Chapter 3

4 1 0
                                    

Nang matapos sila mag order sa Jollibee. Dumiretso agad sila sa bahay ng dalaga. Itinuro niya ang daan upang hindi sila maligaw.

Pagkatapos iparada sa harap ng bahay nila Stella ang sasakyan ng binata. Bumaba ito upang pagbuksan ang dalaga ng pinto.

"Salamat." sambit ni Stella.

Binuksan ni Stella ang gate nila patungo sa ka nilang silid.

Kumatok si Stella at tinawag ang kanyang Ina.

"Ma? Mama?" tawag niya sa ina, ngunit walang sumasagot.

"Adeen? Ad?" tawag niya sa pangalawang babaeng kapatid.

"Blaze?" tawag niya sa bunsong kapatid na lalaki.

Pinagbuksan sila ng pinto.

"Ate? ATE!!" bati ng dalawang nakababatang kapatid ni Stella. Niyakap nila ang panganay nilang ate ng sobrang higpit.

"San kaba galing ate? Bakit ngayon kalang po umuwi?" Tanong ng bunso niyang kapatid na si Blaze.

"Nag work kasi si ate, baby ko. Sorry ngayon lang ako naka uwi ha?" binuhat niya ang bunsong kapatid.

"Ate Art, sino po siya?" Tanong naman ni Adeen. Ang pangalawang babae na kapatid ni Stella.

"Ah, siya si Kuya Appollo." pinakilala niya ang binata sa kanyang mga kapatid.

"Appollo kadin po Kuya? Parehas po tayo ng name." sambit ni Blaze na bumungisngis pagkatapos.

Nginitian niya ang dalawang bata na parehas nakayakap kay Stella.

"Ang gwapo niya po, Ate Art. Bagay po kayo." sabi ni Adeen.

"Adeen naman." ginulo niya ang buhok ng nakababatang kapatid.

"Oh anak!! Andyan kana pala!" bati ng kanyang Ina.

Hinalikan niya ito sa pisngi at nagmano.

"Bat hindi ka pumasok? Martes ngayon anak."

"Ma, may lagnat po kasi ako. Oo nga po pala, si Aquiel po. Kaibigan ko po." ipinakilala si Aquiel sa kanyang Ina.

"Nice to meet you po, tita. Kasing ganda niyo po si Stella." nagmano siya sa ina ni Stella.

"Nako ha. Bolero ka din. Tara pasok ka." Nginitian siya ng ina ni Stella.

Akmang tatanggalin niya na ang sapatos niya nang pinigilan siya ng nanay ni Stella.

"Sige na. Huwag mo nang tanggalin yang sapatos mo 'nak." sambit ng ina niya.

"Ah, tita, para sainyo nga po pala." inabot ni Aquiel ang pagkain sa ina ni Stella.

"Hala, nagabala ka pa, Quiel. Salamat ha? Sige tuloy ka. Pasensya na kung maliit lang ang bahay namin. Apat lang kasi kami dito." kwento nito.

'So, where's her husband?' tanong niya sa isip.

"Upo ka muna." binuksan ng mama ni Stella ang electric fan at TV para makapanood sila.

Umupo ang dalawang nakababatang kapatid ni Stella sa tabi ni Aquiel.

"Hi po Kuya Appollo. Mag ka name po pala tayo." sabi ni Blaze.

"Oo nga no? What's your full name, baby boy?" nginitian niya ang bata at lumapit ito saknya.

"I'm Apollo Blaze Cornel po. I'm 5 years old po. My Eldest Ate po is si Ate Stella Artemis Cornel. She is 20 years old po. And my second Ate is so Ate Adeen Stynyx Cornel. She is 9 years old po." ngumiti ang gwapong bata.

Encountered YouWhere stories live. Discover now