KABANATA 1

13 0 0
                                    

Mia POV
Nagising ako ng tumunog ang alarm ko kaya naman bumangon na ako at kinuha ang tuwalya at naligo na. Pag tapos ko naman ay bumaba na ako at kumain.

'Siguro tulog pa si mama' sabi ko sa isip ko. Pag tapos ko naman kumain pumunta ako sa kusina at hinugasan ang pinag kainan ko. Nang matapos ako mag hugas lumabas na ako at nag walis walis. Habang nag wawalis ako bigla ko nakaramdam ng sakit sa dibdib.

"Mama!!!" Sigaw ko dahil sa sobrang sakit. Nakita ko naman na papalabas na ng bahay si mama.

"Bakit ano nangyayari sayo?" Tanong niya na may bahid na pag-aalala.

"Ang sakit ng dibdib ko ma" sabi ko naman at mukha naman mas lalo siyang nag-alala bigla naman siyang tumakbo papunta sa loob ng bahay at lumabas ulit at saka may tinawagan.

"Nak? Pwede kaba pumunta dito? Sumasakit dibdib ng anak ko. Tulungan mo naman ako nak oh" sabi niya pa. "Sige nak. Hintayin kita ha? Salamat ng marami" sabi niya at binaba ang tawag at saka pumunta saakin. "Pumasok na muna tayo sa loob para makapag pahinga ka." Sabi niya at inalalayan ako sa pag tayo.

Pag pasok naman sa bahay pinaupo niya muna ako at saka kumuha ng tubig at binigay saakin. Kinuha ko naman ito at saka uminom. Maya maya naman biglang sumakit ulit ang dibdib ko.

"Mama? Ang sakit!" Sabi ko at naiyak na sa sobrang sakit ng dibdib ko. Lumapit naman siya saakin at yinakap ako ng mahigpit.

"Hintayin nalang natin siya dumating." Sabi niya pa.

Maya maya naman may bumusina sa labas kaya nag mamadali si mama na lumabas na mabilis na lumapit saakin.

"Tara na nak. Andyan na siya" sabi niya at inalalayan ako lumabas at nakita ko naman yung kausap ata ni mama kanina.

"Tulungan na po kita" sabi niya at pumunta sa kabila ko at inalalayan rin ako. Pag pasok naman sa kotse ay umalis na rin agad kami at pumunta sa hospital.

Nagising ako ng bigla may kumalabit saakin. Nakita ko naman yung lalaki na tumulong saamin ni mama kanina.

Linibot ko ang paningin ko at saka ko nalaman na nasa loob na kami ng hospital. Tinignan ko naman siya at saka nag salita.

"Nasan si mama?" Tanong ko sakanya. Ngumiti naman siya.

"Hinatid ko muna sainyo para kumuha ng mga gamit mo. Susunduin ko siya mamaya" sabi niya.

"Ahh salamat pala" sabi ko sakanya at ngumiti.

"Wala yon. Parang nanay ko narin kasi yung mama mo nung nag tratrabo siya saamin" sabi niya naman. Tumagal tagal naman ang kuwentuhan namin at maya maya rin may pumasok na doctor.

"Iha. May sasabihin ako sayo" sabi niya na nakapag kaba saakin. Ngumiti naman ako ng pilit.

"Ano po iyon doc?" Tanong ko sakanya.

"Mayroon kang heart disease stage 3 at mayroon ka na lamang ilang buwan para mabuhay." Sabi ng doctor na nakapag pagulat saakin ng sobra. Unti unting namumuo ang luha ko sa aking mga mata dahil sa aking narinig.

'Lord, bakit ako pa?' Tanong ko sa isip ko at tuluyan ng umiyak. 'Lord naman, bakit ako pa? May nagawa ba ako masama? Kasi wala akong dahilan para parusahan mo ako ng ganito lord. Bakit?' Muli kong sinabi sa isip ko.

"Maiwan muna kita." Sabi ng doctor saakin. Tumango ako at sinubukan ko matulog ngunit muling nag papaulit ulit ang sinabi ng doctor saakin.

'Bakit?' Tanong ko habang nakatingin na sa kisame.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PaghihintayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon