Ako si Scarlet Franklin. Nagsisimbang gabi ako ngayon. Ilang taon na akong nagsisimbang gabi pero ngayon lang ako nainis. Kasi banaman... kwento ko nalang.Ito ang ika-unang araw ng simbang gabi ngayong taon.
Ang sarap sarap ng upo ko dito sa may upuan habang iniintay na mag umpisa ang misa. Nang biglang may magjowang nag aaway. Ayoko namang pakinggan yung pinag uusapan nila kaya tinignan ko nalang si Earl at ngumiti.
Si Earl siya yung poging sakristan na crush ko. Habang kinikilig na tinitignan ko ito ay may biglang naramdaman akong kamay sa batok ko patungo sa balikat ko. Agad naman akong kinilabutan at nandiri.
Ayun may nakaakbay sakin. Sinamaan ko ng tingin yung lalaking nasa left side ko. Siya yung lalaking may kaaway na jowa. Na ngayon ay wala na.
"Sino ka ba para akbayan ako?" Inis na tanong ko sakanya sabay tanggal ng kamay niya sa balikat ko.
"Ano bang pangalan mo? Pwede ko bang makuha ang number mo, Miss Beautiful?" Malambing na sabi nung lalaki sakin. At may pakindat pa ito.
Eww kadiri. Anong bang kinikilos niya? Feeling niya naman close kami. Wag niya kong landiin. May girlfriend siya. Eww. Tsaka hindi ako interesado sakanya. Loyal ako kay Earl. Hmp.
"Paano kung ayaw kong sabihin" Mataray na sabi ko sakanya sabay tinaasan ng kilay at tinirikan ng mata.
"Bilisan mo na. Sabihin mo na. Please? Text-text nalang tayo. Tapos phone call din kung gusto mo" pagpipilit niya habang nalingon lingon sa likuran.
"Wag mokong landiin. Hindi kita type tsaka may jowa kana. Tantanan moko. Hindi ako interesado sayo"
Napabuntong hininga siya. Mamaya maya ay may binunot siya sa bulsa niyang isang maliit na card at binigay ito sakin.
"Huwag mong itapon iyan dahil magsisisi ka. Pagkailangan mo ng kausap tawagan mo lang yung numero na nandiyan. Kahit anong itopic mo ay sasabayan kita" may kindat na sabi nung lalaki sakin sabay tayo at tuluyan ng umalis.
Napatingin ako sa card na may nakalagay na
Name: Kurt Nivance
Contact #: 0935*******Ayun lang yung nakasulat. Itatapon ko na bali yung card ng biglang magsimula ang misa. Wala akong choice kaya inipit ko yun sa case ng cellphone ko.
Pag maaalala ko yung paglalandi sakin nung lalaki kanina ay nabuburaot ako kaya naman tumitingin nalang ako kay Earl para makalimutang ang lalaking nagngangalang Kurt.
After 3 days ay paulit ulit ang nangyayari samin ni Kurt. Hindi ko pa din sinasabi yung name ko. Pero ngayon natutuwa na ako sakanya pag kinukulit niya talaga kung anong pangalan at number ko. Inaasar ko siya kasi mukha siyang pinagbabagsakan ng langit at lupa. May mga iba na din kaming pinag uusapan.
Syempre nalaman niya na crush ko si Earl. Di ko alam pero nanahimik siya pag topic namin si Earl samantala ako kilig na kilig. Tapos yung about sa gf niya. Nagbreak daw sila 3 days na ang nakakalipas. Hindi na niya sinabi ang dahilan. Nirerespeto ko naman yon. Dahil privacy niya yon. Pero nagtataka lang ako kasi parang di siya apektado nung naghiwalay sila. Ganon ata talaga paglalaki. Madaming babae.
Lumipas 5 araw naging kumportable na ako sakanya. Ang saya saya nga pag magkasama kami eh. Ang protective niyang kaibigan kasi pagkatapos ng simbang gabi ay nagpunta kami sa mga nagtitinda ng street food para kumain tapos hinahatid niya ako pauwi para daw safe ako. Yieee.
8 days na kaming magkakilala pero ako palang ang nakakaalam ng pangalan naming dalawa. Siya? Hindi niya pa din alam yung name ko. Hehe. Bad ako eh.
