Lise
Mga sis my lakad ba kayo?
-sent by LiseNaiinip ako. Sobrang tahimik ng lahat ngayon.
Girls, reply namam.
-sent by LiseNasaan kaya ang mga 'to? Saturday naman, bakit ayaw magreply?
Nasa office ako Lise. I have deadlines next week.
-sent by TrishaNasa India ako girl. Naghahanap ng mga tela. Ano ang gusto mong pasalubong?
-sent by KayeAruy, goodluck sa sinus mo Kaye.
Lise, I have an emergency C-Section today. 'Yong isang kabayo manganganak na.
-sent by DianneGrabe naman kayo. Weekend ngayon. Wala akong raket eh.
-sent by LiseGirl, meron akong hearing later.
-sent by Sam.Napataas ang kilay ko. Hearing?
Saturday ngayon.
-sent by Lise.
I mean meeting later. See you next week.
-sent by SamSyempre si Marie, hindi sumagot. Malamang nasa Paris pa or kung saang bansa sila nandoon ni Red. Ano naman ang gagawin kong mag-isa? Si Cheska naman, hindi totally nagpapakita. Nag-aalala kami sa isa na iyon. As in zero response lagi.
Gusto kong mag-inom habang nakikinig sa kadramahan ng buhay. Pero masakit naman panoorin si Juan Miguel, 'yong mahilig sa soft spoken poetry. Para akong sinasampal ng mga tula nya. Pero dahil sa kanya, nabuhay muli ang dugo ko sa tula at literatura. Namiss ko bigla ang magsulat. Bakit nga ba hinayaan kong mamatay ang pagmamahal ko sa tula? Dahil lang hindi uso kaya hinayaan ko? Dahil jologs tingnan kaya hinayaan ko? Dahil... ang dami kong akala. Napabuntong hininga ako. Ang dami kong pinagsisisihan. Ang dami kong binitawan pero ang isang bagay na dapat ay matagal ko ng binitawan ay hindi ko magawang pakawalan. Siguro, kaya nalulungkot ako ngayon dahil nasasayangan ako sa buhay ko. I love photography but I also love to write poems. Pero isa lang ang natira sa akin.
Hinanap ko kung saang bar tumutula si Juan Miguel para malibang ako. Oo, fan ako. Siya nga lang ang pinapanood ko sa On the Wings of Love dati. Paki ko naman kay James Reid noh! So hinanap ko nga siya. Tamang tama, meron s'yang gig ngayon sa isang bar sa Eastwood. Doon na lang ako magdadrama habang umiinom ng kape. 'Yong matapang, 'yong kayang pakinggan ang mga nasa utak ko at hindi tatakbo. 'Yong kapeng barako para gising ako magdamag habang umiiyak sa unan.
Pagdating ko sa Eastwood, hinanapan ako ng ID ng guard. Oo, alam kong maliit ako pero Lord, ID talaga? Binigay ko ang driver's license ko sa guard. Tiningnan n'ya ang ID, tapos ako, tapos tumungin ulit sa ID, tapos pinakatitigan ako. Ang lakas mang-insulto. Pukpukin kita ng takong ng sapatos ko eh.
"Manong, 25 years old na ako. Kung tapos ka na sa kakatitig mo sa'kin, p'wede na bang pumasok?" Naiiritang tanong ko. I always got that look; iyong lagi silang nagdududa kung peke ang ID ko. Oo na maliit ako. 5'2" compare sa height ni Marie. Mukha akong unano kapag katabi ko sya. Oo na, nasa level ako ng cute, hindi sa level ng maganda. Oo na, ako na ang pandak na walang love life. Masaya na kayo? Happy?
"Sorry ma'am. Sige po pasok na kayo." Inabot sa akin ng guard ang ID ko. Naiinis akong ibinalik iyon sa wallet ko. Pagpasok ko sa bar sinalubong ako ng isang waitress.
"Table for how many ma'am?" Magalang na tanong ng waitress pero dahil nainis ako sa guard at sa mga busy kong kaibigan, nakapagsungit ako ng wala sa oras.
"Isa lang. May nakikita ka bang kasama ko?"
"Errr, this way Ma'am. Sa table po malapit sa stage." Nagkakanda utal na sagot ng waitress.
Para na akong matandang dalaga sa sungit. Midlife crisis na ba ito?
I sat on a table that is good for two. At dahil wala akong kasama, itinable ko na lang ang bag ko. Siya ang pinaupo ko sa isang upuan. I ordered my snacks and listen to the person at the stage. She is there, bravely delivering a poem that is condemning the country. Her words are sharp and with wisdom. Kaso, may nakikinig ba sa kanya? Parang bingi ang government sa mga hinanaing natin sa kanila.
I clapped after she bows. She said her thanks and stepped down on the stage. Two more poets delivered their heart-wrenching poems for their loved ones and then, I saw Juan Miguel.
"Magandang gabi po," bati nya. Maraming kinikilig sa may bandang likod. Pero mas marami ang pumalakpak. Isa ako sa nakipalakpak dahil nirerespeto ko siya bilang alagad ng literatura.
"Nandito pala si Ms. Lise," bati nito. Kinawayan n'ya ako. Ngumiti naman ako. Close kami, bakit ba?
"Nakasama ko siya sa mga pictorial ng On the Wing of Love dati. Isa siya sa pinaka favorite kong photographer," sabi pa nito.
Wow lang ha Migs, 'wag mo ako bolahin. Baka hindi na ako makalabas sa bar dahil sa laki ng ulo ko.
"Anyway, hetong tula na ito ay para sa'yo. Heto ang huling tulang isusulat ko para sa'yo." And Migs took me to the day I saw Renz for the first time. And it is a bittersweet memory.
Kaya iyon, pagdating ko sa bahay, kinuha ko ang ice cream at umiiyak habang kumain. Bakit kasi? Bakit ba ayaw ko pang bitawan? Ang tagal ko ng gusto pero hindi ko pa rin magawa. Ang sakit tingnan ng mga pinaparada niyang mga babae. Kung minsan ay maaga akong pumupunta sa Country Club, only to see him going out from the hotel early in the morning with a woman. Bakit Lise? Bakit? Bakit hindi mo kayang bitawan si Renz kahit nasasaktan ka na?
13 years ago."Daddy, why do I have to be at this dinner? I want to go to Session Road with my friends, dad." I made my puppy eyes. Usually, gumagana iyon sa daddy ko pero hindi ko alam kung bakit hindi gumana ngayon.
"Hija, my friend, and his family will be here. We haven't seen each other in ages. Please do this for me," my father pleaded. Hay, minsan lang humiling si daddy kaya pinagbigyan ko na. We are not originally from Baguio, but my mom fell in love with the city, that she and dad decided to settle in here when I am still a babe.
"Sila ba ang lumipat sa kabila?" Tanong ko.
Aminin na natin, hindi mura ang property sa Baguio. So, imagine a 5-bedroom, 3 floored mansion, how much would be the cost?! Millions!!! Kaya nang mabili ang mansion na kapit-bahay namin, super excited si daddy kasi kaibigan n'ya raw ang nakabili.
"Magbihis ka na anak. Malapit na silang dumating. Tumawag na si Amigo." Excited na sabi ni daddy.
I rolled my eyes. Amigo?!!! Old school ni daddy! Sumunod naman ako. Ano naman ang isusuot ko sa dinner? Dress? Sa ganitong kaginaw na panahon?!
Kinuha ko ang favorite kong hoodie, saka ako nag-leggings. Cute.
Pagbaba ko sa dining area, naroon na sila daddy. Masayang nakikipagkwentuhan sa kaibigan n'ya. Mukha ngang matagal na silang hindi nagkita.
"Here she is, Amigo." My daddy said.
"Analise, maybe you don't remember us anymore. You've grown so well, hija," sabi ng friend ni daddy na mukhang foreigner. May sinabi pa sila pero hindi ko na narinig. Natulala na lang ako sa lalaking nasa harapan ko. Well, dalawa sila. Pero doon ako sa nakangiti natigil.
Ang ganda ng ngiti n'ya. Parang sunshine. Parang pang commercial lang.
"Lise, hija, these are my sons. Red and Renz." Pagpapakilala ni Mr. Foreigner.
So, Renz pala ang name n'ya.
Hindi ako nakakain ng gabing 'yon at mas lalong hindi ako nakatulog. Laurence Andrei Nicolas Sebastian... iyon na ang pangalan na sinusulat ko sa likuran ng notebook ko habang nagdidiscuss si ma'am.
YOU ARE READING
Stay for Me- Book Version
RomanceIf there is one thing that people notice about Renz and Lise, it is their hate for each other. They are like black and white, cat and dog, true or false, north and south. They are the opposite of one another. But deep inside of them, there is an unf...