Untitled Story Part

44 2 0
                                    

Dear Crush,

Nung una, hindi pa kita kilala, hindi ka pa nageexist sa paningin ko, wala pa akong pake kung andyan ka, nung una, wala ka pa sa buhay ko.

Pero nung araw na nakita kita, nagexist ka sa paningin ko, yun yung araw kung kailan nagumpisa ang lahat.

Kinabukasan nun, may nagtext sa akin, sa hindi malamang dahilan, ikaw pala yun.

Sa mga sumunod pa na araw, naging close tayo, halos araw-araw katext kita, pero sa mga araw na yun, wala pa rin akong idea kung saan mo nakuha ang number ko.

Meron din sa mga araw na yun, na iniisip ko kung ikaw nga ba ang katext ko, o iba. Iba kasi ang inaakto mo sa school at sa text. Hindi mo ko pinapansin, kahit isang 'Hi' wala, pero sa text, nakakasampo ka pa sa isang araw.

Nung dumating ang pinakamasayang araw sa buhaymko, katext kita nun, tinanong mo kung sino crush ko, sinekreto ko, pero pinilit mo ako, sabi mo pa nun kung sinabi ko yung akin, sasabihin mo yung sayo, kaso pinauna kita, sabi mo "Ikaw yung crush ko." Para fair, sinabi ko rin ang crush ko, pero hindi siya ang sinabi ko, ibang tao, nagsinungaling ako, kahit sa loob ko, gustong-gusto kita. Higit pa sa stars sa buong universe. Hanggang ngayon iniisip ko kung iba ba ang sinabi ko nun, may magbabago?

May mga araw rin na, iniisip ko kung totoo nga ba iyon, or niloloko mo ba ako, pinagtritripan?

Kung may masayang araw sa buhay ko, siyempre meron rin masaklap, at ito yun ngayon. Ito yung araw na kung kailan kinuwento sakin ng kaklase ko yung sinabi mo sakanya, Ito yung araw kung kailan matatapos ang kahibangan na ito. Yung araw na sinabi sakin ng kaklase ko yung kwento na...

"Oy crush ka ng kaklase ko, si Rain!" Sabi ng kaklase ko na si Rave.

"Di ko yun crush, pangit yun." Sabi mo naman.

Bakit ganyan ka? Sabi mo crush mo ako? Dahil ba hindi ko sinabi na crush rin kita? Ang childish isipin pero...ano eh. Ang pinagtataka ko lang, bakit mo sasabihin na crush mo ako, kung wala naman talaga? Alam mo ba na umasa ako? UMASA AKO! ALAM MO YUN? At hanggang ngayon umaasa pa rin. Napakasakit lang isipin na para sayo, isang napakalaking biro lang ito, pero okay lang, kakayanin ko, basta't wag mo na sanang ulitin sa iba. Sapat na ang isa, okay?

Pero gusto ko lang sabihin na...

Pinaasa mo ako. Ang sakit, sobra. :'(

Even the simpliest words you say, can hurt the most fragile feelings, even how simple your words, your joke is, you don't know how big the impact of these words, these jokes to others.

Just like what you did to me, it was just a white lie, that changes my whole personality. Changes the people around me. But still, thank you for coming to my life, teaching me a lesson, and thank you, I finally saw those friends that'll stayed even I keep ignoring them just for you.

Salamat, at  pinaasa mo ako. :)

Keep on loving you as a friend, Rain.

------

END! Some parts are based on real life, may pinaghuhugutan eh. Hahahaha. K, goodbye na tayo kay Drama, say Hi to Happiness! XD Positive lang guys. Hope you like it. Ciao! -

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Salamat At Pinaasa Mo AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon