BJG 1 first meet

63 1 0
                                    

YNNA's POV

"ynna sorry... please forgive me mali ang nakita mo inakit lang ako ni elisa hinde ko lang mapigilan syempre lalaki ako. babe please patawarin mo na ko"

nakaluhod siya sa harapan ko habang hawak ang dalawa kung mga kamay ko pero pilit kung inaagaw yun. for almost two years na mag ka sintahan kame di ko naisip na magagawa niya saken to.

"babe please ayokong masira tayo I love you ynna I really do. please..."

sa sobrang bigat at sakit na nararamdaman ko walang lumalabas ba salita sa bibig ko. gusto kung sampalin siya, tadyakan suntukin pero diko magawa parang namamanhid ang buong katawan ko. nawawalan ako ng pake sa sinasabe niya. ganito pala kasakit mag mahal. ibinigay mo na lahat ng oras, atensyon at tiwala mo pero mawawasak lang yun sa masakit pa na paraan.

"babe please mag salita ka naman mag usap tayo ayusi—

"jeric tama na. masakit. sobrang sakit. kitang kita ng dalawa kung mata yung ginagawa niyo mahal kita pero hinde ako tanga. ayoko na. tapusin na natin to."sa bawat salita na sinasabe ko parang pinipiga puso ko.

"ynna no!" hinawakan niya ulit ang kamay ko pero hinawi ko ulit yun. at patakbong lumabas mula sa condo niya habang umiiyak.

NAIIYAK parin ako hanggang ngayon sa tuwing inaalala ko ang last heart break-up ko. almost 1 month na pero parang kahapon lang. sariwang sariwa pa yung sakit. ganun talaga siguro pag sobrang lalim ng pag mamahal na inalagaan mo. mahirap maibsan. hinde pa naalis ang buong tinik.

pinahid ko ang luha ko at nag patuloy sa pag lalakad. enjoy ko muna tong 2weeks vacation ko dito sa korea. baka sakaling mabawasan ang bigat dito sa dibdib ko.

new place and new environment for me.

pero pansamantala lang to. walang permanente sa mundo. kaya aasa ako na lahat ng sakit na nararamdaman ko mawawala din.

binulsa ko ang dalawang kamay ko sa makapal na jacket na suot ko at pumikit para huminga ng malalim

pinag patuloy ko ang pag lalakad habang pa linga linga sa paligid binabasa lahat ng nakikita ko para di ako maligaw kahit may mapa naman sa cellphone ko.

napahinto ako ng may makita akong malaking market? mall? sa di kalayuan.

Tinagilid ko ang  ulo ko sa kanan pero diko talaga mabasa

Tinagilid ko rin sa kaliwa pero ganun talaga diko rin mabasa

"Hays nubayan ang hirap naman"

di talaga ako makabasa ng Korean language.

nag lakad nalang ako ulit ng biglang may nabangga akong matigas na bagay.

"Tang***"

"shit"

"hoy tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" sigaw ko sa kaharap ko

"tumingin ka rin sa dinadaanan mo! bwesit."

ang kapal naman ng isang to.

"alisin mo nga yang nasa mukha mo nang di ka nakakabangga para kang wanted!"

"why? anong problema mo sa suot ko?!" sigaw niya saken

"mag salamin ka nga! di na makita makapal mong pag mumukha naka hoodie kana naka mask pa tapos naka shades kapa!"

bwesit na to kalalaking tao pumapatol sa babae. mukhang killer na wanted puro black pa suot tsk.

inisang hakbang niya ang pagitan namin dalawa kaya halos mag dikit na katawan namin. yumuko siya para itapat niya mukha niya saken. lumingon siya sa paligid namin para siguro tignan kung may mga tao sa paligid namin.

kinabahan ako baka mga killer to. o rapist? wanted? hinigpitan ko ang hawak ko sa shoulder bag ko.

tumingin ulit siya saken at inalis ang suot niyang shades at mask. at ngumiti ng nakakaloko.

naamoy ko pa ang mabangong niyang hininga.

Shit baka eto mga para paraan ng mga snatcher dito sa korea aakitin ka sa mga ngite nila tapos aagawin bigla ang bag o cellphone mo tapos rarapin ka tapos papatayin ka at itatapon bangkay mo sa kung saan

"Wagggggpooo!" Sigaw ko sa sobrang taranta kaya tinakpan niya ang bibig ko.

Shit sabi ko na nga ba.

Jusme lord winasak mo na puso ko wag mo ng wasakin pag ka babae ko. Please ilayo niyo ko dito sa rapist na to pangako di nako babalik dito sa korea please poooo...

Nakita kung may ilabas siya sa bulsa ng pantalon niya cellphone

Maya maya nanlaki mata ko ng may humintong magarang sasakyan sa harapan namin tapos pilit akong pinapapasok nung lalaki.

"Thanks jin hyung" sabi ng katabi ko dun sa driver ng kotse nakita ko lang na tumango ito.

Nakahinga ako ng maluwag ng Alisin na niya kamay niya sa bibig ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Being His GirlFriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon