Panandaliang Saya

13 6 0
                                    


Pinasok ko kahit walang kasiguraduhan
Minahal ko kahit alam kong di ako kayang ipaglaban
Sumugal ako na walang pinanghahawakan
Dahil ako'y natukso sa panandaliang saya'ng sayo ko lang naranasan

Di ako bulag, alam ko ang nangyayari
Alam ko, na ako ang kawawa sa huli
Subalit wala akong magagawa, tawagin niyo man akong tanga

Sinampal na ako ng katotohanan
Ngunit mahirap na itong takasan
Hayaan niyo ako, hayaan niyo akong sumaya
Haharapin ko ang sakit nito'y dala

Oo, ito'y panandalian lamang
Subalit di ko maiwasang masaktan
Di pwedeng ipaalam, dahil ako ri'y walang karapatan

Palagi nalang ba ganito?
Ako ba'y kuntento?
O ako ri'y nagsisisi sa desisyon kung mali

Oh kay dilim ng kalangitan
Di ko mawari ang aking nararamdaman
Buhos ng ulan, sa isip ko'y napakadaming katanungan
Kay lamig ng hangin, sarili ko'y di kayang patahanin

Ito na yun, magwawakas na't matatapos
Di ko na masisilayan
Kahit sa huli'y ako nama'y iyong hagkan
Panandaliang saya na di ko malilimutan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Panandaliang SayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon