FilAm ako...
Di ko alam pano sisimulan tong kwento pero sige try ko ako si JASMINA,14 years old grade 9 student sa Good Shepherd Cathedral School
Nakatira dito sa Pilipinas ako ay half filipino at half african america ang tatay ko ay ang african american at ang nanay ko naman ay pilipino. Ako ay isang mahiyain na tao dahil sa nakikita nila sakin nahihiya ako sobra kasi feeling ko may mali sa personal apperance
ko at kakaiba ako sa mata ng mga tao dito sa una ang akala nila sakin englishera ako at sila nalang ay magugulat pag narinig na nila ako magsalita na katulad ko na FilAm na nagtatagalog nakakatuwa rin na marinig nila ako na ako ay nagtatagalog at sa parehong oras tuwing nakikita nila ako ay ang naririnig ko lagi "negra" ang sakit lang kasi pakinggan na dahil ganito lang ang nakikita nila sakin ay tinatawag na nila ako ng ganon pero ako ay nasasanay na at binabalewala nalang ang mga iyon ang importante saken ay wag nalang pakialam. Ang nagustuhan ko naman dito sa Philippines ay ang kanilang Filipino Foods ang paborito ko ay ang Adobong Baboy at ang Sinigang (kahit ano) pareho namin paborto ng tatay ko ang mga Filipino Foods na ito lalo na ang prutas nila na Mangga tuwing uuwi ang tatay ko dito ay yun lagi ang hinahanap niya nadiskubre niya ito sa Davao nung kami ay nagbakasyon kami roon hanggang ngayon hinahanap parin ito ni daddy kahit siya ay nasa ibang bansa. Tinuturuan ko rin ang tatay ko na magtagalog nagsisimula kami sa madali muna siya naman ay natututo na kahit konti pa lamang pero nakakatuwa kasi kaya niya at minsan pag ako ay naiinis or nagtatampo sakaniya tinatagalog ko siya at siya naman ay magagalit at itatanong kung ako ang kahulugan ng mga sinabi ko sakaniya. Naranasan ko rin ang mga palaro nung dito sa Pilipinas at masaya parin ito laruin kahit bata o matanda ka na. Masaya ako na natuto ako magtagalog at madiskurbe ang kultura dito sa Pilipinas at ako ay masaya na ako ay mag dugong Pilipino at naranasan ang mga ito.