"Importante kung importante"

1 0 0
                                    

Noon kung kelan hindi pa nauuso ang mga modernong bagay, mga panahon kung kelan kabayo pa ang ginagamit pang transportasyon at ispada ang ginagamit sa pakikipaglaban ay mayroong isang istorya na nabuo dahil sa isang lalake na handang ibigay ang lahat.

Ang istorya ni Cuthbert na isang sundalo noong unang panahon sa bansang pilipinas, mayroong isang kaharian na naging sikat dahil sa kanilang pagiging matapang at sa lakas nila sa pakikipagdigma ang mga sandata nila ay sibat at kalasag ang suot nila ay gawa sa bakal.

Ang imperyo ng Disrathen. Mayroon itong tatlong daang libong mga sundalo na laging handang makipagdigma madalas makipag digma ang imperyo ng disrathen sa ibang imperyo at mga kaharian. Noong umaga sa imperyo ay gumising si Cuthbert sa kanyang maliit na bahay, pagkagising nya ay pumunta sya sa labas para mag ensayo dahil gusto nya maging isang sundalo katulad ng kanyang ama para maprotektahan ang imperyo kung saan sya lumaki at nakatira, mag isa lang si Cuthbert dahil ang kanyang ama na isang sundalo ay nasawi sa isang digmaan hindi nya nakita o nakilala ang kanyang ina simula noong bata pa sya ang sabi lang ng kanyang ama ay simula nung sinilang si Cuthbert ay iniwan na sila ng kanyang ina.

Tuwing nag eensayo si Cuthbert ay laging dumadaan sa bahay niya si Lufu isa sa matalik nya na kaibigan simula bata palang minsan ay kasama ni Lufu ang kaibigan nila na si Jerold na isang sundalo sa imperyo.

Isang araw habang nag eensayo si Cuthbert ay pinatunog ang trumpeta pangdigma ng imperyo dahil mayroong dalawang daang libong sundalo ang imperyong Aexe na ngayon ay paparating sa imperyo ng Disrathen. Ang imperyo ng Aexe ay nanggaling pa sa ibang bansa na kaaway ng imperyong Disrathen.

Habang naghahanda ang dalawang daang limampung libong sundalo ng imperyong Disrathen ay naghahanda narin si Cuthbert dahil gusto niya makita kung pano makipag digma ang mga sundalo ng imperyo, si Jerold ay kasama sa digmaan, si Lufu ay nasa imperyo lang sa kanyang bahay. Pagkatapos ng ilang minuto ay umalis na ang mga sundalo ng imperyo si Cuthbert ay pasimpleng sinundan ang mga sundalo, bawal sumama ang kahit na sinong mamamayan pero si cuthbert ay mabilis at magaling magtago kaya nalagpasan nya ang mga bantay ng imperyo at hindi din sya napansin ng mga sundalo na nagmamarcha.

Habang nagmamarcha ang mga sundalo ng Disrathen ay biglang may mga sundalo ng imperyong Ishoul na nangambush sa kanila ng malapit na nila lagpasan ang bundok, habang naglalabanan ay tumulong ng pasikreto si Cuthbert, Sinaksak nya sa likod ang mga sundalo ng Ishoul na namamana sa toktok ng bundok pagkatapos ay pinulot nya ang pana ng isang sundalo ng Ishoul at pinana ang ilang mga sundalo ng Ishoul.

Pagkatapos ng ilang oras ay dumating na ang mga sundalo ng Aexe, nagulat si Cuthbert at napaisip "Bakit hindi inaatake ng Ishoul o ng Aexe ang isat-isa?!" Gulat na gulat si Cuthbert sa nakikita nya, ang mga sundalo naman ng Disrathen ay hindi natakot at kinalaban padin ang mga sundalo ng dalawang imperyo, habang nagdidigmaan ay tuloy-tuloy padin sa pakikipag laban si Cuthbert kahit na hindi sya sundalo pero kahit hindi sya sundalo nakakapatay padin sya ng mga sundalo na mas nakakapag ensayo ng ayos kesa sa kanya na nag eensayo lang sa bahay niya. Makalipas ang ilang oras ng pakikipagdigma ay malaki na ang nabawas sa mga sundalo ng Disrathen si Cuthbert ay pagod narin pero lumalaban padin dahil alam niya na kapag hindi siya tumulong at mas pinansin pa niya ang pagod nya ay siguradong baka ang imperyo ng Disrathen na isang malaking imperyong na nasa pilipanas ay bumagsak, malaki ang pagkakataon ng ibang bansa na masakop ang pilipinas ng mas madali at mas mabilis dahil walang imperyo na kasing laki at kasing tapang ng imperyong Disrathen.

Tatlumpu't tatlong libo nalang ang sundalo ng Disrathen ang bilang naman ng sundalo ng Aexe at Ishoul ay nasa isang daang libo pa, hindi na nakita ni Cuthbert si Jerold na nakatayu pa.

Bumaba si Cuthbert sa bundok at sumama sa pakikipagdigma sa baba, malapit na matalo ang mga sundalo ng Disrathen pero si Cuthbert ay buhay padin at lumalaban nagkaroon ng pagkakataon magtanong ang isang sundalo ng Disrathen at tinanong si Cuthbert "Ikaw,. Bakit ka naririto? Hindi ba dapat nasa imperyo kalang at namamahinga sa bahay mo?,.." sumagot si Cuthbert "Sumama ako dahil gusto kong maging isang sundalo." "Hindi mo dapat gustuhin na maging isang,..sundalo,..dahil ganito lang ang mangyayari sayo,. Mamatay ka ng hindi alam ng pamilya mo at pag uwi mo ay malaki ang pagkakataon na nakahiga nalang ang katawan mo,..duguan,. At walang buha..y.." pagkatapos sabihin ng sundalo ito ay nakita nalang ni Cuthbert na namatay na ang sundalo ng matamaan ng pana sa likod.

Si Cuthbert nalang ang natitira, tinamaan siya sa ilang parte niya ng katawan ng pana at ispada, hindi na niya alam ang gagawin at tumayo nalang habang hinihingal, huminto ang mga sundalo ng Aexe at Ishoul. May dumating na isang lalake at kinausap sya "ikaw, hindi ka mukang sundalo ng imperyong Disrathen? Magaling ka makipaglaban pero saang imperyo ka galing?" Sumagot si Cuthbert "isa akong mamamayan sa imperyong Disrathen dito sa pilipinas, importante para saakin ang imperyong ito kahit na hindi ako sundalo kahit na magsaka ako tutulungan ko padin ang imperyo sa lahat ng kaya ko." Napangiti ang lalake at sinabi "muka ngang importante sayo ang imperyo at bansa dahil nilakasan mo ang loob mo at lumaban kahit na hindi na kaya ng iyong katawan, mamili ka gusto mo bang maglingkod at maging sundalo sa imperyong Aexe? Pagagalingin ka namin at bibigyan ng magandang buhay o kung gusto mo tapusin na natin yang buhay mo?" Sumagot si Cuthbert sa lalaki "wala akong ibang gusto kungdi ang protektahan ang importante para saakin, wala ng iba pa." Napatawa ang lalake at sinabi "Hahaha! Magaling ka makipag laban! Pero ang pagiisip mo ay katulad ng iba! Puro nalang pag protekta! Naiinis ako sa mga katulad mong mag isip!" Pagkatapos sabihin ay sinaksak si Cuthbert at namatay. The end..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CUTHBERTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon