Chapter 1

13 3 0
                                    

Naranasan mo na bang masabihan ng masasakit na salita galing sa mga magulang mo? it hurts right? mas masakit pa kesa iwan ka ng jowa mo!

Masakit kasi mismong magulang natin yung nagsasabi saatin na "wala kang kwenta!" "bakit ang bobo mo?  bakit hindi mo siya gayahin?" etc.

Parang mas gusto mo nalang mag kulong sa kwarto at iiyak lahat ng nararamdaman mo. Pero hindi puwede eh. kasi anak ka, kapatid ka, ate/kuya ka, ikaw yung inaasahan sa lahat eh.

Tapos masakit pa dun, yung mga sinasabi nila sayo, hindi matanggal sa isip mo. Kaya madalas, kahit anong gawin mo hindi mo maiiwasan na mag-overthink.

Nakakapagod ding lumaban mag-isa, yung hindi mo madepensahan sarili mo sa mga magulang mo, kasi kapag sumagot ka ibig sabihin wala kang respeto.

Minsan mapapa "Putangina" ka nalang talaga sa buhay na kinalalagyan mo ngayon e no?

Ganyan si Aquiel Appollo Valencia. Isang gwapo na binata. At pinapantasya ng mga babae sa kanilang eskuwela. He's living his live to the fullest. Gwapong binata, galante, maskulado at sikat. Kung baga ay na 'kay Aquiel na lahat ang gusto ng mga babae. Pero, nasasaktan siya dahil hindi kaya ng kanyang mga magulang na ipagmalaki siya.

Ginagawa ng binata ang makakaya niya sa lahat ng bagay na iniaatas saknya ng kanyang mga magulang. Pero, kahit anong gawin niya, his parents can never be proud of him.

Malayong malayo naman si Stella Artemis Cornel kay Aquiel. Si Stella  ay napakasipag, matulungin at napakabait na magandang dalaga. She always makes her Mama proud.

Her mama always appreciates her loving daughter. Tinutulungan ni Stella ang kanyang Ina na itaguyod ang kanyang dalawang nakababatang kapatid pagkatapos niyang magaral sa kolehiyo.

Pagtatagpuin sila ng tadhana upang baguhin nila ang buhay ng isa't isa.

"Putangina mo, Aquiel! Wala ka nang ginawang matino! maglalasing kapa!" Sigaw ng tatay ni Aquiel sakanya.

"Edi kung nasa akin yung atensyon niyo, hindi ako maglalasing. diba? yun lang naman hinihingi ko. Bakit hindi niyo maibigay sakin?" Sagot ni Aquiel.

Walang sinabi ang kanyang Ama at biglang sinuntok ito sa pisngi. He stumbled and held his face.

"Phinix!" Sigaw ng Ina ni Aquiel habang tinulungan niya ito tumayo.

"Hindi ikaw yung hiniling kong anak. Wala akong hiniling na lasinggerong anak, Aquiel." sumbat ng Ama niya at umakyat ito sa kanyang kwarto.

"Anak, pag-pasensyahan mo na ang Dad mo ha? stressed lang talaga siya lately." sabi ng Ina ni Aquiel habang hinahaplos ang parte kung saan siya sinuntok ng kanyang Ama.

"Sige na, Mom. pakalmahin mo muna si Dad. Baka mapano pa yun. Okay lang ako." sabi ni Aquiel sa kanyang Ina habang naka ngiti.

Hinalikan siya ng kanyang Ina sa pisngi at niyakap ng mahigpit bago ito umakyat sa kwarto nila.

He sighed. He dissappointed his father again. Pero wala na siyang pake rito. Kung ano ang gusto niyang gawin, yun ang gagawin niya.

Umakyat si Aquiel sa kanyang kwarto upang maligo. Habang nagbabanlaw, tinignan niya ang pasa niya sa pisngi na gawa ng kanyang Ama.

"A fucking dissappoinment again, Appollo." bulong niya sa sarili.

Nagbihis at nagpatuyo din ng buhok ang binata habang nanonood ng telebisyon.

Sa sobrang pagod ng binata, nakatulog ito habang naka bukas ang telebisyon.

Sinilip siya ng kanyang Ina kung tulog na ba ang binata. Nakita niyang tulog na ang binata at tinakluban niya ito ng kumot at hinalikan ito sa noo. She turned off the TV and dimmed the lights. She sat down on his bed and stared at his son.

Encountered YouWhere stories live. Discover now