Prologue

3 1 0
                                    


Pano na kaya to?Saan nako nito kukuha ng Pambayad ng upa don sa apartment na inuupahan ko kung ngayon ay wala na akong trabaho? Mukhang pera panaman yong landlady don, kala mo naman kagandahan eh mas mukha pang tao ang mga paa ko kesa sa kanya, echuserang matanda yon, hmmp!Kung bakit naman kasi ako natanggal sa café restaurant. Ganda kaya ng trabaho ko don, janitor.

Kahit naman janitor lang ang posisyon ko don at maliit lang ang sahod eh atleast kahit unti-unti eh nasusuntentohan non ang aking pag-aaral at bayad sa upa. Kaya lang! May nag apply lang na medyo, oo medyo lang na kagandahan eh na etsapwera na ko. Che! Lamang lang sya sakin ng isang paligo no! Kala mo naman, hmp!

Aish! Back to the problem na, pano na ko nyan? Ilang bwan pa bago ako ga graduate sa kursong education. Mag benta nalang kaya ako ng laman? Dalawa naman ang kidney ko, dalawa rin ang tenga ko at mata, pati boobs ay dalawa rin kaya kerry na siguro kung ibenta ko ang tag isa- isa sa kanila? Kerry ko naman kung isa lang ang mata't tenga ko. Bibili nalang ako nang kapareha kapag nakapagtapos na ako--Ay ano bayan? Kung ano-ano na ang niisip ko. Kung bakit naman kasi--

"Hoy ineng! May balak kabang tumalon diyan sa tulay?"Huh? Napalingon ako sa matandang nakaharap sa akin.

Nasa tulay pala ako at nag mumuni-muni. AT HANUDAW?! Balak tumalon sa tulay? Kala nito sa akin? Suicidal? Malapit na, Oo pero hindi pa ngayon no!

"Ah hindi po lola, nagmumuni-muni lang po dito" sagot ko sa kanya.

"Aba, mukhang malaki ang problema mo ah? Ano bayan at baka makatulong ako?"Aba't mukhang may pag ka chismosa ata ang isang to ah.

Pinagmasdan ko sya, mukha syang yong mga nagbebenta sa kalsada. May dala-dala syang mga payong, mukhang nagbebenta sya ng payong. Kawawa naman, matanda na nag tatrabaho pa.

"Bakit po lola? May kilala po ba kayong drug lord na pweding kuhanan ng drugs para ibenta? Kailangan ko po kasi ng pera ngayon eh" biro ko sakanya. Hindi naman talaga ako mag bebenta ng drugs no. Sayang beauty ko kung matokhang pa ako.

"Yon ba ang hanap mo? Naka tsamba ka ineng! Meron akong drugs dito na kailangang ibenta!"

"Huh?!" Nako baka mapagkamalan pa ako ditong pusher.

"Joke lang, ito naman di mabiro" at tumawa pa talaga siya. Kita ko tuloy ang gilagid nyang walang ipin.

"Lola naman eh" "Seryoso na, meron akong pinag kaka kitaan" sabi nya sa akin. Seryoso narin sya ngayon.

"Yong mga payong nyo ba yan lola?" Sabay tingin sa dala-dala nyang mga payong.

"Hindi, hindi disguise ko lang ito. Ang totoo, nagbebenta ako ng laman. Kumpleto paba ang mga boobs mo?" Sabay tingin sa boobs ko.

"Waaahhhhh lola!, ayoko! Naisip ko narin yan pero ayoko dahil ang panget tignan!" Tinakpan ko pa ang harapan ko, mahirap na.At tumawa nanaman po sya, this time yong ngala ngala naman ang nakita ko. Ba't parang ang saya ng matandang ito? Ihulog ko nalang kaya sya tulay ng malaman nya?

"Lola naman eh!" Napapadyak pa talaga ako inis. Hugutin ko ngala ngala nito eh.

"Eto na, seryoso na talaga, pramiss" nagtaas rin sya ng kamay

"Ano ba kasi yon lola?" Napakamot na talaga ako sa ulo ko.

"May kilala akong nangangailangan ng taga luto, 50,000 ang sahod mo sa isang buwan, libre ang iyong matitirahan pati narin ang pagkain. Magaling kabang mag luto?"

Lumaki ang mga mata ko sa sinabi nya."50,000?! Tapos libre pa ang tirahan at pagkain?! At ang gagawin ko lang ay mag luto? Lola baka biro nanaman yan?" Baka ginogoyo ako nito. San kanaman makakakita ng ganon?

"Totoo nga, O ano? Payag ka?"tanong nya sa akin

"Lola mag sabi ka nga ng totoo, nag dodroga kaba?" Baka naman nag i imagine na ito sa sobrang high?

"Ay ewan ko sayo! Kung ayaw de wag!"" teka lola, syempre gusto ko. Kaya lang po, bakit ako. Eh hindi nyo nga po ako kilala?" nakaka duda, hmmmm

"Dahil ito ang kapalaran mo"

" huh?" Kapalaran? pfftttt. Ang echos naman ni lola

"O ano? gusto mo ba o hindi?"

"syempre gusto lola. San po ba yan?" Bah, baka totoo, edi naka jockpot pa ko.

"susunod din pala, ang Dani pang sinasabi" at tumalokod na sya at nag simulant mag lakad.

Sumunod na rin ako at hayaan ang lolang ito na dalhin ako kung saan man ang aking paruruonan. Wow, lalim non.



------------

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 21, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Midnight CurseWhere stories live. Discover now