Gusto ka din pala e! (Oneshot)

221 16 9
                                    

Title: Gusto ka din pala e!

Date Written: November 15, 2014, 4:20 PM

Written by: Ainne Marie Lai

One Shot.

ELLE.

Being a sound system operator sa school ay nakakahaggard.. bigay ng mic doon..bigay ng mic ditto...Kapag may nasirang mic kailangan mo kaagad ayusin.... kasi naman e! bakit pa kasi ako nagprisinta e! Haaays! Tuloy sa sobrang busy ko, hindi ko na nakikita si Josh!

Kasalukuyan akong nagchecheck ng mga mic kung gumagana...Teacher's Day kasi ngayon.

"Micaella, may 3 hours pa bago yung presentation. Patayin mo muna yung sound system." sabi ni Kuya Bash, isa sa mga operator din katulad ko,

Titingin sana ako kay Kuya Bash nang biglang dumaan sa harapan ng bintana ng sound system room si Josh. OHMAYGEESH! Ang pogi niya!

"O, ano Micaella napatay mo na yung sound system?" tanong ni Kuya Bash.

"Opo, Ayaaan na po!" sigaw ko kay Kuya Bash habang pinipindot ko yung power off ng sound system gamit ang mga kamay ko, habang ang mga mata ko naman ay nakatingin kay Josh. Ohlala! Ang hawt niya talaga!

"O sige labas muna ako."

Lumabas si Kuya Bash ng Sound system room at bigla naman pumasok si Rheanne, ang aking bestfriend.

"Elle, alam mo ba si Josh sabi kanina sa classroom mayroon na daw siyang girlfriend to be!!!!!!" malungkot na pahayag ni Rheanne sa akin

"Awwww, ang swerte naman nung girl na yun, sana ako nalang yun," napabuntong hininga ako. "Haaay! Joshua Renz Domingo, sana naririnig mo ko, para masabi ko sayo na gustong-gusto kita!!!" sabi ko habang tawa nang tawa si Rheanne.

"Tara nga muna girl sa labas, gusto kong kumain ng takoyaki," sabi ni Rheanne.

Nang nakalabas kami nang Sound system room halos lahat ng tao nakatingin sa amin ni Rheanne at papalapit naman samin si Josh. Luh, ano ginawa namin?

Bigla naman sumulpot si Kuya Bash sa harapan ko.

"Micaella, Bakit hindi mo pinatay yung sound system?" sabi ni Kuya Bash. At para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Ano? Edi ibig sabihin..Narinig ng buong campus yung pinagsasabi ko?! Waaa!

Tatakbo sana akong papuntang Sound System Room pero may biglang humigit sa braso ko, paglingon ko si Josh!!! Waaah! Narinig niya ang kahihiyan ko!

"Micaella Eunice Zamora, Alam mo gusto din kita, pero kailangan talaga nakabroadcast pa yung confession mo?" nakangiting sambit sa akin ni Josh. Mukha na akong kamatis! bigla niya akong niyakap sabay halik sa noo ko. Yaaaaaa! May gusto din sa akin si Josh!

"Yieeee!!! Gusto ka din pala e!" sigaw ni Rheanne.

~END~

(A.N. Thank you bery mats, Ate Ella sa cover!!! Ankyot niya!!!! ^____^)

Gusto ka din pala e! (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon