Chapter 1

84 0 0
                                    

FAMILIA CARDINAL PRESENTS
SANA IKAW NA NGA
LOS BASTARDOS (Sequel)
A FanFic Story by Mona Nor Kalis

CHAPTER ONE

PAGKATAPOS ng kanilang espesyal na hapunan, magkasabay na bumalik sa loob ng Mansiyon ang pamilya Cardinal.

"Tay, Mauna na kami ni Coralyn." Paalam ni Lucas sa ama. Isang tango lamang ang tugon nito.

"Pumunta kayo ng maaga dito bukas, maghahanda ako ng almusal para sa ating lahat, sabay tayong mag-almusal" nakangiting sabi ni Donya Soledad sa mag-asawa.

"Sige po Nay," sambit naman ni Coralyn.

"Oh, Paano mauna na kami sa inyo, " paalam ni Lucas sa mga kapaid.

"Teka! Itong bunso natin, iiwanan tayo sa ere.. Ang aga niyo namang umuwi. Ngayon lang nga tayo nabuo e," pigil saad ni Connor na ikinangiti naman ng iba nilang kapatid.

"Oo nga, Lucas. Ang lapit lang ng bahay niyo. Uuwi na kayo agad. Hindi pa pwedeng samahan mo muna kami," singit sambit naman ni Matteo.

"Lumalalim na ang gabi mga Tol, at saka may trabaho pa bukas,"

"Naku! Dinahilan na naman ang trabaho, Kami rin nga may trabaho at malayo pa iyong mga bahay namin pero nandito pa kami," saad naman ni Isagani.

"Lucas, pagbigyan mo na mga utol mo. Huwag mo nang alalahanin ang trabaho, sagot ka namin ni Diane," si Lorenzo na pilit pa ring kimukumbinse ang kapatid.

Napailing na lamang itong si Lucas habang nakangiting nakamasid ang kanilang ama.

"Mga Anak, Paano iyan hindi ko na kayo masasamahan ah, mag-enjoy lang kayo. Huwag masyadong magpakalasing at may trabaho pa bukas," paalala ni Don Roman sa kanila.

"Sige na Tay, mauna na kayo ni Nanay." Ani Isagani sa ama.

"Teka! Teka! Huwag niyong lasingin 'tong asawa ko, pakiusap.." Biglang sabat ni Diane.

"Bakit Diane? Takot ka bang makabuo kayo ulit " pang-aasar ni Connor dito.

"Anong takot? Ang sabihin niyo takot lang iyan sa akin," aniya habang pangiti-ngiti namang nilapitan siya ng asawa.

"Heart, Relax! Hindi ako malalasing promise.." Aniyang inayos ang buhok nito sabay lingon sa mga kapatid. "Ihahatid ko lang ito,"

"Ihahatid mo lang iyan Lorenzo ha! Baka hindi muna kami babalikan dito," pasigaw turan ni Connor.

"Babalik ako promise..."

Samantala nilapitan naman ni Isagani ang asawa nitong si Isay. "Mahal, mauna ka na, hindi naman kami magtatagal.' Aniyang ikinatango naman ni Isay.

"Oh, Isagani ayaw mo bang ihatid ang asawa mo?" Tanong ni Matteo.

"Hindi na... Magkasama naman sila ni Coralyn at Lupita,"

"Ikaw Connor, wala bang good night kiss galing sa'yo," nakangiting saad ni Lupita.

"Soyempre meron iyan! Makakalimutan ko ba iyan?" Aniyang hinagkan ang asawa. "Mauna ka nang matulog, susunod na lamang ako mamaya, "

"Boys, huwag masyadong magtagal. May trabaho pa bukas" Paalala ni Coralyn sa mga ito. Nakangiting tumango na lamang ang apat na magkapatid habang magkasabay na ang tatlong tinungo ang kanilang mga silid.

Samantala magkahawak ksmay ang mag-asawang tinungo ang silid ng mga bata.

"Huwag kang malikot at mag-ingay," mahinang sambit ni Diane habang kinikiliti siya ng asawa.

"Ang himbing ng tulog nila, kay sarap pagmasdan." Nakangiting saad ni Lorenzo habang yakap ang asawa.

"Oo nga e, Paano kaya kung magkakasama kayong magkapatid na lumaki? Ganyan din kaya kayo kakulit?" Si Diane habang nakangiting pinagmasdan ang mga anak.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 18, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FAMILIA CARDINAL PRESENTSWhere stories live. Discover now