My 3rd year Life

630 19 22
                                    

Hii ! Ako nga pala si Ericka Vannesa C. Isidro , 16 years old. 3rd year na ako sa Zxcvbnm High School. Dapat 4 th year na ako kaso may mga nangyare kaya kailangan kong tumigil. At may gusto akong isang tao dito pero 4th year na siya. Sabi nila, maganda daw ako at matalino. Pero kahit ganun pa man, hindi naman ako magugustuhan ng taong gusto ko. Sa tanang buhay ko, dalawang tao lang ang nagustuhan ko. Una, nung 2nd year ako na hanggang ngayon hindi ko pa din makalimutan at ngayon crush ko si Bryan.Si Bryan, matalino, gwapo, maputi, may chinitong mga mata, mabait pa. Kaya perfect na perfect! Kaso mas malabo pa sa tubig sa Ilog Pasig na magustuhan ako noon. 4th year siya, graduating. Magcocollege. Mas madaming girls siyang makikilala na mas hihigit sa akin. Ako na 3rd year pa lang. Sabi nila "Age doesn't matter" pero sabi nila yun. Kasi sa akin, ang mga katagang yan ay hindi babagay.

" HOYYY! Kanina pa ako dito salita ng salita di ka naman nakikinig . Nakakatampo ka na ah!" sabay pout. Aba nagpacute pa ang loka. Bestfriend ko pala yun, si Aira. Nandito kami ngayon sa court, break time kasi namin.

"Sorry naman bes! Minsan ko na lang siya makikita, gagraduate na sila remember? So, dapat sulitin na ang nalalabing araw. Haha!" Kung nagtataka kayo kung sino ang pinag uusapan namin, well, si Bryan yun. Yung sinasabi kong crush ko na 4th year.

"Haynaky bes! Sakit mo sa bangs. Kahit wala akong bangs. Payong kaibigan, tigilan mo na yang kahibangan mo. Kasi kahit anong gawin mo, hindi ka niyan mapapansin. Ikaw lang din sa huli ang masasaktan kaya ngayon pa lang tigilan muna." Kapag yung nararamdaman ko na talaga ang usapan dito, lumalabas ang pagiging over protective ni Aira. Kaya lavs na lavs ko to eh.

"Okey lang ako ano ba. Crush lang naman eh, tsaka duh! Natatandaan mo ba nung 2nd year tayo, yung lalaking transferee? Siya pa din naman. Hindi magbabago yun. Tsaka bes hindi naman ako tanga na aasa sa kanya na liligawan ako noh. Pabayaan mo na lang ako, dito ako masaya eh. I know my limitations. So, dont mind me. Im okey!" At nag power hug kame. Omygosh! Naiiyak ako. Ughh

"Err.. Im excuse me?" O TO THE M TO THE G AS IN OMG!!!!

"A-ah.. Hi! Ikaw si Ericka right?" Ohghad. How the hell did he know my name?

"A..ah.. O-oo? B.aki.t.?" Sht. Masyado akong halatang halata na kinakabahan. Aba! First time to na nilapitan niya ako at alam niya pa ang name ko!

"Uhm. Excuse lang ah. Bes, nagtext si boyfie, hinahanap na ako. So gotta go! Kaya mo yan bes! Good luck! Mwa" nagwink pa bago umalis. Loka talaga yun! Inawan ako dito na nag iisa. Huhuhu Mommy!!

"Eh hehe dont mind her. Bakit pala? Tsaka bat mo alam name ko?" Wow! Inpernes, tuloy tuloy na ang pagsasalita ko.

"Ahh. Yung ID mo kasi, nahulog mo ata tas napulot ko and madalas na kitang nakikitang nakatambay dito kasama yung kaibigan mo tuwing breaktime. So, yeah. Here!" Sabay abot ng id ko. Omg! Wala nga yung id ko sa lace ko. Sht. Pero bakit itong ID na to? Ito yung ID ko na nawawala dalawang taon na ang nakakalipas. Pero mas pinangungunahan ng isip ko yung kilig. Emegerd ibig sabihin napapatingin din siya sa akin? Wooh! Lord! Thankyou!

"Ahh! Salamat ah. Buti may nakakita nito. Award ako kay Manong Guard kapag nawala ko nanaman yung ID ko. Salamat ulit." Nagpasalamat na din ako. Itong ID na to, isa to sa mga mahahalagang bagay sa akin. Dahil dito, nakilala ko yung taong nagpapatibok talaga ng puso ko pero hindi ko na alam kung nasaan siya. Baka nagtransfer na sa ibang school.

"Wala yun. Ako nga pala si Bryan." Ngiti tapos yung kamay niya nilahad niya sa akin parang nakikipag shake hands. Odg! Lord sobra sobra na to! Inabot ko naman yung kamay niya. Ang lambot ng kamay niya omg!!

"Ah hi! I think alam mo na name ko pero para mas maayos magpapakilala ulit ako. Ako si Ericka. 3rd year" nagsheshake hands pa din kami. Tas parang awkward na, ako na ang unang bumitaw. Napakamot naman siya sa batok niya. Juice ko! Best day evuuuuh!!

My 3rd year LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon