Chapter 7

35 7 0
                                    

I woke up with me feeling so cold.

Binalot ko ang aking sarili ng kumot at liningon ang taong pumasok sa aking kuwarto.

"N-Nathan?"

He looked at me using his usual serious reaction.

Dahan-dahan itong naglakad papunta sa akin habang dala ang isang palanggana at bimpo.

Umupo ito sa aking tabi at pinunasana ng aking kamay at braso gamit ang dalang bimpo.

Sinundan ko lang ito ng tingin habang tahimik nito akong pinagmamasdan.

"Iuuwi na kita."

Nanlaki ang aking mga mata.

Mariin akong umiling at umiwas sa kan'ya.

"No!"

Pinanlakihan ako nito ng mata.

"Listen to me. I know what's the best for you so please. Layuan mo muna si Crucian at Levi. They both bring danger in your life-"

"Pero Nathan-"

Hindi niya ako pinansin bagkus ay nagpatuloy lamang ito sa ginagawa.

I pouted.

"Besides, I missed being with you. Simula nang dumating sila sa buhay mo ay parang inagaw ka na nila sa akin. Wala na akong bestfriend."

My lips rose for a genuine smile.

"Hindi naman ako nawala sa 'yo. Kalma, ako lang 'to."

He rolled his eyes at me.

"Sira."

As I continue staring at him, hindi ko maiwasang punain ang pisikal nitong anyo.

Wala pa rin itong pinagbago simula nang huli kaming magkita.

Makisig at gwapo pa rin ito. 'Yon nga lang ay mas naging mature ito kumpara noon.

"Hindi ka na galit sa akin?"

Out of nowhere, I asked.

Nilingon niya ako saka pinisil ang tungki ng aking ilong.

"Hindi ko kayang magalit nang matagal sa 'yo. I love you, you know that."

I looked away.

It's awkward.

Hindi ako sanay na ganito siya.

"Uhm, kumusta ka na?"

I awkwardly asked him.

Inayos nito ang comforter at saka umupo sa harap ko.

"I'm doing good. Maayos na ang buhay ko. Ikaw nalang ang kulang."

Ngumuso ako.

"I'm sorry."

For a moment, he stared at me.

"You look broken."

"I hate to see you in this way."

I smirked.

"And I hate you to see me in this way."

Ginulo niya ang buhok ko at pabiro akong niyakap.

"You want us to follow him?"

"Hm?"

I innocently looked at him.

He chuckled because of my reaction.

"I know that you miss him. I know that you're still into him. Ayaw ko namang masayang ang pagpaparaya ko. You should both end up together."

I rolled my eyes at Nathan.

"Sa 'yo pa talaga nanggaling 'yan ah."

"Silly. Really? you don't want us to follow him in Canada? Tapos gagawa ka ng eksena na 'Itigil ang kasal!' "

Natawa ako sa sinabi niya at gan'on din siya.

I don't know, I always feel comfortable when I am with him.

I feel lucky having this man in front of me.

"Huwag na. Ayaw kong maghabol ng taong umalis na. Dahil una palang, kung gusto niyang manatili, hindi niya ako iiwan."

---

2 years later...

"Nathan, ano ba! Bangon na! Mahuhuli na tayo sa misa!"

Pinalo-palo ko ito ng unan ngunit para itong tulog mantika.

"Hmm? Maaga pa."

Sa inis ko ay sinampal ko ito.

Bigla nitong iminulat ang kan'yang mata at sinamaan ako ng tingin.

"Ah-Oh- AAHHHHHHH!"

Napatili ako nang hilahin niya ako at kilitiin.

I tried to fight against him but damn-this is one of my weakness.

After that tiring fight, I pushed him away.

"You're so bad!"

I pouted.

Kinurot nito ang pisngi ko at hinalikan ang noo ko.

Inayos ko naman ang aking sarili.

"Blessed Sunday, my Princess."

---

Inilibot ko ang aking mata upang humanap ng mauupuan sa loob ng simbahan dahil punuan ng tao.

Ito ang unang araw ng simbang gabi kaya naman ay nagsisidagsaan ang mga tao sa simbahan para sa misa.

Nathan held my hand and pulled me in front of the altar.

I mean sa pinakaharap na upuan sa simbahan, 'yong malapit sa altar.

I looked at him.

"Bakit dito tayo sa harap?"

He raised his eyebrow.

"Para hindi ka matulog sa homily."

Sinamaan ko ito ng tingin habang pinagtatawanan niya ako.

"Wala ka talagang kasing-sama. Hindi naman ako natutulog sa misa e."

"Who says not?"

I rolled my eyes.

"Whatever."

Nang marinig na namin ang bell mula sa entrance ng simbahan at nagsisimula na ang procession para sa entrance ay nagsitayuan na ang lahat.

The serene music of the euphonious sound in this church gave me a goosebumps.

Habang naglalakad ang mga sakristan ay pinapanood namin ang mga ito.

Lumingon ako sa altar upang pagmasdan ang sagradong tabernakulo.

As I looked back in the altar servers, I laid my eyes in a familiar face.

Napalunok ako nang magtama ang aming mga mata.

Nag-iwas ito ng tingin sa akin at inalalayan ang pari sa tabi niya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang pinakikiramdaman ko ang sarili ko.

Lihim kong kinurot ang aking sarili dahil baka nananaginip lang ako.

"A-Aray."

Damn, I'm not dreaming

Hindi ako nagkakamali.

I-Isa na s-siyang seminarista.

"D-Damn it, C-Crucian."

Tell Me Who I'll Marry Where stories live. Discover now