PART ONE OF ONE

3 1 0
                                    



"What is your biggest regret, Sir?"
tanong sakin ng barista.

hindi ako kumibo o sumagot man lang.

tinitigan ko lang ang basong hawak ko. kulay asul ang likido neto kahit titigan lang ay nakakalasing na.

inisang lagok ko ito saka napatingin sa lalaking barista.  " How much? "

ngumiti lang ito sakin.

weird.

pag pasok ko palang sa lugar na ito kanina ay ngiti ang salubonpg niya sakin.

galing ako sa libing.  libing ng dating kong nobya.  namatay siya sa isang aksidente.

ikakasal na sana siya ngunit bumangga ang sinasakyan nilang kotse.

napailing nalang ako at sinariwa ang ala ala. 

kung ako nalang sana ang pinili niya.  edi sana,  buhay siya at magkasama naming tinatanaw ang fireworks sa labas. 

bagong taon pero sinalubong ako ng kalungkutan.

" Sir? "  nakangiti parin ito sakin. " What is your biggest regret? "

" Magkano yung babayaran ko? "

nawala ang ngiti neto na nagpakaba sakin.

" Libre po ang serbisyo namin ngayo'ng araw Sir." ngumiti na naman ito.  "salubungin niyo po ang bagong taon na may ngiti. " sabay abot nito sa maliit na bote saken. may kulay lila na likido.

nagtataka man ay inabot ko parin ito.  maybe give-away?  kase new year?

"You can't drink that outside sir. "

" and why is that? "

ngiti lang ang sagot niya.

binuksan ko nalang ito at inisang lagok.  sabay tingin sakanya ng 'you-okay-now' look.

ngunit ilang sigundo lang ay nahilo na ko. 

teka. namamanhid ang katawan ko.

"Have a safe trip sir"

what the fuck is happening?

hindi ko na maigalaw ang kamay at paa ko.  napahiga na ko at nakita kong barista na nakatingin lang sakin. 

yung ngiti niya.  nakakatakot shit.

-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-

nagising ako sa isang abandunadong kwarto.

teka ito ba yung..

fuck?  ito nga.  ngunit bakit sobrang dumi na at walang tao? nagkalat rin ang mga bote. 

pinilit kong bumangon kahit medyo masakit pa ang katawan ko.

pag labas ko sa gusali ay nakita ko ang karatula neto sa taas 'cynosure' ?

yun siguro ang pangalan ng bar na to.

madaming tao sa labas maingay din.  bagong taon nga pala ngayon.

naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko. may tumatawag.

" Whos this? "

" Hoy!  lalaki wag mo kong ma-whos this whos this!  magiisang oras na kong nakatayo dito sa plaza at wala ka parin!  alam mo bang nalusaw na yung make- up ko kakaantay sayo ha? teka nasan ka ba--"

" L-Luna? "

" Oh bat parang naiiyak ka pa jan? "

" I missed you. " naluluha kong sabi.

THAUMATURGY (One Shot)  Where stories live. Discover now