Sa bansang Estados Unidos ay may dalawang magkasintahang nag-aaral sa isang unibersidad sa Amerika. Si Melchor ay isang Pilipinong lumipad sa Estados Unidos upang ipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral roon, siya naman ay nag-aaral ng abogado dahil gusto niyang tumulong sa mga taong humihingi ng hustisya, siya'y lumaking mahirap at nakatira sa Maynila sa Pilipinas, bata pa lamang si Melchor ay nakitaan na siya ng sipag sa pag-aaral, dahil sa kahirapan ay marami siyang pinasukang iba't-ibang trabaho gaya na lamang ng dyanitor, kasambahay at marami pang iba, kasalukuyan rin siyang nagtatrabaho sa isang coffee shop na kung saan siya'y naghuhugas ng mga pinangkainan.
Isang gabi habang siya'y naglilinis sa loob ng coffee shop ay nakita niya ang isang dalagang magdamag na nag-aaral sa loob ng café at tila ito'y umiiyak.
"May problema po yata kayo binibini?," tanong ni Melchor sa dalaga.
"Ang hirap po kase ng aming proyekto, hindi ko po maintindihan," umiiyak na sagot ng dalaga.
"Maaari ko po ba kayong tulungan sa iyong proyekto," naiilang na sagot ni Melchor.
"Ayos lang po ba sa inyo?nakakahiya naman po sa inyo pero maraming salamat po," wika ng dalaga.
"Ano po ang iyong pangalan binibini?tanong ni Melchor.
" Ako po si Karen, nag-aaral po ako sa kolehiyo ng medisina."Si Karen ay isang Amerikana na kasalukuyan ring nag-aaral sa isang unibersidad ng medisina, pangarap niyang makatulong sa taong may mga karamdaman at sa mga taong may edad na't mahina na. Siya'y lumaki sa Texas sa Amerika at may angking kagandahan kaya naman maraming mga kalalakihang humahanga sa kanya.
Lumipas ang isang taon si Karen at Melchor ay napamahal na sa isa't isa, sila'y naging magkasintahan at patuloy na nag-aaral sa kolehiyo dahil ilang taon na lamang ay sila'y makakapagtapos na. Masaya silang nagsasama at patuloy na inaabot ang kanilang mga pangarap sa buhay.
"Napakasipag naman ng lalaking ito!ano bang nakain mo't ganado kang mag-aral?," natutuwang tanong ni Karen.
"May babae kasing inspirasyon ko at siya ang tanging dahilan kung bakit ako ganito kasaya," wika ni Melchor
"Ito naman!HAHAHA," natatawang sagot ni Karen.
"Maari mo ba akong kuwentuhan ukol sa iyong buhay sa Pinas?" udyok ni Karen.
"O sige, ipagkukuwentuhan kita ng aking naging buhay sa bansang Pilipinas."
"Sanggol pa lamang ako nung ako'y iniwan ng aking mga magulang," patuloy ni Melchor
"Iniwan raw ako ng aking mga magulang sa isang bangketa, nang dahil sa mabuting may kapal ay may isang taong nakakita sa akin sa bangketa. Siya si Sister Marivic, kinupkop niya ako sa isang bahay ampunan sa Maynila, napakabait at mapagmahal siya kaya naman tinuri ko na rin siya bilang isang ina.
"Linggo-linggo ay nagsisimba kami at lagi niyang sinasabi sa akin na lagi akong magdasal sa nakatataas, tinuturuan nya rin akong magdasal pabago kumain at matulog."
"Nung ako'y binatilyo na, madalas ko nang isinusuway lahat ng payo ni Sister Marivic. Isang gabi, nakikiusap sa akin si Sister Marivic na tulungan ko siya sa paglilinis ng aming tulugan ngunit hindi ko siya sinunod. Kinabukasan sa araw ng aming pagsusulit, nung aking nakita ang naging resulta ng aming pagsusulit ay tila ako ang nakakuha ng may pinakamababang marka sa buong klase. Kaya naman hindi ko napigilan ang aking luha nang ako'y umuwi sa bahay ampunan. Tila nagtanim ako ng sama ng loob kay Sister Marivic at siya ang aking sinisisi kung bakit ako bumagsak hanggang sa hindi ko na namalayan ang sarili ko na nakapagbitaw na ako ng mga salitang ikasasakit sa damdamin, kaya naman si Sister Marivic ay hindi napigilang maluha at ako naman ay nagsisisi sa aking mga nagawang mali."
" Isang araw nung araw ng aking uwian sa eskwelahan," patuloy ni Melchor.
" Nagkakagulo ang mga tao sa labas ng aking paaralan at tila sila'y may aksidenteng nangyari at pinagmamasdan nila ito. Nang ako'y lumapit sa mga tao ay hinding-hindi ko inaasahan na si Sister Marivic ang nabiktima ng isang aksidente, agad akong lumapit at hindi napigilang bumuhos ang aking mga luha. "
"Sinabi sa akin ni Sister Marivic na pagbutihin ko ang aking pag-aaral upang maiahon ko ang aking sarili sa hirap, aking subukan na hanapin raw ang aking mga tunay na magulang hanggang sa siya ay nawalan na ng hininga.
" Punong-puno ang aking paghihinagpis sa pagkapanaw ni Sister Marivic, doon ko naintindihan ang kahalagahan ng lahat ng aral at payo na ibinibigay niya sa akin. Magmula ngayon ay pinagsisisihan ko ng lubos ang lahat ng aking mga pagkakamaling nagawa kay Sister Marivic."
"Ikinalulungkot ko ang iyong naging buhay sa bansang Pilipinas," wika ni Karen.
"Doon ko nalamang na sa huli ang pagsisi," emosyonal na pagbigkas ni Melchor.
"Hindi pa huli ang lahat Melchor, dapat mo nang tanggalin sa iyong mga isipan ang lahat ng masasamang alaala mo sa iyong buhay. Malamang ay proud na proud sa'yo ngayon si Sister Marivic dahil unti-unti mo nang naiaabot ang iyong mga pangarap sa buhay." Payo ni Karen.Hanggang dito na lamang at abangan ang susunod na kabanata - Tyrese Raphael M. Madrid
BINABASA MO ANG
ANG GUGMA UG KAPAITAN SA KAGAHAPON
Short Story"Tunghayan natin ang istorya ni Melchor sa kabila ng kanyang mapait na nakaraan at hanggang sa nakilala niya ang taong magmamahal sa kaniya ng lubos na si Karen. "