Ang kahon na niluma na ng panahon.Ala-ala ng nakaraan hawak-hawak ko't inaalala.Mga nagdaang panahon ng ating nakaraan.Aking binabalikan at sinasariwa.Tumingin sa salamin nakitako ang isang matandang babae na may puting buhok.Binuksan ko ang kahon at unti-unting sinariwa ang lahat.Nakita ko ang panyo na inabot mo sa akin noong ako'y lumuluha sa tabi ng napakalakinh puno ng mangga.Simula noo'y naging magkaibigan na tayong dalawa. Nagpupunta sa Mall na noo'y 5 peso coin lang ang pamasahe sa pampasaherong jeep. Naglilibot, nagtitingin ng mga libro hanggag sa naagaw ang atensyon ko ang Libro ni Bob Ong na may pamagat na bulaklak ng patay. Nahilig pa naman ako sa nakakatakot kaya binili natin ito. Hanggang sa mapagog tayo at kumain ng ating paboritong Frech Fries. Lumalim ang nararamdaman natin sa isa't isa. Nagbigayan ng love letter. Ang saksi ng ating pagmamahalan. Lumipas ang ilang taon ay dumating ang ating pag-iisang dibdib , nadulas man sa balat ng saging ay tuloy pa rin. Nagkaroon tayo ng anak at ng mga apo. Kay bilis mahal ko, ngayon ito ako inaalala ang ating nakaraan. Nagsindi ako ng kandila gamit ang lighter sa harap ng litrato mo. Napaluha na lamang ako at napasabi, mahal malapit na tayong magkitang muli. Sa aking pagtulog ay niyakap kiya. Ang litrato mo na laging kasama sa twina. Ilang segundo na lang at tayo'y magkikita na. Sa aking pagpikit ako ay masaya. Mahal, habang buhay na tayong magsasama.
BINABASA MO ANG
Larawan
Short StoryMasayang balikan ang ating nakaraan .. one shot story ;) assignment po namin ito sa filipino. pagdudugdugtungin ang mga salita na ibinigay ng aming guro . hope you like it ;)