Noong Tayo Pang Dalawa

17 1 0
                                    

Pag-big niya sa'kin ay inialay
Asul na rosas ang kanyang naging tulay
Sa'king mga labi, ngiti ay sumilay
Madilim na mundo ay nabigyang kulay

Nadarama sayo'y tuluyan nang nadakip
Ngunit pag-ibig mo'y tila ba isang panaginip
Ako ay nilisan mo't walang sumagip
Luha sa mga mata'y panay ang silip

Tila pag-asa sa'kin ay pinagdamot
'Di ko mahilom ng kahit anong gamot
Ba't pipilitin ang pusong kumikirot
Kung ang nais ko lamang ay makalimot

Kay tagal na nang ako'y iyong nilisan
Nadarama man ay hindi malimutan
Ngunit huling katagang aking iiwan
Tapos na ang laro, wala nang balikan

Inside a Poet's MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon