng president.
“ate naman, unggoy? Eh ikaw tuko.” Sabi ni marco.
“unggoy, tumahik ka.” At niplug nito ang earphones sa kanyang tenga, habang sinusulyapan ang daan patungo sa school ng kapatid ay napapatingin siya sa mga estudyante na nag aantay ng jeep o taxi na masasakyan, yung iba namang nakikita niya ay isang grupo ng mga estudyante na sabay sabay nag lalakad papuntang school.
At napapaisip siya, na balang araw ay mararamdaman niya rin yung pakiramdam na may konting freedom.
Maya maya ay nakarating narin sila sa school ng kapatid nito at yung dalawang grupo ng PSG ay naiwan upang mag bantay sa kanya at yung natirang dalawang grupo ng PSG ay nakasunod para sa kanyang safety.
Nang maka alis na mula sa school ng kapatid nito, nakita niyang dumaan yung sasakyan ng bestfriend nito. Dahil 2 blocks away lang yung layo ng university nila galing sa school ng kapatid nito.
10 minutes later ay dumating narin siya sa university at ibinaba siya sa front lobby at ang nasa harapang saskyan naman nito ay ang convoy ng bestfriend niya.
BINABASA MO ANG
Perfect Daughter, They Want
Teen FictionIsang babaeng, pinapangarap na makalaya mula sa kanyang “control freak” na pamilya, buong buhay niya ay pinangarap niyang magkaroon ng isang normal na buhay na malayang makapamasyal, malayang makipag kaibigan sa kahit kanino man niya gusto at maging...