Araw araw ay isang normal na araw para kay Tim dahil ang normal na araw sa kanya ay ang pagpasok ng iskuwelahan at minsan ay pagpahinga tuwing katapusan ng linggo.
Si Tim ay isang Pilipino na may pangarap. Masayahin siyang tao dahil ang pangarap nya ay minsan nakakamit. Sa buong buhay niya ay kahit isang beses hindi nya isinasabi kahit kanino ang kanyang pangarap ngunit lagi naman daw ito natutupad kahit paminsanminsan lamang. Dahil siya ay isang Pilipino, siya ay isang taong makapamilya at mapagmahal. Tuwing may okasyon ay masaya siya ngunit gustong gusto nya makasama ang kanyang mga pamilya na kasama ang mga pinsan, tiyo, tiya, lolo, lola. Isang araw nang umuwi siya galing iskuwelahan ay isinabi sa kanya ng magulang nya na lilipat sa sila ng ibang bansa sa susunod na taon. Ang kapatid nya ay tuwang-tuwa habang siya ay nagdadalawang isip. Iniisip nya kung magiging masaya ba siya dahil mayroong nakuhang magandang trabaho ang magulang nya doon at dahil matutupad na ang pangarap ng kapatid nya na pumunta sa ibang bansa o kaya maging malungkot dahil iiwan na nya ang kanyang bansa at posibleng hindi na nya makita ang kanyang pamilya sa Pilipinas.Iaang taon ang nakalipas*
Nagiimpake na si Tim at nagpaalam na sila ng kanyang pamilya sa kanyang mga iba pang pamilya. Nang makapunta siya ng ibang bansa sumaya siya kahit papaano dahil maganda roon at dahil masaya rin ang kanyang pamilya. Pero syempre hindi tumagal ang kanyang saya dahil isang buwan ang nakalipas ay inisip niya ulit ang kanyang pamilya sa Pilipinas. Kahit papaano ay nakakusap parin naman nila ang kanilang pamilya sa Pilipinas ngunit iba parin ang pakiramdam ni Tim. Para sakanya ay hindi siya buo. Si Tim ay unti-unting nagiging salbaheng bata at halos palagi nyang isinasagot ang kanyang mga magulang at halos palagi nyang inaaway ang kanyang kapatid. Ang mga grado nya ay bumaba kumpara sa dati at madalas siyang napupunta sa detention. Isang araw habang siya'y nasa klase ay kinailangan niya ng isang partner na babae. Dito niya makikilala si "Rachel". Si Rachel ay isang Pilipina at kinailangan niya ng isang partner na lalaki ngunit lahat ng kaklase niya ay mayroon ng kapartner. Simula ng naging magkapartner sila ay nagiba ang buhay ni Tim. Unti-unti siyang bumalik sa dati at naging masayahin hanggang naging sila na ni Rachel. Ngunit isang araw si Tim at Rachel ay nagaway at naging personal sa isa't isa. Habang nagaaway ay tumigil sila saglit at nagsalita si Tim at dito na malalaman ang kanyang pangarap.
Tim: Buong buhay ko ni-isa walang nagtanong ng aking pangarap. Makita lang nila na masaya ako okay na sila.
Rachel: Hindi lang ikaw ang may problema. Lahat ng tao'y may problema at nasusulusyonan ito.
Tim: Edi tulungan mo ko magaling ka pala eh!
Rachel: Hindi kita matutulungan kung hindi ka mag open saakin. Kahit ngayon lang sabihin mo na ano ba ang pangarap mo?
Tim: Pangarap ko ay maging buo ang aking pamilya muli.Chapter 2
Bumalik sa dati ang buhay ni Tim and maayos na ulit sila ni Rachel at nagopen na si Tim sakanyang mga magulang at nagkaayos na ang lahat. Ngunit isang araw ay nawalan ng trabaho ang kanyang magulang at kinailangan nilang bumalik sa Pilipinas. Si Tim ay naging malungkot ngunit posibleng hindi na nya makita si Rachel. Hindi nila alam kung ano ang gagawin nila sa relasyon nila. Pinilit ni Tim na itigil nalang dahil sa tingin nya ay wala syang kwenta kung wala rin naman sya sa tabi ni Rachel. Nang pauwi na si Tim ay kasama nya si Rachel sa airport at yun ang unang beses na nakita ng kanyang magulang si Rachel at tsaka lang nalaman na matagal na silang magkasintahan. Nagalit ang magulang nila pero hindi rin nagtagal ay nagkaayos din dahil syempre jowa yun nalg anak nila at nagkasundo sundo sila. 2 hours before the flight ay naguusap usap sila at nabanggit ni Rachel na ang tatay nya ay isang boss sa companya ng pinagtatrabahuan ng magulang ni Tim. Nagulat sila dahil ang tatay ni Rachel pala ang boss ng magulang ni Tim. Hindi na nakiusap ang magulang ni Tim pero nagpaalam nalang sila sa isat isa. Sa tingin ni Rachel ay hindi tamang tanggalan sila ng trabaho dahil sila ay mabait. Tinawagan ni Rachel ang kanyang tatay at kinuwento ang buong storya ng pamilya ni Tim (alam ng tatay ni rachel na may boyfriend sya). Inofferan ng trabaho ng tatay ni Rachel ang magulang ni Tim muli nang magulat sya sa sagot nila. Tinanggihan ng magulang ni Tim ang alok ng tatay ni Rachel dahil sinadya pala nilang pangitan ang trabaho at gawin ang lahat para matanggalan ng trabaho upang makauwi sa Pilipinas at matupad ang pangarap ni Tim. Hindi naman alam ng magulang ni Tim na may girlfriend sya dahil kung alam nila yun ay nagdalawang isip sila. Nagpaalam na si Tim at ang kanyang pamilya kay Rachel dahil aalis na sila. Nangako si Rachel na susunod sya kay Tim pagkatapos nya magaral. Nang makauwi sila sa Pilipinas ay magpapasko na at naging masaya rin sya dahil nakasama nya rin ang kanyang pamilya sa Pilipinas muli at dahil syempre pasko na. 1 year later nang magtatapos na sya ay nagulat sya at andun ang girlfriend nya na walang sinasabi na pupunta doon at natuwa siya. Pagkatapos ng isang taon ay grumaduate naman si Rachel at pagkatapos ng limang taon ay nagkaanak na sila. Huwag na huwag mong kakalimutan ang iyong pamilya at ang mga taong tumulong sayo para makamit ang pangarap mo at ang mga taong tumulong sayo sa mga sitwasyon na kinailangan mo nang tulong dahil sila ang nagpapatunay na may pakialam sila saiyo. Wag na wag mo rin kalimutan ang iyong bansa at ang iyong mga pamilya roon kapag ikaw ay lumipat sa ibang bansa.
Chapter 3
Si Rachel ay tumira kena Tim at masaya silang pamilya. 12 years later lumipat ang buong pamilya nila at nagaral sa America ang anak nila. Ang anak nila na si Damian ay maraming problema sa pagiging asyano. Takot na takot siyang magaral sa America dahil sa tingin nya ay pagtatawanan lamang sya dahil siya ay isang asyano. Dumating ang panahon na siya ay binubully na dahil isa sya sa mga konting asyano sa kanyang paaralan. Naging malungkot sya at laging nagiisip ng masasamang bagay ukol sa pagiging asyano. Isang araw nang nasa P. E. class siya ay tinutukso sya at dumating sa panahon na pinagusapan na ang nakaraan ng paaralan at ang mga lumang varsity neto at nagulat sya na ang kanyang ama ang varsity neto at siya palang ang kinaunang asyano na naging varsity sa iskuwelahan na iyon. Umuwi si Damian ng galit sa kanyang magulang dahil hindi pinaalam ng kanyang magulang na yun pala ang paaralan nila dati. Sinabi ng magulang na sinadya nila eto para magulat at maging masaya ang anak nila pero lalo itong lumala. Lumala ito dahil sya ang anak ng unang asyano na varsity sa paaralan na yun at sya ay itinutukso lamang. Nang dumating ang panahon na family day na ay kasama nya ang kanyang magulang at kasama rin ng tumutukso sakanya ang magulang nila at nagkaroon ng away. Sinabihan nila ng masamang bagay sila Tim at Damian at Rachel ukol sa pagiging asyano at kung paanong mahirap ang Pilipinas. Sinabi ni Tim na kahit mahirap ito ay mababait ang tao dito at marespeto hindi katulad nila na sumasagot sa kanilang magulang. Tahimik ang mga nagtutukso at umalis sila. Naisip ni Damian na tama ang kanyang ama na si Tim na maraming mababait at magalang sa Pilipinas at hindi hindi nila deserve na tuksuhin lamang. Simula ng araw na iyon ay paunti unting naging masaya si Damian sa pagiging asyano. Nang pauwi sya sa kanyang bahay ay siya ay naglalakad at may nakita siyang amerikano na nanlilimos ay ibinigay nya ang natira nyang baon rito. 5 years later ang nanlimos sakanya ay naging Presidente na at habang nanonood si Damian ng Tv ay nakita nya eto at ikinuwento nya ito sakanyang magulang. Nagulat sila nang ikinuwento ng Presidente ang storya na pagbigay sakanya ng pagkain ng isang Asyano. "Not a single thing i ate when i was homeless came from a fellow American, it had to be others other than Americans." Tuwang tuwa si Tim at Rachel kay Damian dahil isa pala siya sa nagbigay ng pagkain sa Presidente habang ito ay naghihirap. Simula nun ay naging confident na sya sa pagiging Asyano dahil hindi porket hindi sya Asyano ay dapat mas masaya na sya. Ang importante ay ang ambag mo sa mundo at ang kung sino ka man.