"Uy Mhyzea (read as Mizey) tara na sa AP baka ma late pa tayo." sabi ni Christine kaibigan ko. Kaya sumama na ako baka mapagailitan pa eh. Pagkadating namin doon nag line na kami para makapasok sa classroom.
Pagkadating namin doon nag prayer muna kami ng 'Our Father' tapos tinawag na ng teacher namin ang mga leaders para icheck ang mga balita. Since leader ako ngayong 3rd quarter ako ang magchecheck ng mga balita kaya pagkatapos noon ay pinasabay ko na yun sa kaklase ko para ipasa sayang din ang effort kung pwede namang isa na lang ang pumunta diba?
Pagkatinging pagkatingin ko sa upuan na katapat ko kung saan nakaupo si Christine nakita ko ang isang sulat sa upuan pero nasa tape ito yung bang tape na pwedeng sulatan dun niya inilagay at itong ito ang nakalagay doon. "So we need to let go or even move on even though masakit but we really need it para walang masaktan na iba. Sabi nila Love do sacrifices." yan ang nakalagay doon sa tape na nakadikit sa upuan na katapat ko. Tapos bigla kong naisip kung ito ba ay sign na kailangang mag move on o kaya mag let go sa taong mahal ko.
Ang dami ko na palang nasabi pero hindi pa ako nagpapakilala sa inyo. Ako nga pala si Mhyzea isang grade 8 student. At ang taong gusto ko ay si Gian isang joker/bipolar ganyan yan eh wala nang magagawa.Mahal ko yan eh!
Araw araw ko siyang nakikitang tumitingin tingin kay Dana. Alam mo kung ano ang masakit? Yun ang magmahal sa isang tao na may mahal nang iba pero mas masakit na nagmamahal ka nang palihim habang nakikita mo na may mahal na siyang iba. Sakit eh noh! Ganyan ang life minsan masaya minsan malungkot at minsan masakit.
Minsan tinutukso sila ng mga kaklase namin at para hindi ako mahalata, tinutukso ko din sila. Alam mo yung ngumingiti ka kunyare kinikilig pero ang totoo niyan gusto mo lang manahimik. Ang sakit ano yan yun eh wala ka nang magagawa pero sana balang araw mapatunayan ko ang saying na "everything happens for a reason".
************************************************
Naglalakad ako ngayon papuntang classroom ang dami ko ngayong bitbit na books dahil ako ang in charge na kumuha ng mga books sa library para sa group namin. Ang bigat bigat pa naman nito. Inayos ko muna ng mabuti and mga books para hindi ako masyadong mahirapan pero pag harap ko may nakabungo saakin kaya nahulog ang mga dala ko.
"Ay sorry miss, di kita na kita." sabi ng isang lalaki.
"Ah okay lang sorry din." sabi ko sabay kuha ng mga libro at tinulungan di ako ni kuya hehehe.
Pagharap ko sa kanya para magthank you parang tumigil ang mundo ko nangyayari pala yun sa totoong buhay. Ang pogi niya!!!
"Miss okay ka lang ba?"
"Ah-ah oo thank you nga pala kuya ha!"
"Wala yun sorry din. Ako nga pala si Chase!" sabi ni kuya este Chase pala.
"Sorry din hehe ako nga pala si Mhyzea hehe" sabay tanggap sa kamay ni kuya waaahh ang lambot hehehe.
"Sige una na ko see you around Mhyzea"
"Thank you nga pala ulit see you!"
Tapos naglakad na akong papuntang room. Kung hindi pala ako inutusan ni ma'am di ko si Chase makikilala. Hahaha i'm so inlove. Totoo nga na 'everything happens for a reason' at yung araw na yun ay ngayon. Kung wala yung isang sign nung life na yun edi hindi din ako magiging masaya. Siguro kung hindi ko nabasa yun siguro umiiyak ako ngayon. Akala ko noon dun nagtatapos ang love story ko hindi papala nagsisimula pa pala yun.
A/N: Hey guy sorry kung pangit yung story at maikli hehehe wala lang napagtripan ko lang yung nabasa ko sa tapat ng upuan ko kaya ginawan ko siya ng story hehe sana po magustuhan niyo! May sequel po siya kaya abangan niyo na lang po hehe Love lots!