Magic 4: Magic Circle Unseal

284 11 4
                                    

Naka upo ako sa kama at malalim na nag iisip. Kung si Suho nga ba yung nakita ko kanina. Inabot na ko ng gabi sa kakaisip.

"Ang pagkaka alala ko Kim Joon Myeon ang real name ni Suho at hindi Blaine? So pwedeng hindi sya talaga yun? O pwede ding twin brother nya yun? O kaya kapatid nya? Or-"

"Hindi sya yung koreanong Suho na crush mo, hindi nya din kakambal yun at lalong hindi kapatid. Kung iniisip mo ding pinsan or iba pa nagkakamali ka. He is Blaine Frost" napatingin ako kay Kuya Trez na nakatayo sa pinto ng kwarto ko. May dala syang nakahanger na uniform at isang cute na mailman's bag.

"Kanina ka pa dyan kuya?" tanong ko dito. Pumasok ito sa kwarto at nilagay lahat ng dala nya sa kama.

"Yup kanina pa ko kumakatok. Kaso mukhang napaka lalim ng iniisip mo"

"Kamukha kasi nya si Suho eh. Tsk kala ko pa naman sya na talaga yun" nagpout ako sa harap ni kuya Trez.

"Para kang bata Mizu, by the way magbihis ka pupunta tayo sa isang mage para kausapin ka at para na din maunlock yung magic circle mo" nginitian ako ni kuya Trez na lagi naman  nyang ginagawa. May mga damit na pala ako dahil nagteleport si kuya Ryuu sa bahay para kumuha ng mga damit namin.

Pagkatapos kong mag ayos agad na kaming pumunta ni kuya Trez sa mage na makakatulong daw samin. Hindi daw makakasama si Kuya Ryuu dahil may ginagawa pa. At kung ano yun? Hindi ko na tinanong. Pinarusahan daw kasi sya ng Prof nila dahil nagcut ang magaling kong kapatid. Nalaman ko din na wala palang year level thingy dito. Nakaclassified ang mga student according sa magic circle na meron sila at sa range ng kayang sakupin ng mahika nila. Magtatanong pa sana ako about sa mga classification na yun ng huminto si kuya Trez sa isang malaking oak red na pinto.

"Andito na tayo" biglang bumukas yung pinto. Pumasok kami sa loob nito na tanging apoy lang sa fire place ang tanging ilaw. Sa gilid nito ay isang matandang babae na naka brown na coat.

"Magandang gabi po Mam Nita" pagbati ni kuya Trez. Nagbow ito sa matanda.

"Magandang gabi din Hijo. " Nginitian nya kaming dalawa.

"Mizuko umupo ka na" napatingin ako kay kuya Trez? Pano nya nalaman ang pangalan ko?

"Telepath ako Hija" si Lola na yung sumagot ng tanong sa isip ko. So mind reader pala sya? Wow ang astig naman nun.

Nginitian ako nung matanda, malamang nabasa nya yung nasa isip ko.

Umupo na ko sa upuan sa harap nya.

"Anak ka ni Fumi diba?" nagnod lang ako. Kilala nya si Mama?

"Estudyante ko sya dati" sagot na naman nya. Hinawakan nya ang palad ko at pumikit.

"Ganun pala" kumunot yung noo ko sa sinabi nya at napatingin kay kuya Trez. Nagkibit balikat lamang sya.

"Gusto mong buksan ang magic circle mo dahil gusto mong maghiganti sa mga taong sumira ng pamilya mo" Panong? Ok Mizu Telepath si Lola remember?

"Opo. Pano po ba maaunseal ang magic circle ko?" tanong ko sa matanda.

"Malakas ang seal na nilagay ng mama mo sa magic circle mo. Mabubuksan lang ito sa pamamagitan ng anti magic" paliwanag ni Lola.

"Anti magic? So mga Antikinetic lang ang makakapag unseal nun Mam Nita?" singit ni kuya Trez.

"Ganun na nga. Pero paalala lang Hija. Wag mong hayaang kainin ka ng galit sa loob mo. Nararamdaman kong may kakaiba sa magic circle mo." paalala ni Lola.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Magic Circle: LORE ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon