PROLOGUE♡

11 1 0
                                    

I can hear my Mama and Papa fighting again. Nandito ako sa kwarto ko while nasa kwarto sila na nasa harapan ko na dapat sana ay magiging kwarto ng kapatid ko. Ang dating almost-perfect-family ay naging worst-unhappy-family. Simula kasi nang mawala ang magiging sana'y kapatid ko ay nagsimula na ring mag-away sina Mama at Papa.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko,nakapatay ang ilaw at sobrang dilim. Panatag ako sa ganito feeling ko kasi the darkness comforts me. Darkness hides my tears. Sa tuwing iiyak ako, tinatago ng dilim ang mga luha ko at mga sakit na nararamdaman ko.

Nakarinig ako ng mga sigaw at kalabog sa kabilang kwarto kung saan sila Mama.

"Lhoyd,ibaba mo yan!"Sigaw ni Mama.Gusto ko man pumunta sa kabilang kwarto ay napangunahan ako ng kaba at takot.

"Simula nang ilaglag mo ang anak natin nagkanda malas malas na ako! Una, nawalan ako ng trabaho tapos nagpatong-patong pa ang mga utang ko. Tsaka malalaman ko na may kabit ka!Letche ka!Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang anak natin!Kaya siguro dapat ikaw naman ang isunod ko!!" Naririnig ko na ang iyak ng aking Mama.Natatakot ako.Hindi ko alam kung anong gagawin. Naging Demonyo na ang Papa ko.

"LHOYD,HUWAG!!!" Nakarinig ako ng kutsilyong isinasaksak sa laman.Pagkatapos nun ay wala na akong narinig. Wala na ang iyak ni Mama. Wala nang sigawan at wala na ding tunog ng pagsaksak.Umiyak ako nang tahimik dahil sa sobrang takot at sobrang kaba pati na din ang sobrang pagkagalit. Naghahalo-halo ang aking emosyon nang may narinig akong mga yabag na palakas nang palakas. Hindi ko alam kung anong gagawin kaya nagkumot na lang ako at nagkunwaring natutulog. Narinig ko bumukas ang pintuan. Dinig na dinig ang tibok ng puso ko ngunit nanatili akong kunwaring natutulog. Hindi ko pa napunasan ang mga luha sa mukha ko kaya grabe ang nararamdaman kong takot.

"It's good that you're asleep,Athie."Sabi ni Papa saka umupo sa tabi ko.Hindi ko man kita pero ramdam ko."I am so sorry to leave you like this,Athie. But this is the only thing that I can do to give your Mom the justice she deserves.Justice for the one who killed her.I love you,my princess." Naramdaman kong hinaplos niya ang aking pisngi bago tuluyang lumabas at nakarinig nanaman ako ng pagsaksak sa laman.Hindi lang iyon iisa ngunit madami iyon.

Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at bigla na lamang akong sinaksak ni Papa.

Bigla akong nabangon dahil sa panaginip ko.Pawis na pawis ako.Palagi ko na lamang napapaniginipan ang nakaraan kong gusto ko nang kalimutan.Napaiyak ako at habang umiiyak ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko.Pinunasan ako ang aking mga luha at dumiretso sa pinto para buksan yon.

"Anak"Sambit ng taong akala ko nang wala na.Napakasama ng tingin niya saakin. Napatingin ako sa mga kamay niya at nakita ko ang kutsilyong punong puno ng dugo.

"P-Pa..." Pagkasabi ko nun ay bigla nya akong sinaksak.

Nagising nanaman ako at malakas ang tibok ng puso ko.Nangyari nanaman saken 'to,yung tinatawag nilang panaginip sa ilalim ng panaginip. Napatingin ako sa orasan at 4:30 am palang. Dapat tutunog ang alarm ko sa 5:00 am pero mukhang mas unahan ko pa ito.Mas mabuti pa sigurong mag-ayos na din ako.

In-on ko ang ilaw sa kwarto at sala dahil nakapatay ang lahat ng ilaw sa bahay.Gumawa ako ng breakfast ko at nag-scroll sa page namin sa school; Philippine High Academy official page. As usual, madami dung shout outs and stuff. Halos lahat ng shout out tungkol kay Casper Drian Xereño. Kaya nag-offline na lang ako at nagbihis.

6:12 am palang nang makarating ako sa school.Okay na din naman 'to para hindi ako pagtinginan.Sino ba naman kasi ang hindi titingin kung may nakita silang babaeng naglalakad na nakatago ang mukha sa buhok, di ba?.

"Oy,Athena Pangita!"Sigaw ng pamilyar na boses. Patuloy akong naglakad.Ngunit naramdaman kong may humawak sa kanang braso ko.

"Bwisit ka!Napaka-bastos mo!"Sigaw saken ni Ellie at hinila ako paharap sa kanya.

"S-sorry,Ellie."Sabi ko at nakatingin sa baba.Tumawa siya pati na din ang mga kasama niya.

"Pangit ka na nga,bastos ka pa."Sabi niya at nananahimik na lamang ako habang tumatawa sila. Tatakbo na sana ako nang bigla niyang hinila ang buhok ko kaya napasubsob ako sa sahig.

"A-aray,Ellie.B-bitiwan mo ko.Masakit."Sabi ko at sinusubukang tanggalin ang kamay niya sa buhok ko. Parang mapupunit na ang anit ko sa sobrang sakit ng ginawa niya.Madami nang nakapalibot saamin.

"Walang makakatakbo sakin,Athena.Kaya kapag kinakausap ka.Huwag kang tatakbo."Sabi niya at pinagsasampal na din ako ng mga kasama niya.Kahit ano pang lakas ko hindi ko sila mapigilan.

"ANONG NANGYAYARI DITO?!"Bumitaw si Ellie pero nakahilata pa din ako sa sahig dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.Si Mrs.Alcantara pala iyon,Hindi katulad ng sa mga panuod na may dadating na knight in shining armour kuno. At sa isang iglap nawala ang mga tao sa paligid namin.

"MS.APPELLIDO!WHAT IS THIS?!"Sigaw ni Mrs.Alcantara at tinulungan ako. Ang p.e teacher namin.

"M-maam, S-siya yung nag-umpisa!I was just defending myself!"Sabi ni Ellie at tinuturo ako.Sumang-ayon naman ang mga kasamahan niya.Liar

"Let's go to the Clinic,Ms.Buena." sabi niya at nag-patianod na lamang ako. Sobrang sakit na rin kasi ng katawan ko.

"Okay,class. Since tomorrow will be your foundation day. Mag-aasign ako sa mga in charge ng decorations,and stuff."Sabi ng teacher namin.Syempre,lahat sila naghiyawan dahil wala nanamang gagawin ngayon.

Nag-assign na ang guro sa mga in charge ng kung ano ano ngunit wala duon ang nakakuha ng pansin ko.

"So last is mag-aayos ng storage room."Walang nagtaas ng kamay maliban saken.Madilim sa storage room kaya gusto ko.

"As usual,wierdo place pa din ang gusto niya."rinig kong usal ng mga kaklase ko.Lahat sila nagbulungan na para bang hindi ko sila naririnig. Matapos ang ilang minuto ay pinalabas na kami ng guro para gawin ang mga trabaho namin.

Nang makarating ako sa storage room ay gumaan ang loob ko.Darkness is my comfort zone.Itinali ko na ang buhok ko at nagsimulang maglinis sa storage room.Ilang oras na rin akong naglilinis at halos tapos ko na ang lahat.Binuhat ko ang mga kahoy ngunit masyado itong mabigat.Ilang beses kong sinubukan buhatin nang may humawak sa kamay ko.

"Let me help."sabi niya.Agad kong tinanggal ang kamay niya sa kamay ko dahil nairita ko.Hindi ako sanay na may humahawak saken.Binuhat niya palabas ng storage room ang mga kahoy.Hindi ko alam kung anong gagawin ko.Baka kasi may makakita samin na nagbubuhat ng mga kahoy ang isang Casper Drian Xereño, siya ang isa sa mga sikat na lalaki dito.

"There,it's done."sabi niya habang pinapagpag ang katawan at pumunta sa harap ko kaya napaatras ako."Woah,chill.'Di ako nangangain."Sabi niya at saka tumawa.Hindi ako makagalaw at makapagsalita.Talagang hindi ako sanay sa ganito.

"Aren't you going to thank me?"Sabi niya at ngumiti.Yung ngiting maganda.

"S-salamat.A-alis nako."Sabi ko at kukunin na sana ang bag ko nang mag-salita ulit siya.

"Wait.Are you new?Ngayon lang kita nakita dito."sabi niya.Hindi ba talaga niya ako nakikilala?Gustong sumagot pero natatakot ako.Kinuha ko na lamang ang bag ko at tumakbo.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

The Nyctophile Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon