Annyeong! First horror story ko. Hihihi. Please do support me guys. =) Visit my profile for other stories. Check it out guys! Lalo na ang Sex Doesn't Matter. Girl-girl relationship yun ganun. :)))
Vote, comment and be a fan :D
-------------------------- --------------------------- ------------------------ -------------------------
2am na ng makarating ako sa subdivision namin. Walang katao-tao dahil nga madaling araw pa lang. Sumakay ako sa tricycle. May kalayuan din naman kasi ang bahay namin eh. Pagod na ako at hindi ko na kaya maglakad. Medyo papasok pa yun. Pagod ako sa mahigit siyam oras na byahe. Galing pa kasi ako sa probinsya namin.
Ako nga pala si Rye. Kakauwi ko lang galing Davao. Jetlag pa nga. Pumasok na ako sa subdivision at sumakay. Mabuti na lang at may mga nakaparada pa ding mga tricycle dito kahit ganitong oras na.
"Manong sa 23rd St. po." sabay sakay sa pamapasaherong sasakyan ni manong.
"Duon ho ba kayo nakatira Miss? Akala ko eh wala ng pinapatira roon.." sabi niya habang pinapaandar ang tricycle. Madilim ang paligid, tatlo lang silang nakaparada at buti na lang ay anjan sila. Akala ko talaga eh maglalakad pa ako.
"Hehe. Wala rin po kasing ibang titirhan eh. Kasama ko doon ang pamilya ko.." sambit ko at nag umpisa na siyang umandar.
Malamig ang paligid. Ramdam ko na rin ang malamig na simoy ng hangin dahil na rin siguro sa papalapit na pasko. Ika nga eh, malamig talaga pag ber month.
Ibinaba ako ni manong sa harap ng isang malaking building. Oo. Sa loob ng subdivision na ito ay mayroong building na mukhang abandonado na. Dito kami nakatira. Marami ang takot sa building na ito. Mura nga ang paupahan ngunit kakaunti lang ang tao. Sabi nila eh dating ospital daw ito, kaya naman hindi maiiiwasan ang mga kuro kuro o kaya mga ghost stories.
Ibinigay ko kay manong ang bente pesos ko..
"Wala ka bang barya Miss?"
"Wala ho eh. Sige na po. Okay lang." ngumiti ako at ngumiti rin siya. Tumingala ako sa 3rd floor. Dun kasi ang nagsisilbing room namin eh.
Nakita ko na may naka dungaw.. parang kapatid ko na si Ric-Ric.
"Ricc!!!" sigaw ko.. "Ric bumaba ka jan! Baka mahulog ka!"
Mabilis naman na nawala si Ric. Malamang ay natakot yun sken. Ganitong oras na at gising pa sya? Siguro ay alam niyang uuwi na ako. Pero ang labis kong ikinakabahala eh,
bakit gising pa si Ric ng pasado alas dos ng madaling araw?
---
Umakyat ako sa 3rd floor. Nakakapanindig balahibo ang lamig. Hindi ko maiwasang tumingin sa mga bakanteng kwarto na nadadaanan ko. Hindi manlang sinarhan ng dating nakatira doon ang mga bahay na yun. Mukha tuloy mas nakakatakot. Dumiretso lang ako at tumigil sa tapat ng room 13.
**Tok**Tok**
Bakit walang nagbubukas? Hindi ba't gising naman si Ric? Hindi ba niya sinabi na andito na ang ate?
**Tok**Tok**
Wala pa din nagbubukas. Medyo kinikilabutan na ako dahil patay ang ilaw sa corridor. Tanging ilaw lamang ng phone ko ang nagbibigay liwanag. Nakakinis talaga yang si Ric. Baka nahiya na naman gisingin si Mama kaya hindi agad sinabi..
Maya-maya....
"Hay salamat naman anak at andito ka na." binuksan ni Mama ang pintuan. Mukhang naalimpungatan siya sa lakas ng pagkatok ko.
"Ang tagal mo naman Ma magbukas, gising naman si Ric ah. Bakit hindi manlang niya sinabi na andito na ako.." ibinaba ko na ang bag ko at naupo.
"Ha? Eh tulog na tulog ang kapatid mo oh.." tinignan ko si Ric na mukhang peaceful ang pagtulog.
"Eh kung ganoon po, sino ang nakita at kinawayan ko kanina?" sambit ko na lamang kay Mama.
Mukhang hindi siya makapaniwala.
"Baka yun ang batang namatay rito at nahulog sa bintana, anak."
Tila nawala ang lahat ng pagod ko noong sinabi yun sa akin ni Mama.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
True to life story po ito. Nangyari sa amin way back 9 years pa. Si daddy ang naka experience nito at ang akala niya eh ako ang nakadungaw na iyon. Hinding hindi ko talaga to malilimutan.
Hindi lamang pamilya ang nakatira sa isang bahay, maaaring mayroong nakikitira, O NAKATIRA NA.
VOTE, COMMENT, BE A FAN! NO SILENT READERS PLEASE! PRAMDAM PO KAYO =)
--
~unspokenlullaby