Prologue

3.1K 52 1
                                    

"Ella Mae!!" Sigaw ni Jem sa malayo habang tumatakbo palapit sa akin, halatang excited sa sasabihin. Dear Lord, what does she want to say this time?

Rolling my eyes inwardly, I faced Jem, ang bestfriend ko since kinder. "Ano na naman yan, Jemimah?"

Hingal na tumigil si Jem sa harap ko habang ang dalawang kamay ay nakahawak sa magkabilang tuhod na tila ba siya ay hinabol ng aso. She raised her right hand as if she's telling me to wait. I crossed my arms and looked at my wrist watch until she was able to regain her breath. Tumayo siya nang tuwid at hinila ako sa malapit na bench kung saan kami umupo parehas.

She grinned from ear to ear bago nagsimulang magsalita. "Bati na kami. He sent me a flower to say sorry." Iwinagayway niya pa sa harap ko ang isang rose na natanggap niya sa boyfriend niya.

"And why exactly are you happy?" I bluntly asked, raising an eyebrow. "Hindi mo ba ako narinig, Ella? He apologized. Nag-iwan siya ng flower sa desk ko." She said as if it's the best thing a guy could ever do to his girlfriend.

"Jem, I hate to break it to you, but a guy who made you cry countless of times already doesn't deserve forgiveness after sending a single flower." I pat her shoulder twice, silently wishing she finally wakes up from her delusions that that guy truly loves her.

Jem frowned upon hearing what I said pero agad din itong bumawi."Ang bitter mo, 'no? Hindi mo pa lang nahahanap katapat mo, Ella. Pero soon, pag nakita mo na yun, you'll understand why I'm like this." dumila ito nang parang bata bago tumayo at umangkla sa braso ko, leading the way to our next class with a huge smile on her face.

Nasa kalagitnaan ng pagtuturo si Mrs. Perez nang may kumatok sa pintuan kung saan nabaling ang atensyon naming lahat. "Good morning, ma'am. May I please excuse Miss Ella Mae Amat? The principal wishes to speak with her." nakangiting saad ni Abby, isa sa mga senior senator ng student council. Inilipat ko naman ang tingin ko sa aming guro na agad ding nagsalita. "Miss Amat, you are excused."

Nagpatuloy siya sa pagtuturo habang inilalagay ko sa bag ang isang notebook at ballpen na nakapatong sa aking lamesa. Kinuha ko lamang ang cellphone ko bago tumayo at nagtungo sa pintuan kung saan naghihintay si Abby. Hindi naman big deal ang pagdadala ng gadgets sa school na 'to kahit kami ay high school pa lamang sapagkat alam ng mga nakatataas na mahalaga ito for communication.

Nang makalabas ako ay nagsimula na kami ni Abby tunguhin ang conference room. "Ano raw meron?" pagsisimula ko ng usapan.

"Hmm, hindi ako sigurado e. Sabi lang ni President sakin ipatawag ka raw sabi ng principal. Alam mo namang isa ka sa mga pinagkakatiwalaan ni ma'am. Baka may favor na naman yun sa'yo." pagngiti pa ni Abby.

Siguro nga. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa room. Binuksan ni Abby ang pintuan kung saan naroon ang buong student council kasama si ma'am. "Miss Amat, you're here. Have a seat, have a seat." pagsenyas pa niya sa upuan opposite of hers. Umupo si Abby sa tabi ng ibang student council habang ako ay nakaupo sa kabilang dulo. Occuppied na ang lahat ng upuan maliban sa isa. Siguro ay kumpleto na sapagkat nagsimula na si ma'am magsalita.

"Okay, simulan na natin ang ating agenda for today." Nakinig ako nang mabuti sa sinasabi ni ma'am ngunit hindi ko maintindihan kung anong kinalaman ko sa lahat ng sinabi niya. Hindi naman ako part ng student council pero bakit kasama ako sa meeting ng activities na pinapaapprove nila? Nevertheless, nakinig pa rin ako. Besides, yung pagiging attentive naman talaga ang isa sa strengths ko.

"Yes ma'am, we already have the funds for these activities." saad ni Gia, ang president ng student council. Tumango naman si ma'am. May sasabihin sana siya ulit nang biglang bumukas ang pintuan ng conference room.

A short haired girl entered the room and went straight to the unoccuppied seat adjacent to mine. Ni ha, ni ho, wala siyang binanggit. Umupo lang siya without even paying respect to the principal. Naka-uniform din siya katulad namin but how come I've never seen her before? She's pretty, I must admit pero parang walang modo.

Tumingin ang lahat ng nasa loob ng kwarto sa kanya. "What?" mataray na sabi nito.

Napangiti na lamang ang principal sa inasal ng estudyante. Tatayo na sana si Gia as a responsible leader nang pigilan siya ni ma'am. "It's okay, Ms. Muse." tumango na lamang si Gia habang ang noo ay nakakunot pa rin.

"Moving on to our next agenda, let me introduce to you Gabrielle Skribikin. You can call her Gabb. She's 17. Kakatransfer niya lang dito kaya wag kayong magtaka if you haven't seen her before. She will be in Miss Amat's class from now on."

Nagulat naman ang lahat sa sinabi ni ma'am. That explains kung bakit ako pinatawag dito. "With all due respect ma'am, but did you evaluate her knowledge first before coming up with this decision? If I'm not mistaken, I heard you say she's 17 which means my classmates and I are 2 years ahead of her."

Gabb rolled her eyes inwardly bago nagsuksok ng dalawang earphones sa magkabilang tenga, halatang hindi interesado kahit siya ang pinag-uusapan.

"Yes miss Amat, she just came home from Australia kaya ang mga napag-aralan niya doon bilang grade 10 ay halos kaparehas lamang ng curriculum ng senior high school dito sa atin. I know you're worried that she might not be able to catch up with you guys considering na nasa star section kayo, but that's exactly the reason why I called you here." pagngiti pa ni ma'am habang ang mga kamay ay magkadikit na nakapatong sa lamesa.

"Does that mean--"

"Yes, miss Amat. I will leave miss Skribikin under your care. Ikaw na ang bahala sakanya. Malaki ang tiwala ko sayo for you are constantly the topnotcher in your class. You will be returning here twice a month to report to me about her progress." I mentally facepalmed nang matapos si ma'am magsalita. Under my care? Kailan pa ako naging si Baymax? Ugh.

Tumingin ako kay Gabb at nakita siyang naglalaro sa cellphone habang nakikinig pa rin ng music. I sighed knowing I can't escape this misfortune lalo't galing pa mismo sa principal. "Copy, ma'am."

"Any questions?" pagtatanong ni ma'am sa aming lahat. Everyone shook their heads as a response. "Alright, you are dismissed."

Nang magtayuan ang lahat, tumigil na si Gabb sa ginagawa at akmang lalabas na. "Miss Amat, miss Muse, and miss Skribikin, please stay." napatigil si Gia sa pag-aayos ng gamit at nakinig sa sunod na sasabihin ni ma'am.

"Miss Amat and miss Muse, please show miss Skribikin around. I readied your excuse slips for today, iaabot ko nalang sa mga professor niyo. Makakacatch up naman kayo sa klase so please take time to introduce the school to Gabb." nagkatinginan kami ni Gia at sabay na tumango kay ma'am. Si Gabb? Ayun, poker face until now, looking bored as hell.

Hay, Lord, this is definitely going to be one hell of a challenge.

Always (MNL48 Uniphant x Giaphant) [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now