ISANG pares ng mga mata ang nakatunghay sa mga nagaganap sa mundo ng mga mortal. Kung saan unti-unting umaayon ang lahat sa dapat na naitakda DATI pa."MASAYA kana ba Grimmo na pati ang anak mo ay kailangan mong isali sa mga plano mo?"maanghang na sabi ni Cloefee.
Marahan lang siyang binalingan nito, wala ni katiting na emosyon ang mababanaag rito.
"Mahal kong Reyna alam mo namang hindi lang ito basta plano..."makahulugang sabi nito.
Kumibot-dili ang labi ni Cloefee ngunit sa huli'y nanatili na lamang itong hindi umiimik. Isang makahulugang tingin ang iniwan nito sa kanyang hari bago tuluyan itong lumabas ng silid na kinaroroonan.Kahit anong pagtutol ang gawin niya'y wala rin mangyayari. Dahil sa mundong kanilang ginagalawan iisa lamang ang masusunod.
Ang sino mang sumaway at gumawa ng maling gawa ay papatawan ng kaparusahan habang-buhay...
NANATILI lamang nakatitig sa berding kapaligiran si Eleezhia buhat sa labas.
Katulad ng dati muling naibalik ang ganda ng paligid mula sa pagkawasak. Isang manipis na ngiti ang pumunit sa labi nito kasabay ng pagbabalik ng ilang mga alaala sa isipan nito.
Hindi niya inaakala sa ilang daan taon na nagdaan ay muli silang magtatagpo ni Vermous. Ang bampirang minahal niya noong unang panahon sa mundo ng Acceria.
Hindi niya alam kung ikatutuwa niya iyon. Iisa lamang ang nasisiguro niya, magbibigay iyon ng hindi matatawarang pighati ang pagkakatapon niya rito sa mundo ng mga mortal.
Mabilis niyang pinalis ang kasalukuyang tumatakbo sa isipan niya ng maramdaman niya ang presensiya ni Zain.
Naramdaman niya ang mabining pagyakap nito mula sa kanyang likuran. Hinayaan niyang madama ang masuyong hatid ng matitipunong dibdib ni Zain.
Dahan-dahan siyang humarap sa binata, marahang idinantay ni Eleezhia ang palad sa magkabilang pisngi ng binata.
Nanatili namang nakatitig ng buong pagsuyo ito sa kanya.
Sa pagdating niya sa buhay ng mga ito ay alam niyang umpisa na iyon ng paniningil ng kapalaran sa mga ito.
"Kahit paano'y unti-unti ko ng naiintindihan ang lahat Eleezhia."masayang sambit ni Zain.
Mula sa pagkakahugpong ng kanilang mga mata ay mabilis na iniiwas ni Eleezhia ang mga mata. Maski ang sarili'y bahagya niyang inilayo rito.
"Ano ba ang alam mo Zain? Wala pa sa kalahati ng nasa isipan mo ang totoong magaganap sa kasalukuyan. Nakahanda ka ba sakali?"puno ng kalamigan na saad niya sa binata.
Gusto niyang magalit ito sa kanya, para hindi siya mahirapan sa pagtupad sa layuning nakaatang sa kanya.
Mabilis na inilihis ni Zain ang paningin, napatutok ang pansin nito sa labas. Mababanaag sa mata ng binata ang lungkot. Aminin man niya o hindi ay naroon ang pangamba sa nakaamba sa kanilang buhay. Nais niyang magalit sa sarili kung bakit hinahayaan niyang matangay ng sariling emosyon para sa dalaga.
Mas nangingibabaw ang nararamdaman niya rito. Kung totoo man ang mga pangitain niya rito na noon pa man unang panahon sa mundo ng Acerria'y konektado na sila nito. Sa ngayon ay malabo pa ang lahat sa kanya. Muli ay natuon ang atensyon ni Zain sa sumunod na sinabi ng kaharap.
"Alam kong napaghandaan mo na ang magaganap na eklipse, pero paano naman sina Halls at Oreo. Nakahanda ba sila?"
Biglang nakaramdam ng kalituhan si Zain, tama ito handa siya sa mangyayari sakali. Para na rin matapos ang lahat at maging mapayapa na ang mundo ng mga mortal.
![](https://img.wattpad.com/cover/208499914-288-k816455.jpg)
BINABASA MO ANG
BREAK THE WORLD (LID) Book 2 COMPLETED
Про вампиров"Nawala man ang mga ito mananatili pa rin sa puso at isip niya ang lahat ng sakripisyo ng lahi nito para sa ikakaayos ng mundo ng mga mortal sa mga susunod pang panahon..." BREAK THE WORLD(Living Is Dying)COMPLETED -BOOK TWO OF HUNTING KENDRA Genre...