Parang lumabas kaluluwa at puso ko sa bilis ng takbo ng sasakyan ng boss ko. At mas lalo yata akong nahilo ng kaladkarin nya akong papasok sa isang napakalaking bahay.
At matapos ang mahabang lakaran at akyatan ay tinulak nya ako sa isang malaking kama.
"its your fault!! I told you that your mine!!!" litanya nya habang hinuhubad yong coat nya.
Napanganga ako sa kagwapuhan ng loko pero kailangan ko munang makatakas sa masamang plan nito.
Hindi nga talaga sila magkamukha. Sya talaga to. Tong baliw na maniac.
"Sir!! I mean. Miko..hehehe long time no see." oh fuck. Ano kami close?
Ngumisi ito.
"w-wait." sabi ko at tumakbo sa kabilang gilid ng kama. Ang sagwa ng scene namin dito. Parang sinasabi ko na...habolin mo ko...ewww...nanindigan yata lahat ng tissue ng katawang lupa ko.
"pag-usapan natin to, sir."
"na ano? Magpapakasal ka na? Na aalis ka na sa companya? Saan doon ang gusto mong pag-usapan, kira?!" sigaw nya habang nagpapatentiruhan kami dito sa loob ng silid nya ata.
"saan mo naman kasi nakuha ang mga balitang yan?" ani ko. At tumakbo na sa may isang pinto at agad itong nilock.
"buksan mo to!!! Isa!!!"
"dalawa!!" sigaw ko bigla. Para lang kaming bata dito.
"wag mo kong subukan kira!! Sisirain ko talaga tong pintuan!!"
"bat ka kasi galit?! Sino bang may sabi sayong magpapakasal na ako at aalis na ng kompanya?!" eh matagal na akong wala sa kompanya since last year. Sigaw ko maliban sa huli.
"sinong di magagalit pag nalaman mong yong asawa mo ay magpapakasal na sa iba?! Papatayin ko talaga ang hayop na yon, kira!!"
Hito na naman sya sa asawa nya. First time ko syang nakita eh noong nasa bakasyon lang kami ah. At wala akong naalalang nagpakasal ako ng panahong yon.
"sir!! Baka nagkakamali lang kayo. Sino po pala papakasalan ko?!" matanong ko nga...wala naman talaga akong pakakasalan maliban lang sa kama ko. Forever ko yon.
"fuck it, kira! Gusto mo pa talagang sabihin ko ang pangalan ng hayop na yon?! AKI KAMA!!! Yan ang magaling na pangalan ng hayop!!
Aki kama?
Wait....
Aki N. Kama
Flashback
Old hag...sino naman magpapakasal sa isang tulad mong pangit at walang alam sa mundo? Kung wala ang dalawa mong kaibigan ay ano ka lang ba? Baka janitress ka lang ng kompanyang to?Sabi ni Stephanie sa akin. Personal secretary ng boss namin at also known sa kompanya na fiance raw ng anak ng boss.
Ngumiti ako sa kanya ng napakasaya-saya. Parang nagdidaydream lang at inlove na inlove talaga.
Si Aki Natsugara Kama. Sagot ko sa kanya.
End of flashback
Pfft.
Di ko na napigilan pa yong tawa ko.
Gosh.
Hahahaha.
Akin kama....which mean my bed. Hahahahaha
"sir!! Hahahaha!!! Kama ko lang yon! Hahaha!!"
Pero iba yata ang effect non sa kabilang side.
Parang nagkaroon yata ng digmaan at basagan hanggang sa..
"son!!! Stop it!!"
"no mom!! Ill kill him!!"
"put that damn gun, mico!"
Gun?
Napabukas agad ako ng pintuan at ganoon ang gulat ko ng makita ko yong boss ko na may hawak na baril at parang timang na tinututok sa ito sa kanyang ulo.
"boss.."
