~halos limang oras na kong nag aantay sayo, nag aabang na ko sa labas ng bahay nyo, sipat ng sipat kung sisilip ka ba sa bintana, magpakita ay parang di ata~Naalimpungatan ako sa ingay na narinig ko. Bumangon na ko sa kama at kinuha yung cp ko na nasa side table. Nag alarm lang pala.
“MARRIE!! Bumangon ka na dyan, tanghali na!” sigaw ng isa sa pinaka maingay na tao sa bahay. Kahit kailan talaga.
“Oo na ate gising na nga diba!” sigaw ko rin sa kanya. Inayos ko muna yung kama ko at pati na rin yung sarili ko saka lumabas ng kwarto.
Pagpunta ko sa kusina, nakita ko sila na naghahanda na para mag almusal. Ako na lang pala yung inaantay nila.
“O nak umupo ka na dyan para makakain ka na. Malate ka na naman sa school mo” sabi ni mama. Halatang kakagising lang dahil magulo pa yung buhok nya.
“Nako ma parang di ka na nasanay dyan kay marrie. Always late” sarkastikong sabi ni ate. Hayys kontrabida talaga sa bahay yan.
“It’s better late than absent. Atleast nakapasok pa rin” depensa ko sabay sumubo ng isang pandesal. Aga aga ako na naman target nila ah.
“Talaga lang huh? Better late pero mas better kung di mo pag aantayin yung sundo mo” nagpantig yung tainga ko sa sinabi ni ate. Sinong tinutukoy nya “Huh? Sundo?”
“Ayy nak kanina pa pala nandyan ung classmate mo. Yung jiro ata. May gagawin pa daw kayo kaya maaga ka sigurong sinundo” sabat naman ni mama. Hindi agad ako nakakilos dahil sa mga narinig ko.
Wala naman sa usapan namin na susunduin nya ko dito sa bahay. Tsaka maaga pa kaya.
“Anong gagawin nyo naman aber? At bat ganito kaaga yan magsundo sayo?” pinanlisikin ko lang ng mata si ate dahilan para matawa sya.
“Nasa sala sya?” isang tango lang ang natanggap ko kay mama kaya tumalikod na ko kaagad at naglakad na palabas ng kusina.
“I warn you” pahabol na salita ni ate pero mababakas mo yung awtoridad sa boses nya. Tss as if matatakot nya ko.
Mabilis akong pumunta ng sala para puntahan sya. Bat di ko sya napansin kanina?
Hanggang sa maabutan ko sya na nakaupo sa sofa habang nakasandal yung ulo nya at nakapikit pa.
"Anong meron? Bat ang aga mo?" deretsong sabi ko sa kanya kahit di ko alam kung tulog ba sya o gising.
Maya maya, gumalaw sya na parang naalimpungatan. Nakaupo na sya ng maayos pero pupungay pungay pa rin yung mata nya hanggang sa napatingin sya sa gawi ko.
Bigla naman syang nagulat na para bang nakakita ng mala dyosang nilalang. Masyado ba kong maganda?
"Kanina ka pa ba nandyan?" tanong nya sakin na parang wala syang muang sa mundo. Abat sya pa ang may ganang magtanong ng ganyan. Eh kung sapakin ko kaya toh.
"Wala ka bang bahay at dito ka nakikitulog? Tsaka may usapan ba tayo na susunduin mo ako ngayon? Ang aga naman ata. Ano namang gagawin natin?" sunod sunod na tanong ko sa kanya habang nakapamewang pa. Hindi ko lang maiwasan magsungit sa tukmol na to kahit maaga pa.
"Aga aga ang ingay ingay mo. Wala ka bang RMGC?" tanong nya pabalik sakin na halatang iritado pa. Ano daw? RMGC?
"RMGC? Anong kalokohang salita na naman yung sinasabi mo ha?" iritado na rin ako sa pagmumukha nitong kumag na to. Pinapalayo lang nya yung mga sinasabi nya at wala ni isa syang sinagot sa tanong ko.
"Right Manners and Good Conduct. That's GMRC. Don't you know that?" Abat sumosobra na to ah. May pa english english pang nalalaman. Mayabang talaga!
"Abat ayaw—" at bago pa man ako makapagsalita ay tumayo na sya at pinigilan nya kong magsalita gamit ang hintuturo nya.
"Maganda ka na sana kaso maingay ka lang. Dinaig mo pa yung mama ko sa kaka sermon. At mas maingay ka pa sa asawa ng kapitbahay namin kapag nagbubunganga" tuloy tuloy nyang salita habang nakaharang pa rin yung hintuturo nya sa labi ko.
Pagkatapos nyang sabihin yon ay bigla nyang inalis ung daliri nya sa tapat ng labi ko. Ang buong akala ko na hindi na sya magsasalita ay nagkamali pala ako. Bigla nyang inilapit yung mukha nya sa mukha ko saka bumulong.
"Gusto mo bang patahimikin kita? Sa paraang alam ko" bulong nya sakin saka sya tumingin saglit sa labi ko.
Bigla akong namula sa mga sinabi nya at dahil na rin sa sobrang lapit ng mukha namin kaya naitulak ko sya sa sofa. Napaupo naman sya dun pero ang loko, humagalpak lang ng tawa.
Sasapakin ko na sana sya ng may marinig akong mahinang tunog na nanggaling sa pintuan ng kusina.
"Waahhh nak send mo sakin agad para may kopya ako"
"Sige ma, send ko rin kay dada para masaya"Nakita ko sila ate na nakatayo dun habang si ate ay may hawak ng cellphone. Anong ginagawa nila dun?
"Anong ginagawa nyo dyan?" tanong ko sa kanila kaya napalingon sila sakin na halatang nagulat pa. Ano bang meron?
Nagmamadaling pumasok pabalik sa loob ng kusina si mama at sumunod naman si ate. Pero bago sya tumalikod ay ngumiti sya sakin ng nakakaloko saka sumunod kay mama.
Binalik ko naman ang tingin ko sa kumag na nasa sofa. Tumatawa pa rin sya hanggang ngayon. Inirapan ko na lang sya saka tinalikuran. Bahala sya sa buhay nya.
Ano kayang ginawa nila mama kanina?
YOU ARE READING
In Denial,Relationship?
Teen FictionA quote says, "Bestfriends are true friends, forever." A friend who's always there in good or bad times A typical friendship of boy and girl. Laging magkasama at laging masaya sa isa't. Na ang simpleng "caring" as a friend Na ang harutan "bonding"...