Nagsimula ang pangbbwisit nya sakin nung grade 7 pa kami. Btw ako nga pala si Joy matinong studyande, 'di kagandahan at 'di rin katalinuhan, pero mabait ako alam ko yun. At siya naman si Ken, palibhasa kasi matalino at may itsura, kaya kung makapangbully akala mo perperto sya.
Nung Grade 7 palang kami nagkakilala, akala ko mabait sya nung una kasi ang desente nya tignan pero sabi nga nila 'don't judge the book by it's cover'. Naging magkatabi kami nun kasi parehas nagsisimula sa 'T' yung apelyido namin, ako Talastas at siya naman Tolentino. Akala ko magiging friends kami kase seatmates kami pero nung nagsimula na yung klase dun na nya ko inumpisahang ibully. Everytime na iche-check namin ang papel ng isa't-isa he always get perfect score, pero ako laging average lang, then sasabihin nya na nag-aaral daw ba ko, kesyo pangit daw handwriting ko. Di ko nalang siya pinapansin.
Then nung nag Grade 8 na ako akala ko malilipat siya sa first section kasi matalino siya, pero first day na first of school sabi nya sakin "ikaw na naman panget? Bakit di ka nalang lumipat?", like duh ako nga dapat magsabi nun eh kasi di ko expected na magkklase ulit kami. So patuloy parin siya sa pabubully nya sakin at mas lumala pa, syempre di ako papatalo natututo akong gumati merong times na tinatali ko yung bag niya sa upuan, nilalagyan ng bato yung bag nya. Patuloy lang kami sa asaran sa isa't isa, pinagbubutihan ko na rin pagaaral ko para di nya na ko sabihan ng bobo. Pero ang di ko talaga makakalimutan nung grade 8, noong nilagyan nya ng ketchup yung upuan ko, like WTF para akong may tagos nun 'di rin ako nakalabas ng room, tapos umuwi akong naka-shorts lang, buti nalang mahaba yung shorts na suot ko nun. So ayun nga, nung patapos na yung grade 8 nakasali ako sa with honors, siya rin naman. Tapos nung time na ng recognition walang patient na umattend para sakin, okay lang naman kasi alama kong busy sila pero yung sinabi sakin nung bwisit na Ken na yun ang hindi ko makakalimutan, after ng recognition kasi sabi niya sakin "ano ba yan, bakit wala kang parents? minsan ka na
nga lang magka-award eh, sayang naman. Di ka siguro nila mahal o sadya wala lang talaga silang kwenta", tapos yung tono pa ng pananalita niya yung lalong nagpagalit sakin. Mangiyak-ngiyak na ko nung time na yun, may sasabihin pa sana siya pero bigla nalang kumilos yung kamay ko at nasampal ko siya. "Wag mong idamay mga magulang ko!" yun nalang ang nasabi ko at umalis na ako tutal tapos na rin naman. He became silent until the vacation ends.Then the schoolyear starts again, but then he also start to bully me again. Syempre di parin ako papatalo. So we continue that kind of relationship, we're enemies. We continue that until the first quarter ends. Kase nung 2nd quarter nagtransfer yung pinsan ko, si Patricia. Maganda si Pat, pero medyo maluwag turnilyo nun eh yung tipong laging hyper at sabog hahahahaha. Umupo si Patricia sa tabi ko, so ang seating arrangement namin is Pat| ako | Ken. Dahil kay Pat one week ako di binully ni Ken, feeling ko nga tinamaan tong tukmol na to sa pinsan ko eh. hahaha As days passes by, na confirm ko inlove nga ang tukmol, on the same day he asked me kung pwedi ko daw ba siyang ilakad sa pinsan ko. So ayun bumait siya sakin, ang landi nga nilang dalawa eh, may papasa-pasa pa ng sulat eh one seat apart lang naman duh. Edi ayun nga naginv thirdwheel ako sa mga date nila, kase bawal mag Bf si pat. Meron pa ngang time na manonood dapat sila ng Cine kaso may biglang emergency si Pat, so ending kami ni Ken ang nanood, I remember how badtrip he is hahahaha. So ayun nga napuno yung grade 9 years ko ng kalandian nilang dalawa, kesyo breakup then balikan, madalas kasweetan halos langgamin nga sila nun eh.
Hanggang nag Grade 10 kami, sa kasamaang palad di kami magkklase. Mabuti na yun para di ako langgamin dahil sa kanilang dalawa, pero sinasama parin nila ako sa date nila. One time may sinama si Ken na friend niya, para double date daw. Pinakilala niya sakin si Joseph, gentelman grabe. Matangkad na, pogi pa tapos gentleman kaya pumayag na din ako. hahaha ang saya nung araw na yun. After that di ko na nakita si Joseph kasi sabi ni Ken nag-abroad daw, pero i-add nya naman ako sa Fb at binigay sakin yung number nya. Tuloy parin ang buhay tapos isang linggo lang may binigay sakin si Pat na chocolates, sabi nya pinabibigay daw ni Ken galing kay Joseph. So I thank Joseph through messenger, tapos dun nanagtuloy-tuloy communication namin. After Few months nalaman ng tatay ni Pat yung relationship nila ni Ken, kaya pinaghiwalay silang dalawa si Ken na iwan dito and si Pat pinalipat ng Laguna. Then Ken and I lost communications, di nya na ko pinapansin kahit iisa lang school namin. Pero si Joseph tuloy parin pagpapadala sakin ng gifts monthly yun, kaya nag minsan pinpadalhan ko rin siya, of course our exchange gifts is through Ken. Yung mga bigay ni Joseph iniiwaan ni Ken sa table ko tapos yung sakin iinabibigay ko sa kklase nya, sinasabi nman ni Joseph na natatangap nya. Last month nalang namin yun bilang junior high school so iyakan kami lagi ng section namin, pero bigla nalang akong pinatawag ng adviser nila Ken. Ako lang daw kasi ang malapit kay Ken that time, sabi ng adviser nila nagpapabaya daw si Ken sa studies nya kaya daw kausapin ko daw. So I find Ken,
Ken: ano ba ang kailangan mo hah!?
Me: ano ba nangyayari sayo hah? sa palagay mo ba matutuwa si Patricia pag nalaman nya to? at kung pwe--
Ken: Ano bang pake mo! at kung pwedi lang den tigilan mo na ang lapit mo sakin, kung may gusto kang ibigay kay Joseph ikaw na magpadala. You both such a nuisance!
then he walk out. What the-? ako na nga tong concern sa kanya siya pa tong galit. Kung ayaw nya edi wag...
Few days passes I recieve a gift from Joseph, it's a stuff toy. May nakaipit pa nasulat, "dear Joy, Wag mo sanang bigyan ng kahulugan ang pagiging mabait ko sayo. I just want to be friend with you that's all. At wag ka na ring mag padala ng regalo, and I'll do the same. -Joseph" bigla akong na pa iyak. Ano ba? Bakit ganito? Akala ko.... akala ko lang pala. Paasa siya!
Moving up. This is the day, it's the end of my junior high. Finally a step closer to my dreams, a--
"Tolentino, Ken P." sabi ng speaker. Pero No Ken stand up. I search the whole event center but I saw no Ken. Where is he?
After the Ceremony pumunta ako kila Ken, kinuha ko yung address nya sa school forms. Sa dorm pala siya tumutuloy. Nung nasa kwarto nya na ako biglang kumabong ang dibdib ko. I knock the door three times. And a second after I was shocked, there's Joseph standing at the door.
"h-hi! Who are you?" he asked. Like P*tang *na 'who are you?'. Pero di siya ang pinunta ko dito.
"hmmm. I'm Joy, nandyan ba si Ken?" i said.
"oh, naalala ko na. Ikaw yung girlfriend ni Ken. btw pasok ka." what the heck? 'Girlfriend ni Ken?
"ahhh I'm not Ken's girlfriend... nasaan si Ken?" sabi ko as I enter the room. Another shocking moment hàppened. There was I, in the photos, and also Ken. Na kita ko yung mga batong nilag ko sa bag niya, yung movie ticket na pinanood namin, yung mga sulat at regalo ko kay Joseph.
"kanino tong gamit?" tanong ko kay Joseph.
"Kay Ken kanino pa ba, diba regalo mo yan lahat sa kanya, ayaw nya nga pahawakan sakin kahit alin diyan eh hahahaha." sabi nya. What's happening? how-?
"Where is Ken, right now?" I need an explanation. I need Ken.
"By now, hmmm siguro nasa Canada na siya or sa eroplano palang... I don't know..." he said. Why? Why Ken?
10 years after.
it's been 10 years since I last saw Ken. And also it's been 10 years na naghihintay ako sa kanya. Sa loob ng sampung taon na realize ko na mahal ko si Ken, mahal na mahal.
Nan dito ako sa airport, ngayon daw kasi dating ni Ken. As minutes goes by, kinabahan ako .Ano sasabihin ko sa kanya? Naaalala pa kàya nya ako? Nagbago ba siy-...
I saw the man I was waiting for. He walk towards me.
"Hi Joy" he said.
"hi" i replied. then he gesture a woman beside him.
"Joy this is my wife, Hana. Honey this is Joy....
.
.
.
My seatmate..."
![](https://img.wattpad.com/cover/209002868-288-k697361.jpg)