-Chapter One- Sasanib ka ba?

13 1 3
                                    

"Annie!!! Asan ka na bang babae ka?! Kanina pa kami nandito!!!"

"Malapit na ko!! Wait na lang mga beh!" wushu~! Papaalis pa lang ako ng bahay ehehe

"Eh bat wala akong naririnig na tunog ng jeep? Umayos ka ha!"  lagot! Buking!

"Hehehehe..hintayin nyo na lang ako! Babye~!"

"Aba--"

Haayyy....nakatulog kasi ako eh sarreh naman! Makaalis na nga at naghuhuramentado na yung mga yon dun.

Ay wait! Let me introduce myself..My name is Annie Rianne Vargas! 3rd year high school na ko sa Ives High. Actually malapit na kong mag-fourth year kasi January na at ilang buwan na lang march na.

Pupunta kasi kami ng mga kaibigan ko sa SM para mamili ng kailangan mga materials para sa gagawin naming props sa play naming Noli Me Tangere

Nang may nakita na akong jeep pinara ko agad at dali-dali akong sumakay sa loob. Pagdating sa bungad BAD TRIP! nag-antay pa ng pasahero! Well di ko naman sya masisisi baka nangangailangan talaga si manong driver, parehas lang kami.

Habang naghihintay na umandar ang jeep, tinext ko muna sila beh.

"I'll be there in 5 minutes. Kung wala pa ko read this again"

Lagi ko tong tinitext kapag late ako sa mga gala namin. Nakakapagod kayang mag-text ng mag-text kung yun at yun rin naman ang sasabihin mo diba?! Sayang din load! Ay nag-reply...

"BILISAN MONG BABAE KA GUTOM NA KAMI KUNG DI KA DADATING IN EXACTLY 5 MINS IKAW KAKAININ NAMIN" naku patay all caps na galit na yan! Manong andar na po tayo! I fear for my life~~

After mga one minute umandar na ung Jeep  pero scenario namin sa loob parang mas malala pa sa lata ng sardinas eh! Isama mo pa tong may putok mong katabi...

Habang umaandar ung jeep naririnig ko ung kanya-kanyang kwento ng mga ibang pasahero

"Mare ung asawa ni Celing napaghihilanaan na niyang may kalaguyo"
"Si Kulas? Di ba hindi pa rin sila ayos dahil sa pagiging sabungero nya?"
"Oo nga! At eto pa! Nakita ng kumare nyang si Sioning na nangungupit ung katulong nilang si Teban!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

P.O.P!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon