9pm
"Babe, akina yang bag mo. Bat ngayon ka lang? Diba 7pm lang labas mo? Kanina pa ko naghihintay dito nag-alalala ako sayo"
"Bat ba kasi nandito ka? Sabi ko wag mo na ko hintayin diba? Umuwi kana Kyle, kakain pa kami sa mall nila Josh. Sige na. Titxt nalang kita."
"P-pero..
"umuwi kana, titxt nalang kita sabi."
"Sige"
Ako si Kyle isang HRM student may girlfriend ako, Si Jane. Yung kausap ko kanina. Napapansin kong napapadalas ang pag-init ng ulo niya. siguro dahil naiistress lang yun. magpafinal exam na kasi madami silang nirarush na project at requirements.
Actually Monthsary nga namin ngayon pero mukhang nakalimutan niya, sa sobrang dami niya lang siguro iniisip.
*1 message receive*From: babe <3
dito na ko sa bahay, tulog na ko nyt.
To: babe <3
sige babe pahinga kana. Happy monthsary pala. Didate sana kita kanina.Message sent
*1 message receive*
From: babe <3
Ge nxtime nalang.
To: babe <3cge babe madami pa namang next time diba? tulog kana iloveyou :*
Message Sent
*1 message receive*
From: babe
Ge nyt.
Walang i love you too
Baka nakatulog na yun, d na nagawa mag i love you too kawawa naman ung babe ko :( gusto ko man siyang tulungan, madami din akong tinatapos na requirements haayy :(
Kinabukasan..
Andito ako ngayon sa mall,bumili ako ng pangregalo sa babe ko, next week kasi birthday na niya.Grabe kapagod ko nalibot ko kasi tong buong MOA, naghanap ako ng regalong the best para sa babe ko, tiyaka magugustuhan niya to.
teka nagugutom na ko, san kaya ako kakain? hmm.. alam ko na! sa mcdo nalang.Nung nasa pinto nako ng mcdo biglang nawala yung gutom ko, dahil sa nakita ko.
Ringg..."H-Hello babe, nasan ka?"
"Andito sa bahay, bakit? "
"Ahh ganun ba? Punta ako diyan"
"a-eh andito si daddy, hindi pede."
"sige bye"
Nasa bhay nila si Jane. Hindi sya tong babaeng kaholding hands ni Josh, hindi si jane tong sinusubuan ng icecream ng lalaking yon.Kahawig niya lang yung babae,
kaheight,
kaboses,
kaporma,
kangiti,
kapangalan.
Lahat yun nagkataon lang. Hindi si Jane yun..
Hindi manloloko yung girlfriend ko. Ako lang mahal niya.lumapit ako sa lamesa nila, nakita ko yung pagkabigla nung babaeng ka harap ko..
"Kyle..
"Jane bakit..?" hindi ko na napigilang maluha
"Kyle, break na tayo. may mahal na kong iba."
sinabi ni Jane yung mga salitang yun ng nakatingin ng diretsyo saking mga mata. ang sakit. ang sakit, sakit marinig yung mga katagang yun na manggaling sa pinaka mamahal kong tao..
THE END.
Tnx for reading :) :)