Chelsea's POV
My Anaconda don't..
My Anaconda don't..
My Anaconda don't want none unless you got buns hun---
Pinatay ko 'yung alarm sa cellphone kong cherry mobile. Tinignan ko 'yung oras. 3:45 am. May next alarm naman ako eh kaya matutulog pa ako. Hindi ko nga alam kung bakit inaantok pa ako eh 6:30 pm lang, nakatulog na ako.
"Nak, gising na." Inalog-alog niya 'yung balikat ko. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ang mukha ni mama. Binaling ko 'yung tingin ko sa wall clock namin. 3:55 am. Ten minutes pa lang ako nakakatulog. Enebeyen.
"Ma, 5 minutes pa."
"Hay nako. 'Yan ang hirap sa'yo eh. Sige na nga pero babangon ka na talaga ha?"
"Opo."
Nagtalukbong ako at pumikit ulit. Buhay estudyante nga naman.
"O, 5 minutes na." Inalis ko 'yung pagkakatalukbong ko. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Bumangon na ako kahit inaantok pa. Nakapikit 'yung mata ko habang naglalakad papuntang banyo at naligo na. Pagkatapos kong maligo, nagbihis ako, syempre. Sino ba namang tanga ang papasok sa eskwelahan ng nakahubad?
Pumunta ako sa kusina at kumuha ng nutella. Joke lang. Star margarine na chocolate flavor lang. Hindi ko naman afford 'yung palaman na 'yun. Ni hindi pa nga ako nakakatikim nun eh. Pinalaman ko 'yung cheap na palaman namin sa tinapay at kinain iyon. Wala eh. Tiis tiis lang 'yan dre.
"Bye, ma." pagpapaalam ko sa mama ko.
"Sige, bye. Ingat ka anak ha?"
"Opo."
Bago ako lumabas ng bahay, tinignan ko muna 'yung sarili ko sa salamin. Hello, pimples and eyebags. Heto na naman kayo.
Sa panahon talaga ngayon, pimples at eyebags na lang ang hindi nang-iiwan noh?
Halos 45 minutes akong naglakad bago makalabas ng gate. Umagang-umaga, haggard agad ako. Hayys.
Maniwala man kayo o sa hindi, nilalakad ko lang 'yung school ko. Nagtitipid ako sa pamasahe eh. Usually, 1 hour ko 'yun nilalakad pero keribels lang. Sanay na ako kahit nakakapagod at nakakalaki ng calves sa legs.
After 40 minutes siguro, narating ko na 'yung school ko, ang Camuanda National High School. First day na naman. Magtitiis na naman ako sa school na 'to. Hayy. Ayoko talaga sa public school. Unang pagtapak ko pa lang sa room namin, naririnig ko na 'yung mga sigawan at murahan. Hell days again.
"Hoy, babae! Tutunganga ka na lang ba diyan?" Sumigaw 'yung isang lalaking may black na hikaw. As if namang bagay sa kanyang maghikaw. So feeling niya kamukha niya si Top ganon? In your face kamo. Mukha lang siyang manyak.
Umirap na lang ako at umupo sa isang vacant seat. Hayy, buhay.
"Look at that girl. She's so cheap" turo sa akin ng isang babaeng ugh. Hindi pa ata sapat 'yung panget na word para idescribe siya. 'Yung foundation niya, ang kapal. Eh hindi naman relevant sa skin type niya. Ang itim niya tapos ang puti ng foundation niya. 'Yung lipstick niya, napakakapal tapos red pa. 'Yung eyeliner niya ang kapal. Ginawa ng eyeshadow. 'Yung hikaw niya pa, halatang tig-10 pesos lang sa bangketa tapos ang haba pa.
"Hiyang-hiya naman ako sa kapal ng make-up mo." I said with a smirk. Anong akala niya? Hindi ako magpapatalo noh.
"How dare you? Atleast nga ako nakamake-up at maayos tignan. Eh tignan mo sarili mo? Siguro hindi mo afford ang bumili ng make-up noh? Hahaha" Tumawa siya kasama ang mga alipores niya. Sabi ko nga, hindi ako magpapatalo eh.
BINABASA MO ANG
Cupid for 100 Days
HumorSuswelduhan ka para lang ilakad ang bestfriend mo sa isang lalaking heartthrob? Handa ka bang magpaka-CUPID for 100 DAYS? cover by: -asdfghxidijkl