CHAPTER 1

3 0 0
                                    

#MYALMOST

"Bakit, Migz?! Bakit mo ko iniwan?! Bakit ka sumuko sakin?! Bakit mo ko ipinagpalit? Anong meron siya na wala ako? Binigay ko maman lahat di'ba?! Wala na nga ako, oh. Ano pa ba gusto mo!"

"Zi, tama na. Tapos na tayo."

"Migz, parang awa mo na. Sandali lang. Wag mo naman ako iwan dito. Ayusin natin 'to. Pangako, kakayanin natin. Ako na lang, Migz. Ako na lang..."

Ilang ulit ko pa nga ba nasabi ang "Ako na lang". Ilang ulit pa ako nagmakaawa na baka mapagbigyan pa. Na baka mapakinggan pa. Kaso sa ilang ulit na 'yun ay kasabay din ng ilang ulit niyang hakbang palayo. Ang hirap. Ang sakit. Na yung taong dati ay ayaw umalis sa yakap mo ay ang tao na ngayon ay tinutuldukan ang kwento niyo.

Sana hindi ganon ang relasyon. Sana hindi porket ayaw na ng isa ay pwede nang bumitaw basta-basta. Sana hindi one-sided. Sana hangga't may hindi sumusuko sa inyong dalawa, tuloy pa rin. Walang hihinto. Walang mang-iiwan. Kaso hindi. Kaso imposible 'yun.

Pero sabi nga nila kapag daw mahal mo, ipaglaban mo. Baka pagsubok lang. Baka kailangan lang kayong pagtibayin. Kaya hindi ako sumuko agad. Ipinilit ko. Kahit sugal ito na kung saan walang kasiguraduhan ang pagka panalo.

Isa pa.

Sent to Mahal Ko:

"Migz..."

"Replyan mo naman ako oh"

"Migz parang awa mo na"

"Migz bakit naman ganito"

"Ang sakit sakit na"

"Patayin mo na lang kaya ako"

Sandali na lang.

"Migz, sige na. Hindi na ako manggugulo. Replyan mo lang ako. Ipaliwanag mo lang sakin lahat. Sabihin mo lang kung saang parte ako nagkulang para mabago ko tapos kung hindi pa rin, sige. Alis ka na. Pangako"

Sige. Huli na.


"Sige. Pasensya ka na. Salamat na lang sa lahat. Mahal na mahal kita"

Pero kahit sabihin kong sige, huli na. Hindi maiaalis ang katotohanan na ilang ulit pa akong nangulit. Ilang ulit pa akong nagmakaawa. Pero ito nga siguro talaga ang pagkakataon na katulad sa sugal, nakuha lahat sa'yo. Lahat ng pinaghirapan mo. Lahat ng nilaban mo. At pati ang mismong itinaya mo. Ubos.

* * * * *

"Zi!!!! Ano ba. Hindi ka ba papasok?!", sigaw ng nanay ko.

Ilang araw na akong walang maayos na kain at tulog. Sino ba naman ang magkakaroon ng kaayusan kung ganito ang pinagdaanan. Pero kung meron man, saludo ako sa'yo.

"Bumangon ka na diyan! Ano bang problema mo, ha! Bakit ka ba nagkukulong sa kwarto mo?!"

Hindi ko alam paano sasagutin ang mga taong nagtatanong sakin kung bakit daw ba ako nagkakaganito. Ano nga bang isasagot ko? Wala naman silang alam sa pinagdadaanan ko. Hindi naman nila alam kung anong meron samin ni Migz. Itinago namin ang aming relasyon sa halos apat na taon. Alam ko namang may nakakaramdam ngunit mas pinili ko pa ring magpatay malisya sa mga pang-aasar at pagtatanong nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon