Tumataigting na halimuyak
Sarap na sa panlasa'y tumatatak
Tila ba may tumutulak
Sambahin, kapangyarihan ng alakIngay sa paligid ay hindi alintana
Hiyaw at tawanan bilang tanda ng saya
Mga kalokohang sa barkada makikita
Ilan lamang ito sa magagandang ala-alaKung iisipin parte na lamang ito ng nakaraan
Ibang-iba sa lagay ng kasalukuyan
Kung noo'y sa problema, babae ang takbuhan
Ngayon ay tanging Diyos Ama ang kasagutanTuluyang nag-iba, ikot ng mundo
Gaya Niya na sa'kin ay nagpabago
Mula sa lasinggero'y naging kagalang-galang na ginoo
Nagpapakilala, pastor ho ninyo
BINABASA MO ANG
Inside a Poet's Mind
ŞiirWords spoken out loud from a silent girl's mind English & Tagalog Poetry