Jekoy POV
*February 19,2016* (Friday Afternoon)
Nasa tapat ako ng room namin at nag hihintay ang kambal ko matapos mag linis ng room nila, biglang lumapit sa akin yung mga kaibigang babae ni Kenjie."Kuya Jek pwede pahingi ng favor?" Sabi nung isang babae.
"Oo naman, ano ba yun?" Tanong ko sa kanila.
"Pwede sama ka sa room namin kahit ilang minuto lang? May kakausap lang sayo saglit." Sabi pa nung isa habang nakangisi, I wonder why.
"Sure." Sagot ko at sumama sa kanila. Pagkarating namin doon nakita ko yung isang babaeng kaibigan ni Kenjie na close niya talaga, kung hindi ako nag kakamali Mel ang pangalan.
"Siya kuya Jek may sasabihin siya sayo." Pang asar na sabi nung nang hingi ng favor sakin.
"Ahh ano ba yun?" Nakangiting tanong ko.
"Kuya Jek baka naman magalit ka kapag sinabi ko sayo ah." Sabi ni Mel na halatang kinakabahan pero ngumiti lang ako.
"Di ako magagalit, ano ba sasabihin mo?" Tanong ko at lumapit sa kanya.
"Crush kita eh okay lang ba?" Sabi niya na medyo ikinagulat ko pero hindi ko ipinahalata at hinawakan ang balikat at kamay niya.
"Okay lang yun, sige ah." Nakangiting sabi ko at umalis, pag labas ko sa room nila ay hindi ko na hinintay si Kenjie dahil kailangan kong makauwi kakaiba ang naramdaman ko nung umamin si Mel sa akin.
*Fast Forward* (Lunch Time, Same Day)
Habang nasa pintuan ako nagulat ako nung makita ko na hinahabol ni Mel si Cardo pero tumigil siya ng mapatingin sa akin, bigla ako tinanong nung isa niya classmate."Kuya Jek may gusto ka ba kay Mel?" Biglang tanong kaya nagulat ako napatingin kay Mel na napatigil bigla.
"Hindi siya yung may gusto sa akin." Lumabas sa bibig ko kita ko kung paano kumuyom ang kamao niya at tumakbo sa room nila. Sa hindi malamang dahilan naguilty ako.
*Fast Forward* (Evening Same Day)
Kinagabihan nakakain na kami at tapos na akong gawin ang dapat para matulog na ako pero tinawag ako ni Kenjie."Bakit?" Tanong ko sa kanya pero ngumiti lang siya.
"Bakit hindi mo ako hinintay kanina? Para kang bula sobrang bilis mong nawala." Nakangising sabi niya na dahilan para mapabuntong hininga ako.
"Wala yun baka kasi may kailangan pa kayong gawin ng mga kaibigan mo kaya nauna na ako." Sagot ko sa kanya.
"Talaga lang huh diba dahil kay Mel iyon? Akala mo di ko napansin ngiti mo." Napatigil ako pero agad din akong nakabawi.
"Mali ka ng nakita." Pag dedeny ko pero ngumisi lang siya.
"Hmm sabi mo eh pero payo ko lang sayo bilisan mo mabait at malambing si Mel madali siyang magustuhan at marami-rami din naaligid sa kanya at please bilang kaibigan niya wag kang mag sasabi ng masasaktan siya lalo na't maririnig niya." Sabi niya at pumasok sa kwarto niya habang ako naiwan ng nakakunot ang noo at nag tataka.
*Fast Forward*
(March 16,2016 Friday Afternoon)
Nasa harap ako ng room ni Kenjie kasama kaibigan ko at kaibigan niya hinihintay mga kagrupo niya cleaners kasi para sabay-sabay na kami pumunta ng village namin para mag practice sila."Oy Mel saan ka pupunta? May gagawin ka pa." Sabi ng kaibigan kong si Sherlyn kay Mel na ipinagkataka ko. Ano naman kaya?
"Ah meron ba? Wala kaya, geh alis na ako." Nakangiti niyang sabi at nag simulang maglakad paalis kaya nakakunot noo kong tinignan si Kenjie pero nagkibit balikat lang siya. So wala siyang alam.
BINABASA MO ANG
One-Sided Love: Continuation (Fan fiction)
FanfictionThis is pure imagination to my story of Melanie na hiniling kong sana nangyari for her. this is my second account and my first is exokaibae. Credits to Dessingss IsMe