Chapter 1: Demians

6.3K 247 14
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Expect some mistakes when it comes to grammar and spelling.

**************************


HM FLORA'S POV

      "Flora!" isang boses ang tumawag sa pansin ko.

      Teka! Bakit parang napakapamilyar sa akin ang lugar na ito? Tama maraming taon na ang nakakalipas noong una akong nakaapak sa lugar na ito.

     Parang paraiso, napapaligiran nang sari-saring magagandang bulaklak.

     Sa di kalayuan may natatanaw akong babae, kulay ginto ang buhok nito, ang suot ay parang isang dyosa, nakasuot din ito ng isang korona na gawa sa bulaklak na kulay ginto rin.

    "Flora"  bakas sa kanyang mukha ang pagkabahala, habang naglalakad ako papunta sa kanya unti-unti ko siyang namumukhaan, unti-unti naging malinaw sa akin ang kanyang mukha.

     "Aria?" gulat kong sabi. Nanlaki ang aking mga mata nang tuloyan ko na siyang nakilala. Siya ay ang pinakamatalik kong kaibigan na si Aria.

    "Ako nga aking kaibigan." halos maluha ako sa nasasaksihan ko ngayon. Di ako makapaniwala na pagkalipas nang napakaraming taon muli kong makakaharap ang isang matalik na kaibigan.

    "Paanong nangyare ito? Labing pitong taon ka nang wala, ang akala nang lahat at patay ka na." ako.

     "Tama ka, pumanaw na ko sa mundo, pinasok ko ang panaginip mo upang magbigay nang isang babala." biglang nag iba ang ekspresyon nang kanyang mukha, kita sa mukha niya ngayon ang pangamba.

      "Anong babala? Bakit?" bigla naman akong kinabahan.

     "May panganib na malapit nang mangyare sa mundo nang mga mortal at sa mundo nang mahika." sabi niya gamit ang nag aalala niyang tono.

     "Paanong mangyayare yun? Matagal na nating nagapi ang hukbo ng mga demians. " ako.

      "Batid mong may mga Demians na nakatakas sa digmaang yun, at sa mga nakalipas na taon nagsanay sila at mas pinalaki ang kanilang bilang." bigla naman ako nakaramdam nang sobrang kaba sa sinabe niya.

     "Pero Aria kung tama man ang iyong mga sinasabe, di kakayanin nang mga bagong henerasyong mages ang lumaban lalo pa kulang sila sa kasanayan sa pakikidigma. Tanging ikaw at ang kapangyarihan mo lang ang makakapuksa sa kanila, batid mong wala na rin ang ibang guardians mo." nangangamba kong sabi.

     "Hanapin mo ang aking anak, siya ang makakatalo sa bago nilang pinuno." si Aria.

     "Anak? Ang ibig sabihin ba nito ay naisilang mo ang pinagbubuntis mong sanggol noong kasagsagan nang digmaan?" gulat na sabi ko, di ko inaasahan na makakaligtas at maiisilang niya pa ang kanyang anak.

     "Hanapin mo siya, nanganganib din ang buhay niya, pakiusap hanapin at protektahan mo ang aking anak." bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala, batid kong napakaimportante para da isang ina ang kaligtasan nang kanyan anak.

     Pagkatapos niyang sabihin yun ay nawala nalang siya bigla, kasabay nun ang paggising ko na hinahabol ang aking paghinga. Isa itong nakakabahala na pangitain.

RIO'S POV

      "Anak, mag iingat ka. Parating na sila. Mag ingat ka."

The Chosen Mage (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon