SHORT STORY (edited)

43 1 0
                                    

Isa akong promo girl sa isang mall dito sa manila.

Mahirap na masaya ang trabaho, bakit?

Mahirap kasi araw-araw mo paulit-ulit ieexplain sa customer yung promo na ineendorse mo, masaya kasi hindi boring at kumikita ka pa.

Ako nga pala si Areum Navarro, 20 years old.

Weird ng name ko nuh?

Ewan ba sa nanay ko, mahal na mahal ang Korean names, meaning daw kasi ng name ko is beauty, as if naman na beautiful nga ako hahahaha.

One day, umiyak ako dahil sa nakasagutan ko na isang ahente ng isang condominium. Hindi ko kasi nagustuhan yung binitawang salita niya sakin nung hindi ko sadyang maharangan yung pag-aabot niya ng fliers niya. Ang scenario???

FLASHBACK

Pinagsabihan ako ng bisor ko na mag-ikot ikot daw sa mall para makapagbigay ng mga fliers habang nasa booth ko pa siya.

Habang naglalakad-lakad ako, napatigil ako malapit sa isang escalator.

May humarap saking lalaki mula sa likuran ko, at sinabihan akong

“miss pwedeng sa bandang likod ka nalang? Kasi nahaharangan ng fliers mo yung mga fliers ko, ayaw tuloy nila tanggapin. Mas mahalaga naman ito  (turo sa fliers niyang inooffer na mga unit) kesa dyan kasi promo lang naman yan.”

Anu daw?

Mas importante kesa sa pinamimigay ko!?

Wt*!! nakakainsulto siya ha!

Bumalik ako sa booth ko at nagsabi ng nangyari sa bisor ko, walang anu-ano ay pumunta ang bisor ko sa customer service ng mall para ireport ang nangyari sakin kanina.

Nang nakaharap ko na yung lalaking nagbitaw sakin ng salitang “mas importante naman to, kesa dyan. Promo lang naman yan” biglang nag-iba ang ihip ng hangin sakanya. Ang paliwanag niya,

“wala ho akong ginawa sakaniya ma’am, pinalipat ko po siya ng maayos hindi ko siya pinaalis ng basta-basta kahit itanong niyo pa sakanya.”

Hindi ako nakapagpigil, sumagot na ako.

“hindi yun ang punto ko! Oo mahinahon mo nga akong kinausap pero ang ikinasama ng loob ko ay yung pag-insulto mo sa trabaho ko. Bakit?! Pareho lang tayong nagbibigay ng fliers ah, ang pinagkaiba nyo lang mas Malaki ang kita niyo once nakabenta kayo. Eh kami?! Alam mo bang kailangan kong makaubos ng tatlong bundle ng fliers para lang makahikayat ng mga taong sumali sa promo namin. At kung hindi kami makaabot sa kota wala kaming makukuhang sahod. kumpara sainyo kahit hindi kayo makabenta ng unit nyo ay may nakukuha kayong allowance. Pssssssh!”

Walang naisagot yung lalaking binangayan ko.

Nangingilid ang mga luha ko sa mga mata ko at Hindi ko na napigilang umiyak dahil sa inis at galit sa lalaking iyon.

 

END OF FLASHBACK

Ilang araw na ding nakalipas nung mangyari yun. Pero pag nakikita ko yung lalaking iyon naiinis ako sa tuwing naaalala o yung ginawa niyang pag-iinsulto sakin.

Malapit na akong matapos sa kontrata ko sa mall, at makakapagpahinga na din ako ng ilang lingo bago ulit ako bigyan ng next promotion.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WeChat WeLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon