Nasa bakasyon kami ng aksidente ko siyang makatagpo.
As in.
Accident lang talaga.
Ganito kasi yan.
Naglalakad ako non sa buong resort ilang minuto ng makarating kami. At dahil may lovelife sila at buhay asawa pinag-uusapan nila ay umalis na ako. Wala naman akong jowa o hubby.
Kaya ayon. Lakad dito. Lakad doon. Kuha ng larawan ng kung anu-ano mang nakakuha ng pansin ko. Kahit yong lata na iniwan sa tabi kinunan ko na. Ganon ako ka bored ng gabing yon.
And then.
"MAHAL KITA!!! SOBRA!!! PERO BAKIT MO AKO INIWAN NG DAHIL SA IBA?!! BESTFRIEND KO PA TALAGA!!! MGA GAGO!!!"
Sigaw ng kung sinong sira ulo. Di ko na sana papansinin pero biglang umiyak ng napakalakas-lakas.
At akong si curiousity ay tinignan ko na.
Eww.
Nakahiga sya sa sariling suka.
Bakit ko nakita?
Nasa isang cottage lang kasi ang baliw at nakahawak pa ng baril habang sirang nakahiga sa sahig na may suka nya.
Yes.
May baril ang gago at pabalik-balik nya itinutok sa ulo nya.
Wait.
Agad akong napalapit sa kanya ng ibinaba nya yong baril at pigil hiningang niyakap sya.
Yes. Niyakap ko ang baliw.
Pag inagaw ko yong baril. Dalawa yong magiging mangyari. Una, pweding isa sa amin ang matamaan. Pangalawa, baka may inosenting nilalang na matamaan.
"Shhh...." ani ko kahit parang gusto ng tumakas ng puso at kaluluwa ko sa katawan.
Napangiwi pa ako ng yakapin nya ako ng maykahigpitan.
Ramdam ko rin yong baril.
Patawarin sana ako sa lahat kung kasalanan at katangahan kong ito na talaga ang last breath ko.
"Bitawan mo na yang baril. Nandito na ako." sabi ko. Parang ako yong girl di ba? Ni hindi ko nga kilala ang unggoy na itech.
Pero..i need it to calm this stupid drunkard.
At himala. Sinunod nya.
At ng may makita akong crew ay tinawag ko.
"Maam?"
"Help me po. Kilala nyo po ba ang taong to? At pakikuha ng hawak nyang baril."
Agad naman nitong sinunod yong sabi at.
"Naku maam!! Si sir Miko po yan." sabi nya.
"So kilala mo? Tulungan nyo na lang po ako. Di ko na kaya ang amoy nya."
"ahh. Opo maam."
"no!!! Don't leave me, shaine."
Wow. Lasing ba to o ano? Straight naman magsalita.
"yes. Pero tayo kana. Papatulong lang tayo kay kuya ha."
Tumango naman ang gago at ayon dinala namin sa tinutuluyan nya.
Tinulungan nya na rin akong linisin tong baliw.
"I think, its better to keep that thing out from him. Baka mamaya kabaong na punta ng lalaking yan."
Napakamot naman ito sa ulo.
"pasensya na po kayo maam. Mabait po yang si sir. Heart broken lang po. Pero promise di po nya gawain yan."
"boss mo?"
"Ah! Di po. Pero siya anak ng boss ko."
Kaya pala pinagtatanggol.
"Alis na ako. Baka hinahanap na ako ng mga kasama ko."
"pano po si sir mam?!"
"bantayan mo!! Di ko yan kilala." sigaw ko at tuluyan ng umalis sa lugar na yon.
At yon nangyari. Accident lang talaga yong pagkakatagpo naming dalawa.
Nagkatagpo pa kami non kinahaponan pero tulad ng lahat ng bagay di na nya ako kilala na ipinagsasalamat ko.
Awkward yon sa kanya pag naalala nya na nakita ko syang nabaliw kagabi.
"Maam!! Salamat po kagabi." ani Delion. Sya yong kagabi na crew.
"No worries." ani ko. "atin na lang yon. Bye."
"balik po kayo ulit maam!!"
"Sure...pagsinumpong ako." sagot ko na pabiro na ikinatawa nya. Hindi pa ako baliw para bumalik dito and to see that same guy.
And takti. Nakasalubong yong paningin namin. Kumaway na lamang ako kay Delion bago lumingon sa harap ng sasakyan.
Well...
Its our last time to see each other. Ayoko ng bumalik dito.
Maganda nga yong view. May baliw namang boss.
Pumikit na ako ng mata dahil paalis na rin kami ng biglang..
"Wait. Can I speak to her? Its important." rinig kong sabi ng kung sino.
"gising girl. May gwapong gustong kausapin ka." ani ni Trestan sa akin.
"pangit lahat kilala ko. Wala akong kilalang gwapo." ani ko.
Hindi na ito nagsalita pa kaya minabuti ko ng matulog talaga ng biglang bumukas yong pinto dito sa tabi ko at may biglang bumuhat sa akin.
"Kakausapin ko lang sandali tong asawa ko. Salamat!" sigaw ng gago.
Aalma na sana ako pero agad nya akong hinalikan sa labi na ikinanganga ko talaga.
Who the fucking idiot he is?!