"Mom, I didn't ask for your love story." Medyo nangdidiring sabi ni Han.Nag-make face si Rosé. "It's part of the story, kiddo. Every great band's story started when they met. The Beatles' story started when Lennon met Paul! Eraserheads started when Ely met Raimund."
"What's Eraserheads?" tanong ni Han.
Nanlaki yung mata ni Rosé. "Hindi mo kilala ang Eraserheads? We have failed as parents."
Si Han naman 'yung nag make face. Minsan talaga napapa-isip na siya bakit ganito 'yung mga magulang niya.
"Eraserheads is a legend!" Patuloy ni Rosé. "They're one of the best bands in the Philippines! Wala ba kayong music appreciation class sa—"
Natigilan si Rosé noong may narinig silang sasakyan mula sa labas.
Nagningning 'yung mata ni Han. Sa tunog pa lang ng makina, pati sa pagbukas at pagsara ng pinto, alam na alam na niya agad kung sino 'yung dumating.
"Si Ninong!" nae-excite niyang sabi sabay takbo pabalik sa loob ng bahay.
Tahimik at nakangiti lang na sumunod si Rosé sa kanya. Pagdating nila sa loob para pagbuksan sana ng pinto si Ninong, nandun na ang tatay ni Han at napagbuksan na siya. Mukhang tapos na rin sila bumati sa isa't isa. Binibitawan na nila 'yung isa't isa mula sa bro hug noong dumating sila Han.
"Kamusta? Kanina pa ba kayo?" tanong ni Ninong.
"Oo." Sagot ni Dad. Like Han, excited din siya sa pagdating ni Ninong. Parang nawala na nga lahat ng inis niya kay Han noong nakita niya si Ninong.
"Kanina ka pa namin hinihintay. Kung sino pa dito nakatira, siya pa 'yung late."
Nakangiting umiling lang si Ninong. "Na-delay kasi 'yung flight ko from Hong Kong."
"Hong Kong?" This time, Rosé jumped in the conversation.
"Rosé!" Masayang bati ni Ninong na agad winelcome si Rosé with a hug.
Niyakap siya pabalik ni Rosé. "What's up? Ano ginawa mo sa HK?"
"Work, syempre." Sagot ni Ninong. "May mga investors lang akong mineet. Kayo lang? nasaan si Han?"
On cue, lumapit si Han sa kanya. "Ninong."
"Han!" excited niyang hinatak si Han tapos saka ginulo yung buhok niya. "Ang laki laki mo na!"
"Ninong, stop it. 'Yung buhok ko." Protesta ni Han.
Tinignan ni Ninong sina Rosé at Dad, unimpressed sa sinabi noong bata, tapos saka niya ginulo pa nang tuluyan yung buhok ni Han bago niya 'to binitawan.
"Binata na talaga e." Sabi ni Ninong. "May girlfriend ka na no?"
Hindi sumagot at umismid lang si Han.
"Aba, aba! Mukhang manang mana sa tatay ha?" Tumingin si Ninong kay Dad. "O sa Ninong?"
"Anong girlfriend? Magtino muna bago mag-girlfriend." Sabi ni Dad.
"Magtino?" Ulit ni Ninong sabay tingin kay Han tapos biglang ngumiti. "Kanino kaya nagmana?"
"Hay, nako, tigilan niyo nga baby ko." Sabi ni Rosé sabay hablot kay Han mula kay Ninong tapos saka niya kiniss sa ulo si Han. "Sa akin kaya 'to nagmana."
"Mom!" Medyo nangdidiring protesta ni Han.
Nanlaki 'yung mata ni Rosé at saka nagpeke ng iyak habang si Dad at Ninong naman, nagsitawanan.
Moments like these are rare but precious. Bata pa lang si Han, malaking parte na ng buhay niya itong Ninong. Akala pa nga niya noong bata siya, dalawa 'yung tatay niya. Umiiyak siya kapag uuwi sila sa bahay nila tapos hindi kasama si Ninong.
YOU ARE READING
YourSong.mp3
FanfictionIsang kwento na nagsimula sa isang pangarap. Kwento ng pagkakaibigan, pag-ibig, mga sakripisyo at napakaraming kalokohan-oh, and by the way, this is a story about forming a band. Ano? Gusto mo bang sumama?