Hindi ka babae lang. Babae ka!

12 0 0
                                    

Ako si Philine Lucena, isang babaeng mayroong hangaring maging isang lider sa aming bayan. Napaka rami nang nangyayaring hindi kanais-nais sa aming bayan gaya ng nakawan, patayan, panghoholdap, at iba pa magmula nang mamatay ang aming napaka husay at kagalang-galang na kapitan ng aming bayan na si Kapitan Emilita Laureo. Kahit na napaka husay na lider ng aming kapitan, siya pa rin ay hinuhusgahan ng maraming tao dahil sa kaniyang kasarian. Maraming nagsasabi na marahil siya ay babae siya ay isang mahinang nilalang. Nang mamatay si Kapitan Laureo, siya'y pansamantalang pinalitan ng kaniyang kanang kamay na si Ginoong Jose Dela Verde, sapagkat hindi pa pupuwedeng mapalitan ng permanente si Gng. Laureo sapagkat sa isang buwan na lamang ay magkakaroon na nang eleksiyon.

Bata pa lamang ako, ako'y mulat na sa mga pangyayaring hindi kanais-nais sa industriya ng politika. Gaya na lamang nang pangkokorap, pagnanakaw sa kaban ng bayan, pagbibigay ng pera o kapalit kapag mayroong eleksiyon, at marami pang iba na ginagawa ng iba't ibang lider ng bayan. Nakalulungkot na pangyayari, ngunit hindi ako tumigil sa pagiging malungkot lamang. Ang lungkot na ito ay ginawa kong motibasyon upang matulungan ang aking bayan na umunlad at magkaroon ng hustisya sa mga pangyayaring nagagawa ng ibang lider ng bayan sa aming bayan.

Napagpasiyahan ko na tumakbo ngayong darating na eleksiyon upang matupad ang aking pangarap para sa bayan. Maraming nanghuhusga, maraming nangungutsa, maraming naninira, ngunit marami ring nagtitiwala. Lahat ng ito'y ginawa kong motibasyon at inspirasyon lalong lalo na ang aking idolo na si Kap. Emilita Laureo kaya naman gagawin ko lahat ng aking makakaya at patutunayan na kaya kong dalhin ang aking mga nasasakupan patungo sa tamang landas.

Dumating na ang araw ng eleksyon. Nang makita ko ang aking mga katunggali, aking napagtantong ako lamang ang nag-iisang kababaihan ang naglakas loob na tumakbo bilang isang lider ng aming bayan. Karamihan kasi ng kababaihan dito sa amin ay takot tumakbo bilang isang lider sapagkat walang bilib ang mga tao sa kakayahan ng mga kababaihan.  "Anong nakain mo at nag karoon ka pa nang lakas ng loob na tumakbo rito?" tanong sa akin ni G. Dela Verde, ang kanang kamay ni Kapitan Emilita Laureo. "Ako po ay naririto upang wakasan ang pang-aalipusta ng mga masasamang lider sa lipunan." ani ko. "Kahanga-hanga!" Sarkastikong pag sagot ni G. Dela Verde habang natatawa. Ako'y napapaisip sa mga salitang sinabi sa akin ni G. Dela Verde. Ako'y nawalan ng kompiyansa sa sarili at naisip na siguro nga'y hindi ko kaya at ako'y hindi karapat dapat na maging lider. Ngunit maya-maya'y biglang mayroong boses na bumulong sakin, "Bilib ako sa iyo!" ani sa akin ni G. Armando Laureo, ang napaka buting anak ni Kap. Emilita. "Bilib ako sa iyong determinasyon upang maging isang lider, ikaw ay nagpapaala sa aking ina na determinadong mapaayos ang ating bayan." dagdag pa niya. "Salamat po sa inyo, G. Armando. Ngunit sa ngayon po ay parang ayaw ko nang tumakbo upang maging lider sapagkat ako ay babae lamang na siguro nga'y mahina at walang maiaambag sa lipunan." malungkot kong sagot. Tinignan niya ako at tinapik sa aking mga balikat at sinabing "Alam kong kaya mo ito at kakayanin pa. Huwag mong husgahan agad ang iyong sariling kakayahan. Iyong subukan upang iyong malaman. At HINDI KA BABAE LANG. BABAE KA!". Sa mga salitang binitawan ni G. Armando ay ako'y biglang nabuhayan at ito nga'y nagbigay motibasyon sa akin upang tuparin ang aking nais para sa akin bayan. At sinisiguro kong kaming mga kababihan ay mayroong ambag sa lipunan at kami ay may kakayahan at karapatan sa mundong ito. 

Matapos ang eleksyon, ako ay nagwagi! Ako ay nagkaroon ng mga proyekto laban sa mga masasamang gawain sa aming bayan at nagkaroon ng maayos na sirkulasyon ng pera sa aming bayan at walang korapsyon. At aking napatunayan sa mga tao na hindi nababase ang kalakasan at kakayahan ng tao base sa kasarian nito. Ito ay nababase sa determinasyon, disiplina at kabutihan ng bawat mamamayan sa ating bayan. Sa pagtatapos ng aking talumpati "... at para sa mga kababaihang nila-lang lamang ng mga kalalakihan, humayo kayo at patunayan sa mga taong walang bilib sa inyo na kayo ay tunay na mas malakas sa kanila, mayroong kakayahan at mabuting puso na inyong ambag sa ating bayan. At lagi nga ninyong tatandaan na hindi ka babae lang. Babae ka!".

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hindi ka babae lang. Babae ka.Where stories live. Discover now