"Don't let any man touch you and most especially kiss you,I'll kill them, I'll bite them literally" hanggang ngayon sariwa padin sa isip ko ang sinabi ng lalaking iyon sa akin, Sa tuwing iniisip ko yon nagbibigay ito ng kilabot sa akin
"Hoy"
"Ay palakang bakla!" gulat akong napabaling ng tingin sa taong nagsalita sa harapan ko.
"Alam kong bakla ako pero hindi palakang bakla grabe ka sis ha" Saad ni Jace ang kaibigan kong bakla dito sa Opisina.
"Eh bakit kase nanggugulat ka dyan ha?" singhal ko rito habang nagsisimulang linisin ang desk ko.
"Ayon na nga, Tara punta muna tayo sa bar kakastress na dito beh" ani nito na tila mo stress na stress talaga.
"Oo na sige na lilinisin ko lang tong desk ko tapos punta na tayo don pero wag magpapagabi ha?" tugon ko rito habang nagsisimulang linisin ang table ko.
"Wait kita there ha"
"Oo na sige"
--------------------
"A Blood-Sucker Bar"
Weird mang tignan pero ang weird talaga tignan ng name, sino kaya nag imbento ng pangalan nito.
"Ano sayo sis?" tanong ni Jace nang makaupo na kami dito sa stool bar.
"Kahit ano basta hindi hard magmamaneho pa tayo pauwi" pagpapayo ko rito, agad naman ako nitong tinanguan at kinuha na ang order naming dalawa.
Tinignan ko ang orasan ko at maghahating gabi na pala
"May chika ako sayo sis" bumaling ito sa akin at hinawakan ako sa balikat, Hindi nako nagreklamo bakla naman si Jace e.
"Oh ano naman yon?" Tanong ko rito habang nakain ng pulutan.
"Yung may ari daw nitong bar nato ang hot!" napairap nalang ako sa naiusal nito
"Basta talaga lalaki ang chismosa mo" natatawang ani ko habang pinapaikot ang tingin sa loob ng bar na ito.
Subalit napako ang tingin ko sa lalaking matalim ang titig sa akin.
Ilang beses akong kumurap kung imahinasyon ko lang ito subalit sya nga ang nakikita ko.
"J-jace uwi na tayo" saad ko habang niyuyugyog ang balikat ni Jace na nakayapos sa akin.
"Mm, Mamaya na" tugon nito at mas humigpit ang yapos sa akin
"Don't let any man touch you and most especially kiss you,I'll kill them, I'll bite them literally" hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kilabot ng maalala ko yan
Muli kong tinignan ang lalaking iyon at nakitang matalim parin ang titig nito sa akin.
"Shit" naiusal ko at sapilitang kinaladkad si Jace palabas ng bar.
Dahil sa alam kong hindi na makakamaneho si Jace sa kalasingan ipinahatid ko na lamang ito sa Taxi driver.
Nang makaalis na ang Taxi ay nagsimula na akong maglakad papunta sa sasakyan ako, hindi pa man ako nakakahakbang may naramdaman na akong hininga sa batok ko.
"You disobeyed me" malamig na ani nito habang nasa likuran ko parin
Humarap ako rito "Why are you following me?" nanginginig na boses na tanong ko rito
"Because you're mine" nakangising saad nito
"I am not your----" hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ng maramdaman ko ang hininga nya sa leeg ko.
"I will taste this soon"
BINABASA MO ANG
A BITE OF A VAMPIRE
FantasyKagaya ng laging sinasabi ng lola ko mag ingat daw ako tuwing gabi lalo na't halos gabi nako nauwi sa aming bahay dahil sa tarabaho ko. Naglalakad akong mag isa sa daan, damang dama ang lamig ng hangin na humahaplos sa aking balat, madilim na ang ka...